DAY 25

3K 109 3
                                    

September 1. Thursday

KAGABI hindi ko pa rin alam kung saan kami pwede pumunta ni Kira. Biglaan kasi ang desisyon kong ayain siya lumabas ngayong araw. So last night I asked her where she wants to go. Matagal siyang nag-isip bago sumagot.

"Enchanted Kingdom. Never pa kasi ako nakapunta sa Amusement Park. Tamang tama weekday bukas kaya siguro naman hindi masyadong marami ang tao doon 'no?"

Iyon ang sabi ni Kira. Kaya today babiyahe kami pa-Laguna. Sinundo ko siya as usual sa labas ng subdivision nila. Na-amuse ako nang makita ang outfit niya. Shorts at puting blouse na pinaresan ng rubber shoes at backpack. Nakapusod na parang bun sa tuktok ng ulo niya ang mahabang buhok. Mukha siyang mag-fi-field trip.

Cute.

"Good morning!" masiglang bati niya nang makasakay sa passenger's seat ng kotse ko.

Ngumiti ako. Gumanti ng bati. Saka pinaandar uli ang kotse. "Nag-breakfast ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Ikaw?"

"Hindi pa rin. Kumain na lang muna tayo sa unang kainan na madadaanan natin para makapag-breakfast."

"Okay." Ngiting ngiti si Kira. Halatang excited na excited. Napapangiti tuloy ako sa tuwing sinusulyapan ko siya. Nakakahawa ang good mood niya.

Huminto kami sa isang fastfood chain para kumain. Pagbalik namin sa kotse ko at babiyahe na sana nang tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako at mabilis 'yong inabot. Because it's a special ringtone assigned to Danica's number. "I need to take this call."

"Sige lang," sagot ni Kira.

Iyon nga ang ginawa ko. "Danica?"

Napansin ko na natigilan si Kira at pumihit patalikod sa akin at paharap sa labas ng bintana. I can see her reflection through the window. May munti pa ring ngiti sa mga labi niya pero para siyang... nalungkot. Bakit?

"Gin, help me."

Kumurap ako at napunta lahat ng atensiyon kay Danica na obvious ang takot at pagkataranta sa boses. "What's wrong?"

"Si Louise kasi tinakbo namin ni Manang sa ospital. Forty degrees kasi ang lagnat at iyak ng iyak. W-wala si Thorne umalis siya kahapon may out of the country business trip sila ni Lolo. Hindi ko ma-kontact ang parents niya. Gin, hindi ko kaya mag-isa dito." Umiiyak na si Danica. "When it comes to my daughter I feel so weak."

"Saang ospital? Pupuntahan kita."

Sinabi niya ang pangalan ng ospital. I gave her assurances that everything is going to be okay. Saka ko tinapos ang tawag. Papaandarin ko na ang kotse nang mapatingin ako kay Kira. Frustrated akong napabuntong hininga. "Kira...I'm sorry I – " Tumikhim ako. Mabilis na pinaliwanag ang sitwasyon.

Bumakas ang concern sa mukha ni Kira. "Ano pang hinihintay mo? Bilisan mo na. Pumunta na tayo sa ospital!"

Tumango ako. "Thank you." Saka pinaharurot ang kotse.

Naabutan namin si Danica na namumutla at nanginginig sa takot. It was obvious she was relieved to see me. Kasi pagdating na pagdating namin tumakbo agad siya palapit at mahigpit akong niyakap. I wrapped my arms around her. "It's okay. Everything is going to be okay," masuyong bulong ko sa tainga niya.

Matagal bago kumalma ang bestfriend ko. Nang kumalas siya sa akin huminga siya ng malalim at nagawang ngumiti kahit halatang pilit naman. "Sorry. Ninerbiyos lang ako. Hinihintay pa ang result ng tests na ginawa ng doktor. For now nilagyan siya ng dextrose at binigyan ng pampababa ng lagnat."

LOST STARSWhere stories live. Discover now