DAY 50

2.6K 104 7
                                    

September 26. Monday

MAINGAY na naman sa campus ng Richdale University. Ilang segundo bago ko naalala na University wide Sports Fest nga pala kapag last week ng September. Excited na naman ang mga estudyante kasi hindi mahigpit sa lessons ang mga professor kapag may event sa campus. Pero ang kapalit 'non kailangan lahat mag-participate.

Tennis ang sports na sinasalihan ko sa loob ng apat na taon as an undergrad student. Pero ngayong graduate student na ako, wala akong balak sumali sa kahit na anong sports. Hindi naman kasi kami required makisali sa mga undergrad students. Normal rin ang schedule ng mga klase namin.

"Ginnnnnn!"

Napahinto ako sa paglalakad sa quadrangle. Napangiti ako sa pakanta at masiglang boses na 'yon. Saka ako lumingon. Tumatakbo si Kira hanggang huminto sa harapan ko. Ngiting ngiti. "Good morning."

"Good morning. Wait, magpaparticipate ka sa Sports Fest?"

Ngumisi siya at itinaas ang lagayan ng badminton racket na dala niya. "Yes. Excited na nga ako kasi first time ko sasali sa Sports Fest. May laban ako mamaya. Elimination round sa College namin. Kung libre ka mamaya, panoorin mo ako, ha?"

"Of course I will watch your match," nakangiting sagot ko.

Mukhang natuwa siya. Then nagpaalam na siya sa akin kasi magpa-practice pa raw siya. Nakangiti pa rin ako habang nakasunod ng tingin kay Kira na patakbo ring lumayo sa akin. Well, wala sana akong balak maki-join sa kasiyahan ng Sports Fest pero nagbago na ang isip ko.

ALAS DOS ng hapon ang match ni Kira. Alas dos din natapos ang klase ko kaya halos thirty minutes akong late na nakarating sa badminton court na itinayo sa tapat ng College building nila. On going na ang badminton match at maraming mga estudyante ang nanonood. At first hindi ko makita ang mga naglalaro kasi wala akong mapwestuhan. Hanggang mapansin ako ng isang grupo ng mga babaeng estudyante na nanonood. Lumingon-lingon sa akin, nanlaki ang mga mata at nagngisian.

"Eugine Alonso, dito oh, pwede ka dito manood para makita mo," sabi ng isa na mukhang ang naudyukan ng mga kasama na magsalita. Medyo kabado pa sila habang nakatingin sa akin. I can't blame them. Hindi kasi ako namamansin ng ibang tao. Madalas din dati kapag may mga makukulit na tawag ng tawag sa pangalan ko para lang lingunin ko sila, napipikon ako at nakakapagsungit.

I realized I was such a snob before. Bumuntong hininga ako, tipid na ngumiti at naglakad palapit sa mga babaeng estudyante. "Thank you."

Natulala sila pero umusod naman hanggang makapwesto na ako sa hilera nila. At last, nakita ko na ang game. Nakita ko na si Kira na pawis na pawis at hinihingal. Sinulyapan ko ang score board. Malaki ang lamang ng kalaban niya pero nang ibalik ko ang tingin sa kaniya nakita kong nakangiti siya. She's enjoying the game. Sobra rin ang concentration niya at parang walang nakikitang iba maliban sa kalaro niya. Ni hindi nga niya ako napapansin kahit kung tutuusin malapit lang sa kaniya ang kinatatayuan ko.

Napangiti ako. I crossed my arms against my chest and silently watched her play badminton.

Kahit gaano pa siya ka-enthusiastic at focused sa laro, halatang amateur si Kira. Mabilis na natapos ang match at nanalo ang kalaban niya. Still, for some reason she looks satisfied and happy. Masaya pa nga siyang nakipag-shake hands sa nanalo.

By this time aware ako na marami na ang nakakapansin sa presensiya ko sa lugar na 'yon. May mga itinuturo ako. May mga nagbubulungan. Nagtataka siguro kung bakit ako naroon. May iba na parang gusto akong lapitan. Medyo naiilang na ako, actually. Kasi hindi ako katulad ni Thorne na komportable maging center of attention. Lalo at hindi pa umaabot ng isang linggo mula nang kumalat ang video namin ni Papa at ng mistress niya.

LOST STARSWhere stories live. Discover now