DAY 64

2.3K 100 4
                                    

October 10. Monday

SA WAKAS nakatanggap din ako ng message mula kay Kira. Magkita raw kami sa rooftop na palagi naming tinatambayan bago magsimula ang mga klase namin. Excited ako at halos takbuhin na ang hagdan paakyat sa rooftop. Nakahanap na kasi ako kagabi ng magandang beach na pwede namin puntahan. Malapit lang rin sa Manila kaya hindi namin kailangan mag overnight. Alam ko kasi na hindi siya papayagan ng parents niya na mag-stay over sa isang resort na kaming dalawa lang. Balak kong sabihin sa kaniya ang plano ko ngayon para mapagdesisyunan na namin kung kailan kami pupunta.

Naabutan ko siyang nakatayo patalikod sa pinto. Malayo ang tingin. Bumuntong hininga ako saka nakangiting naglakad palapit sa kaniya. "Hey. Good morning."

Bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Good morning. Pasensiya ka na hindi ko nasagot ang mga tawag mo noong weekend ha? Busy kasi sa bahay." Huminga siya ng malalim. "Gin, may sasabihin ako sa 'yo."

"Really? May sasabihin din ako sa 'yo eh."

Kumurap siya. "Anong sasabihin mo?"

Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. "Let's go to the beach. Day trip lang. You can take some pictures and we can spend more time together."

Namilog ang mga mata niya at excited na ngumiti. "Gin! Paano mo nalaman na isa sa mga isinulat ko sa planner ko ay magpunta sa beach?"

Natawa ako. "Hindi ko alam. I just made my own list."

"List ng ano?"

Affectionate akong ngumiti at hinawi ang hibla ng buhok niyang tumabing sa mukha niya. "List of things that I want to do to make you happy."

Napanganga siya at napatitig sa akin. Then ginulat niya ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko at naramdaman kong nakangiti siya. "Thank you Gin! Sige. Let's go to the beach. Kahit bukas na bukas rin! Excited na ko."

Napangiti ako at gumanti ng mahigpit na yakap. Parang may init na humaplos sa puso ko. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at bumulong sa tainga niya, "I love you."

She gasped. Tiningala niya ako. When our eyes met I said it again. "I love you."

Namasa ang mga mata niya. Ngumiti siya. "I love you too." Then she stood on tiptoe and lightly pressed a kiss on my lips.

LOST STARSDär berättelser lever. Upptäck nu