DAY 23

2.6K 105 1
                                    

August 30. Tuesday

HINDI pa rin mawala ang guilt ko na hindi ko matandaan si Kira. At the same time, na-ku-curious ako kung ano siya noon. Kung ano ang hitsura niya, kung ano ang ginagawa niya sa mga taon na hindi kami magkaibigan. So I decided to do some research.

I typed her name in google. Para makita ko ang mga social media accounts niya. Kaso wala siyang facebook. Walang twitter. Walang blog. Ang meron lang siya, instagram.

The pictures on her feed are amazing. At updated. Naroon ang picture ng sunrise na kinunan niya noong nagpunta kami sa rooftop. Picture ng mga pathway at iba't ibang part ng Richdale na hindi ko inakalang maganda palang subject sa isang photo. Naroon ang pictures na pinapadala niya sa akin through viber.

And then there were pictures of before we knew each other. Landscape pictures usually. Karamihan langit. Mapa-araw man at mapagabi. Hallway ng kung anong building. Glass window with raindrops. Flowers. Kung ano-ano pa. Pero walang selfie kahit isa.

Hindi ko nakita kung ano ang hitsura ni Kira sa nakaraang mga taon. Pero through her pictures nakita ko ang mundong nakita niya sa nakaraang mga taon.

I don't know why, but the world she saw looks beautiful yet terribly sad.

LOST STARSWhere stories live. Discover now