DAY 24

2.8K 114 5
                                    

August 31. Wednesday

NAKITA ko agad si Kira pagdating ko sa campus. Ang weird nga kasi sobrang dami ng estudyante na naglalakad-lakad sa quadrangle sa mga oras na 'yon. Pero nakita ko pa rin siya kaagad. Likod pa lang ng ulo niya nakilala ko na agad. Bukod sa siya lang naman ang kilala kong hihinto sa gitna ng quadrangle at walang pakielam sa mga taong dumadaan na titingala sa langit.

Ano na naman kaya ang nakikita niya ngayon?

Naglakad ako palapit sa kaniya. Medyo nahirapan nga lang akong bilisan kasi nga ang daming tao. Buti na lang mukhang engrossed siya sa kung anong tinititigan niya sa langit. Kahit kasi nang makatayo na ako sa tabi niya hindi pa rin siya tuminag. Tumingala rin ako. The sky is blue with few clouds scattered apart from each other. Maganda ang panahon sa araw na 'yon.

"Ano bang tinitingnan mo?" tanong ko.

Gulat na napatingin sa akin si Kira. Mukhang ngayon lang narealize na katabi na niya ako. Inangat ko ang mga kilay ko at medyo ngumiti. "So?"

Mukhang nakabawi na siya sa pagkagulat kasi ngumiti na siya. "Good morning, Gin!"

Lumawak ang ngiti ko. Gusto ko ang tunog ng palayaw ko kapag siya ang nagsasabi. "Good morning. So, ano ang dahilan at nakatingala ka na naman sa langit?"

"Ah." Tumingala siya uli. "Tinitingnan ko kung uulan ba o hindi. Hinahanap ko ang sign."

Umangat ang kilay ko. "Sign?"

Nanlaki ang mga mata ni Kira at masayang natawa. "Yes! Hindi uulan!"

Napatingala ako. Ang nakita ko lang naiba sa langit ay ang isang dumaang eroplano na nag-iwan ng buntot na puti sa kalangitan pero agad ding nawala. "Ang pagdaan ba ng eroplano ang hinihintay mong sign?"

Nakangiti niya akong tiningnan. "Yep. Kapag matagal mawala ang white and cloud like trail ng isang airplane ibig sabihin uulan kasi mataas ang humidity sa itaas. Pero kapag katulad ngayon na nawala agad, ibig sabihin mababa ang humidity at magiging maganda ang panahon maghapon." Huminga siya ng malalim, mukhang masayang masaya. "Mabuti naman. Nag-worry ako na baka umulan."

Napatitig ako sa mukha niya. "You don't like the rain?"

Natigilan siya bago marahang umiling at ngumiti. "Dati gusto ko ang ulan. Pero lately, hindi ko na gusto kapag makulimlim o kaya uulan. In fact, rain makes me feel... sad. Kaya ayoko ng ulan kasi ayokong malungkot."

Naalala ko na naman ang mga kinunan niyang larawan na naka-post sa instagram account niya. Her beautiful yet sad world. Paano ko ba itatanong sa kaniya bakit ganoon ang tingin niya sa mundo noon? Ano ang pwede kong gawin para mabago ang pagtingin niya sa mundo kung kahit ako wala naman makitang positibo sa buhay ko?

Tumunog ang bell. Patunay na magsisimula na next class period. It's also a warning para sa may mga klase sa period na 'yon na magpunta na sa classroom.

"May klase ako," sabi ni Kira. Ngumiti at nagpaalam. May pakiramdam ako na kapag naghiwalay kami ngayon baka hindi ko na siya makita pa buong maghapon. Wala pa naman akong klase bukas. Kung sakali sa Friday pa kami uli magkikita.

That's so long.

Tumalikod na si Kira at maglalakad na palayo sa akin kaya napahawak ako sa braso niya. Gulat na huminto siya at lumingon sa akin. "Bakit?"

Lumunok ako. Medyo humigpit ang hawak sa braso niya. "May klase ka ba bukas?"

Kumurap siya. "Wala. Bakit?"

"Go out with me."

Napanganga siya. Saka nag-register sa akin kung ano ang dating ng sinabi ko. Uminit ang mukha ko. Tumikhim ako. "I mean, hang out with me tomorrow."

"Saan?"

Na-blangko ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. "I'll message you tonight."

Tinitigan ako ni Kira. Kinabahan ako kasi parang tatanggi siya eh. Kaya nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti siya. "Okay."

Lumuwag ang hawak ko sa braso niya at kumilos na uli siya para lumayo sa akin. Kumaway si Kira for the last time saka tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Huminga ako ng malalim at naglakad na rin papunta sa sarili kong klase.

LOST STARSWhere stories live. Discover now