DAY 68

2.3K 105 7
                                    


October 14. Friday

WEIRD. Hindi pa rin pumasok sa school si Kira. Alam ko kasi nagpunta ako sa faculty room at nasalubong ko si professor Victoria na may kasamang ibang professors. Tinatanong nila sa akin kung kamusta si Kira. Hindi nga raw kasi pumasok. Naka-enroll pala siya this semester sa subject ni prof. Victoria.

Kaya tinawagan ko siya. Pero as usual hindi sumasagot. Ang weird lang kahit sa messages ko ngayon ni hindi lumalabas ang 'seen'. Imposible namang may lakad na naman silang pamilya ngayon, right?

Kaya after class, pumunta ako sa bahay nila. Matagal akong pumindot sa doorbell bago bumukas ang pinto. Kasambahay nila ang lumapit at humarap sa akin.

"Si Kira?"

Namumutla at halatang takot ang kasambahay. Naluluha. "Naku sir Eugine. Itinakbo po sa ospital si ma'am Kira kaninang madaling araw."

Para akong sinabugan ng bomba sa mukha. Napaatras ako at manghang napatitig sa kasambahay. "W-what?" paos na nasabi ko.

"Kahapon pa masama ang pakiramdam niya. May lagnat. 'Tapos kagabi sobrang taas ho ng lagnat ni ma'am Kira. Bandang madaling araw nagkombulsiyon na siya kaya tinakbo na nila sir at madam sa ospital."

Mabilis akong tumalikod at patakbong bumalik sa kotse ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Parang sasabog ang ulo ko. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Pero pinaharurot ko pa rin ang sasakyan ko papunta sa ospital.

God, bakit hindi ko agad naramdaman na nagsisinungaling siya sa akin na may lakad silang pamilya? Bakit hindi ko agad nahulaan na masama ang pakiramdam niya?

"Ayoko kasing mag-worry ka na naman."

Shit. So mas malalim ang ibig sabihin ng sinabing 'yon ni Kira kaysa akala ko.

Mabilis akong nakarating sa ospital. Marami-rami rin akong nilabag na traffic rules para magawa 'yon. Hindi na ako nagtanong sa reception area kasi alam ko naman kung nasaan si Kira. Hingal at pawis na ako nang makarating sa Oncology Ward. Doon ko inisa-isang tingnan ang mga nameplate sa labas ng pinto hanggang makita ko ang apelyido ni Kira.

May bumara sa lalamunan ko at parang gustong lumabas sa dibdib ko ng puso ko sa lakas ng kabog 'non. Inangat ko ang kamay ko para kumatok at narealize ko na sobrang nanginginig pa rin 'yon hanggang ngayon. Huminga ako ng malalim pero hindi nababawasan ang takot na nararamdaman ko.

Bago pa ako makakatok bumukas na ang pinto ng hospital room. Nagkagulatan kami ni Dr. Drew Lorenzo. Nagkatitigan kami.

"Eugine?!" boses 'yon ng Mommy ni Kira. Lumampas ang tingin ko sa batang doktor hanggang makita ko ang mag-asawa na manghang nakatingin sa akin. Nagulat siguro na alam ko ang nangyari. Gumilid si Dr. Lorenzo kaya nakapasok ako sa loob ng hospital room.

And that was when I saw Kira. Nakahiga sa kama, may oxygen mask ang mukha, nakatusok na namang karayom sa likod ng kamay niya para sa dextrose. Ni hindi pa nga nawawala ang pangingitim ng nakaraang tusok ng karayom doon noong huli kong nakita ang kamay niya. Wala siyang malay at maputlang maputla.

Parang dinudurog ang puso ko. Humapdi ang mga mata ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama hanggang makatayo na ako sa tabi ni Kira. Nanginginig ang kamay ko nang haplusin ko ang pisngi niya. Napakainit niya.

"Ayaw niyang ipaalam sa 'yo na masama ang pakiramdam niya," sabi ng Daddy niya.

Lumunok ako at lumingon sa parents ni Kira. "A-ano hong sabi ng doctor?"

"She has pneumonia," sagot ni Dr. Drew Lorenzo na nakatayo pa rin sa tabi ng pinto.

Nanlamig ako. Sigurado ako tinakasan ng kulay ang mukha ko. Para akong sinasaksak sa dibdib sa guilt na biglang bumuhos sa akin.

Nabasa ng ulan si Kira.

Nangako ako sa parents niya na ako ang bahala sa kaniya. Pero hinayaan ko siya maligo sa ulan kahit alam kong mahina ang resistensiya niya.

Nagkaroon siya ng pneumonia dahil sa akin.

Oh. God.

"Eugine? Are you okay? Parang hihimatayin ka," worried na sabi ng Mommy ni Kira. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Lalong nilamutak ang sikmura ko sa sobrang pagsisisi. Nanlabo ang mga mata ko. "I'm sorry," garalgal na usal ko.

"Sorry? Bakit?" takang tanong ng Mommy ni Kira.

"I promised you I will take care of her. Pero ito ang nangyari sa kaniya."

"Eugine, it's not your fault," sabi naman ng Daddy niya. Lumapit na rin sa akin at tinapik ako sa balikat.

Umiling ako. I clenched my fists tightly. "It's my fault. I was careless. Alam ko ang kalagayan niya pero hindi ako naging maingat. Makulimlim nang araw na nagpunta kami sa dagat. Bago kami makauwi umulan. Ang sabi niya gusto niya ma-experience maligo sa ulan. Kahit five minutes lang. H-hinayaan ko siya. It must be the reason why she got sick."

Hindi nakapagsalita ang mag-asawa. Halatang nagulat. Ibig sabihin hindi sinabi ni Kira na nabasa kami ng ulan. Ibig sabihin, pinagtakpan niya ang naging kapabayaan ko. God, my heart hurts so much. Humarap ako uli kay Kira. Inabot ko ang kamay niya at marahan 'yong pinisil.

I'm sorry Kira.

Wake up.

I'll be more careful next time.

Wake up.

Mas magiging sensitive na ako sa iniisip at nararamdaman mo.

Wake up.

I will protect you.

Wake up, love.

Pero inabot na ako ng gabi sa ospital, hindi pa rin siya nagkamalay.

LOST STARSWhere stories live. Discover now