DAY 62

2.4K 87 5
                                    

October 8. Saturday

MAY hangover pa ako sa nangyari kagabi. Hindi kami magkikita ni Kira ngayon kasi may date naman daw siya kasama ang parents niya. So nag-usap na lang kami sa cellphone.

"Ang weird nga ni Daddy nang umuwi siya kagabi. Parang may malalim na iniisip na ewan. Then bigla siyang nag-aya na lumabas kaming pamilya today. May gusto raw siya sabihin sa amin. Wait, aalis na raw kami. I'll call you later ha? Bye!"

Naputol ang tawag. Bumuntong hininga ako pero napangiti rin. Then kinuha ko mula sa cabinet ng bedside table ko ang listahan na ginawa ko. Nalagyan ko na ng check ang dinner date. Gusto ko naman siya dalhin sa beach.

Sana pumayag siya. Sana matuwa siya. Because there is nothing I want more than to see her smile and hear her laugh.

LOST STARSWhere stories live. Discover now