DAY 4

4.4K 144 0
                                    


August 11. Thursday

"NANDITO na ang report na pinagawa niyo sa akin, Lolo."

Nag-angat ng tingin si Lolo mula sa mga papeles na pinipirmahan at tumingin sa akin. Sumenyas siya para papasukin ako sa loob ng opisina niya. Lumapit ako at inilapag sa harap niya ang folder na pinaglagyan ko ng mga papeles at report.

Ngumiti si Lolo, hindi hinawakan ang folder at tumitig lang sa mukha ko. "So, how's school?"

Medyo umangat ang mga kilay ko. Hindi naman niya ako kinukumusta ng ganoon dati. Pormal ang relasyon namin ni Lolo. Wala sa amin ang nag-effort maging close sa isa't isa. Kaya nagtataka ako na nitong nakaraang mga buwan mas maaliwalas ang mukha niya at affectionate ang tono kapag nakikipag-usap sa akin. Kapag tinitingnan niya ako, minsan feeling ko may naiisip siya o pinaplano na hindi ko alam.

"School is still the same, Lolo."

"Hindi ka nahihirapan sa classes mo?"

"I can handle my classes just fine." Sanay naman akong ilang oras lang natutulog sa isang araw para mag-aral.

"How about your friends? School event na sa tingin mo interesting salihan? Are you having fun?"

Kumunot na talaga ang noo ko. "Lolo, ano talaga ang gusto niyong sabihin?"

Lolo shrugged. "Gusto ko lang na ma-enjoy mo ang natitirang taon mo sa school. Kapag nagtrabaho ka na talaga, kaunti na lang ang chance na makakapag-relax ka. I want you to enjoy your youth a little longer."

"Enjoy my youth... how? I've never done that before."

Natigilan si Lolo. Kahit ako nagulat sa nasabi ko. Nagkatitigan kami. May dumaang emosyon sa mga mata ni Lolo na hindi ko ma-take kaya nag-iwas ako ng tingin. Tumikhim ako. "Anyway, kung okay na sa inyo ang report, may iba pa ba kayong ipapagawa sa akin?"

Matagal na naramdaman kong nakatitig lang siya sa akin. And then he said, "Oo. May ipapagawa pa ako sa'yo." Huminga ng malalim si Lolo. "I want you to stop coming here for the whole semester."

Manghang napalingon ako sa kaniya. "What?! Why?"

Kinuha ni Lolo ang folder na nilapag ko sa lamesa niya at sumeryoso ang mukha. "I told you. Gusto kong mag relax ka. You said you don't know how to enjoy your youth. Binibigyan kita ng chance na alamin ang hindi mo alam. Hindi mo 'yon magagawa kung bukod sa pag-aaral papasok ka pa sa kompanya."

"Lolo!"

"Kung inaalala mo ang sasabihin ng parents mo huwag ka na mag-worry. Ako na ang bahala sa kanila. Masyado silang mahigpit sa 'yo. I am aware na buong buhay mo pinressure ka nila. I apologize because I didn't do anything about it before. Nagkunwari akong hindi ko nakikita ang ginagawa sa 'yo ng parents mo. Natutuwa pa ako na kahit bata ka pa marami ka nang nagagawa. Huli na nang marealize ko na hindi healthy para sa 'yo ang maging mas mature kaysa sa edad mo. Gusto kong bumawi. Eugine, I want to give you the space to breathe before it's too late."

May bumara sa lalamunan ko at bumigat ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Gusto kong sabihin na ayos lang ako. Na hindi niya ako kailangan bigyan ng space. Na kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. That I don't need to enjoy my youth. Pero hindi ko magawang magsalita.

When our gaze met, I saw understanding in Lolo's eyes. "Go find something you want to do. Iyong walang kinalaman sa pag-aaral o sa trabaho. Iyong magpapasaya sa 'yo. I'm sure you will find something. Sa susunod na magkita tayo gusto ko nakangiti ka na."

I clenched my fists. Hindi ako nagsalita. Tango na lang ang naging sagot ko kay Lolo. Saka ako tumalikod at lumabas ng opisina niya.

LOST STARSWhere stories live. Discover now