DAY 72

2.9K 102 7
                                    

October 18. Tuesday

"MARUNONG ka ba mag-set up niyan?"

"Yes. Nahiram ko na 'to dati sa may-ari. This telescope is for beginner kaya madali gamitin." Sinulyapan ko siya at ngumiti. "Relax ka lang. Mayamaya lang pwede na natin silipin ang stars and planets. Good thing new moon ngayong gabi. Hindi matatakpan ng liwanag ng buwan ang mga bituin. Maliit nga lang 'tong reflector telescope na nahiram ko kaya hindi tayo makakasilip ng galaxies."

"Sayang naman," sabi niya na lumapit na sa akin para makiusyoso sa telescope.

"Balak sana kitang dalhin sa isang hotel observatory sa Antipolo para sa star gazing natin. Kaso ayaw mo gawin natin sa weekend eh. Gusto mo ngayon agad."

Nasa rooftop kami ng ospital. Doon lang kasi pwede si Kira. Kahapon gusto niyang tumakas na lang kami at ituloy ang original plan ko para sa star gazing trip namin pero hindi na ako pumayag. Mas mahalaga na sa akin ang kalusugan niya. Kaya nanghiram na lang ako ng telescope at humingi ng permiso sa doktor at parents niya na mag-ii-stay kami sa rooftop ngayong gabi. Pumayag sila pero balot na balot si Kira para hindi siya malamigan.

"Hindi na kasi pwede sa weekend."

Sinulyapan ko siya. "Bakit nga? Ayaw mo sabihin sa akin ang rason."

Ngumiti lang siya. Then binaling niya ang tingin sa telescope. "Afford mo bumili ng ganito 'di ba? Bakit nanghihiram ka lang?"

Bumuntong hininga ako at inadjust ang finderscope. "Bumili ako noong high school pa ako. Inipon ko from my allowance. Nagalit ang tatay ko. Imbes daw magaksaya ako ng oras sa kakatingin sa langit basahin ko na lang daw ang mga business reports na pinapabasa niya sa akin. He confiscated my telescope and destroyed it in front of me. Mula noon hindi ko na tinangkang bumili."

Naramdaman kong napatitig siya sa akin. "That's horrible. Kahit pa tatay mo siya, hindi niya dapat ginawa 'yon."

Dumeretso ako ng tayo at nakangiting bumaling sa kaniya. "It's okay. Naghiwalay na sila ni Mama at tama ka, it was for the best." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa harap ng eyepiece. "Here. You can start looking at the stars."

Ngumisi siya. Halatang na-excite. Sumilip siya sa eyepiece. "Wow. Ang ganda ganda talaga."

Napangiti ako at tumitig sa mukha niya. "What constellation do you see?"

"I can see Ursa Major. Ang ganda talaga ng Big Dipper, 'no? Tama si Mommy, it looks like a rosary."

Natawa ako. "May pagmamanahan ka pala sa mga analogy mo."

Nag-angat siya ng mukha. "Totoo naman eh. Halika, tingnan mong maigi."

Pinagbigyan ko siya. Tumabi ako sa kaniya at sumilip sa eyepiece. I can see the Big Dipper, shinier and brighter than what I usually see in the sky without the aid of a telescope. Ngayong sinabi ni Kira, narealize ko na oo nga. Mukhang rosary ang Big Dipper.

Sa sumunod na mga oras marami pa kaming tiningnan na constellations. Nang mapagod sa kakasilip sa eyepiece ng telescope magkatabi kaming umupo sa sahit at tumingala sa langit. Huminga ng malalim si Kira at hindi inaalis ang tingin sa kalangitan na nagsalita.

"Life is like the Universe. It's full of so much wonder, so many unknowns, and so many possibilities. It makes it so worth it to live and exist in this world. Even if it's only once."

Napatitig ako sa mukha niya. My chest ached. Naalala ko ang naging buhay ko sa nakaraang dalawampung taon. Bago ko nakilala si kira at bago nakapagdesisyong maghiwalay ang parents ko. "Kahit na ang buhay mo hindi kasing ganda ng buhay ng iba?" tanong ko.

Sinulyapan niya ako. "Kahit na."

"Kahit na puno ng hardships, frustrations, disappointments at sadness ang buhay mo?"

"Kahit na."

"Kahit na..." may bumara sa lalamunan ko. Mukhang naintindihan ni Kira kung ano ang gusto kong sabihin kasi ngumiti siya, inabot ang kamay ko at pinisil 'yon.

"Yes, Gin. Kahit na maiksi lang ang buhay na ibinigay sa akin, tatanggapin ko pa rin. In fact, kung alam mo na maiksi lang ang buhay mo, hindi ba mas dapat kang mabuhay sa paraan na gusto mo? Hindi ba mas dapat pakinggan mo ang puso mo sa bawat desisyong gagawin mo imbes na maging cautious at boring?"

Tinitigan ko siya. "Are you afraid?" pabulong na tanong ko.

"Of dying?"

Sumakit ang dibdib ko at may bumara sa lalamunan ko. Kasi ang dali para kay Kira na sabihin ang salitang 'yon. Na para bang tanggap na niya ang mangyayari sa kaniya kapag hindi nagtagumpay ang treatment niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Namasa ang mga mata ni Kira. Kumilos siya at nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Napahawak ako sa baywang niya at napapikit nang bumulong siya sa tainga ko.

"Gin, huwag ka matakot. Ako hindi na ako takot. Now I'm more afraid of living but not really living. I'm okay. I'm not afraid. Kaya huwag ka na rin matakot at mag-worry."

Humapdi ang mga mata ko at mahigpit din siyang niyakap. "But I want to be with you for a very very long time, Kira." Narealize ko na nanginginig ang boses ko.

"Ako rin." Huminga siya ng malalim, kumalas sa pagkakayakap pero hindi lumayo sa akin. Magkalapit ang mga mukha namin nang titigan niya ako sa mga mata at masuyong ngumiti. "May napanood akong isang Asian television series at the start of this year. Noong hindi pa ako pumapasok at nasa bahay lang. May character 'don ang nagsabi na paano raw kung tapos na talaga ang buhay natin based on a completed scenario? What if we're just looking back on our lives that have ended already? At na ang moment na 'to na pinaniniwalaan nating present is just the memories of our souls. Sa tuwing naiisip ko ang mga sinabing 'yon ng character sa series, gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang takot ko. Naiisip ko, ah, we're all going to die in the end anyway. Completed scenario na ang buhay natin. So walang dahilan para mag worry at matakot ako."

Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ang pisngi niya. "So brave and optimistic."

Matamis siyang ngumiti. "Alam mo ang isa pang nakakatuwang isipin?"

"Ano?"

"Kung totoo ang theory na ang present ay alaala na lang ng kaluluwa natin, then ibig sabihin hanggang sa huling hininga ko, ikaw at ang mga sandaling magkasama tayo ang naaalala ko. I must be very contented and happy somewhere in the future while I'm waiting for my final breath if it is you I'm thinking about."

My chest ached so much as I look at her smiling face. Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. "Then, kung totoo ang theory na 'yan, sa huling sandali rin ng buhay ko, ikaw at ang mga sandaling magkasama tayo ang naaalala ko."

Tumango si Kira.

Humapdi ang mga mata ko. Ikinulong ko sa mga kamay ko ang mukha niya. "But I don't want our memories together to just end here, Kira."

Namasa ang mga mata niya. "Ako rin naman. Kaya nga magpapagamot na ako, 'di ba? Just wait for me okay?"

Tumango ako. Namamasa na rin ang mga mata. Nagkatitigan kami at sabay na inilapit ang mukha sa isa't isa. We kissed. Softly at first. Then with a hunger and longing of the years that had gone by without each other. We kissed and whispered I love you's. The only witnesses are the million stars above.

Hindi pa ako aware at that moment, pero sa future, sa tuwing babalikan ko sa isip ko ang gabing 'yon, isa lang ang palaging sasagi sa isip ko.

There were a lot of stars when we saw each other for the last time.

LOST STARSWhere stories live. Discover now