DAY 55

2.3K 94 2
                                    

October 1. Saturday

"ANO pa ba ang nasa planner mo na hindi mo pa nagagawa?"

Sinubukan ko silipin ang planner ni Kira pero mabilis niyang isinara 'yon at kinipkip sa dibdib niya. Tumawa siya. "Huwag mo tingnan!"

Umangat ang kilay ko. "May itinatago ka pa ba sa'kin?"

Tumawa siya uli at umiling. "Basta."

"Then paano ko malalaman kung ano pa ang gagawin natin sa mga susunod na araw?"

Inilapag niya ang planner sa center table. Then tumayo siya mula sa couch kung saan siya nakaupo at lumipat sa tabi ko sa mahabang sofa. Kumapit siya sa braso ko at nakangiting humilig sa balikat ko. Then she looked up at me. "Wala akong ibang plano sa mga susunod na araw kung hindi ganito lang, tumambay at maglambing sa'yo."

Napangiti ako. Inabot ko ang isa niyang kamay at pinaglingkis ang mga daliri namin. I softly kissed the back of her hand. Then humilig din ako sa ulo niya at bumuntong hininga. "Ah. I like this."

Lalo pa siyang sumiksik sa akin. "Me too."

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon