DAY 57

2.3K 99 0
                                    


October 3. Monday

PUMASOK na uli sa Richdale University si Kira. In fact, sinundo ko siya sa bahay nila at sabay na kami nagpunta sa school. At least this way, nababantayan ko siya at nasisiguro ko na okay siya.

May isang bagay lang akong nakaligtaan isaalang-alang. Students of Richdale tends to be alert when it comes to me. Pagkalabas pa lang namin ni Kira mula sa kotse ko nakakuha na agad kami ng atensiyon mula sa mga estudyante sa paligid namin. Besides, we've been the topic of rumors since last month. Lalo na noong araw na hinimatay si Kira. Siguro stressed sa pag-aaral ang mga estudyante kaya kaunting mapag-uusapan pinapalaki nila para may mapagkaabalahan.

"Saan ang klase mo? Ihahatid na kita."

Nanlaki ang mga mata ni Kira. "Ha? Huwag na."

"I insist." Hinawakan ko ang kamay niya. Napanganga siya at iginala ang tingin sa paligid bago ibinalik ang tingin sa mukha ko. Ngumisi ako. "What? I just want to hold my girlfriend's hand. Wala namang masama 'don 'di ba?"

"Girlfriend?!" Halos sabay-sabay na sabi ng mga estudyante sa paligid namin. I didn't bother to look around me. Kasi sa mukha lang ni Kira ako nakatingin. Kaya nakita ko nang mamula ang mukha niya. Kaya nakita ko ang pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi niya. Kaya nakita ko ang kislap ng pagmamahal sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

God, I love this girl. I want to be with her for a very very long time.

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon