DAY 45

2.7K 107 6
                                    

September 21. Wednesday

MAY KAKAIBA sa mga estudyante ng Richdale University sa araw na 'to. Pagkababa ko pa lang ng kotse ko napansin ko nang kakaiba ang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko. Kinabahan ako. Something must be going on. Isang bagay na may kinalaman sa akin na hindi ko pa alam. Kasi kung hindi bakit kakaiba ang tingin nila sa akin?

Sobrang awkward ng first class ko kasi parang may gustong sabihin ang mga kaklase ko pero hindi makakuha ng tiyempo. Ang professor ko naman may simpatya ang tingin sa akin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari. Hanggang tumawag sa akin si Thorne. Nagulat ako at lalong kinabahan kasi hindi naman basta-basta tatawag sa akin ang pinsan ko.

"Is there something wrong?" tanong ko agad.

"Paano mo nalaman na may ibabalita ako sa'yo?"

"Kaninang umaga pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa campus. Hindi ko alam kung bakit."

"Nasa Eastwood ka ba noong isang araw?"

Natigilan ako. Nagkakaroon na ako ng kutob kung tungkol saan ang problema. "Yes. Aksidente kaming nagkita ni Papa."

Narinig kong bumuntong hininga si Thorne sa kabilang linya. "May kumuha ng video sa naging argument niyo ng tatay mo kasama ang...mistress niya. I-pinost sa Youtube. Someone from Richdale must have seen it at i-shinare sa mga kakilalang estudyante kaya kumalat sa campus. May natanggap din kasing link si Danica kaya napanood namin."

Mariin akong pumikit at mahinang napamura. Kaya naman pala. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang emosyon ko. "Don't tell Lolo."

"Sorry. Alam na niya."

Napadilat ako. "What?"

"Napanood din ng secretary niya at pinanood sa kaniya. Actually kaya ako napatawag kasi kalat na sa buong kompanya ang video. Kahit nga ang parents ko napanood na. Galit na galit sila sa tatay mo. Especially my mother. She's worried about your mom."

Sarcastic akong natawa. "Ang nanay mo? Worried sa Mama ko? Are you kidding me?"

Hindi nakasagot si Thorne. Dapat lang kasi kasama ang parents niya sa mga taong tumatapak at nagmamaliit kay Mama noon pa man. Alam nila noon pa ang kalokohan ni Papa pero ang tingin nila deserve ni Mama ang panloloko ng asawa niya. Tapos ngayon worried sila? Ha! Baka mas worried sila sa reputasyon ng pamilya kasi noon pa man 'yon lang naman ang concern nila. After all, old rich ang mga Alonso at konserbatibo.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi pero nagbago na ang parents ko mula nang magkaroon sila ng apo, Eugine. In fact si Mama ang nagsabi sa akin na tawagan ka. She wants you to look after your mother. Kasi ang mga ganitong isyu hindi raw pinapalampas ng mga tao sa social circle natin."

Huminga ako ng malalim. "I will. Tell your mother that I said thanks."

"And you... don't keep it all to yourself," seryosong sabi ni Thorne.

May bumara sa lalamunan ko. "Thanks."

Napatitig ako sa cellphone ko pagkatapos ng tawag ni Thorne. Narealize ko na for the first time sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman na may kamag-anak akong malalapitan ko kapag hindi ko na kaya sarilinin ang problema.

Pinilit kong tapusin ang lahat ng klase ko sa araw na 'yon kahit na distracted ako. Mabuti na lang sanay akong balewalain ang mga tao sa paligid ko kaya walang nakalapit sa akin para makiusyoso. Besides, alam nilang hindi rin naman ako magsasalita.

Pasakay na ako sa kotse ko para umuwi nang biglang may humawak sa braso ko. Gulat na napalingon ako. Nakangiting mukha ni Kira ang bumungad sa akin. "Sumama ka sa akin."

LOST STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon