DAY 46

2.4K 89 1
                                    

September 22. Thursday

AWARE ako na napanood rin ni Mama ang video ng argumento namin ni Papa. Pero mukhang sinusubukan niya umakto na parang walang anuman kaya hinayaan ko na lang siya. Lalo at siya pa ang kusang kumatok sa kuwarto ko para ayain ako mag breakfast na siya raw ang personal na nagluto. Ayokong sirain ang umaga niya kaya ngumiti na lang din ako at sumama sa kaniya pababa sa dining room.

Kumakain na kami ng breakfast nang marinig namin ang malakas na lagabog ng front door. Then narinig ko ang mabigat at mabilis na mga yabag. Nagkatinginan kami ni Mama. Parehong na-tense. Kasi alam namin pareho kung sino ang bagong dating.

"Hindi siya umuwi kagabi?" gigil na tanong ko.

Mariing tumikom ang bibig ni Mama at tumango. I clenched my fists in anger just when my father entered the dining room. Galit na galit siya at matalim na tumingin sa akin. Itinaas ko ang noo ko.

Mukhang lalo siya nagalit. Malalaki ang hakbang na lumapit sa tabi ko. Then nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kuwelyo ng suot kong polo shirt at hinila ako patayo. "You ungrateful bastard! I regret having a son like you! Ipinahiya mo ako!"

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Malakas akong sinuntok sa mukha ni Papa. Naalog ang utak ko at nanghina ako sa sobrang sakit. May bumagsak na mga upuan.

Sumigaw si Mama. "What are you doing?!" Lumapit siya sa akin at parang haharang pa sa harap ko pero kahit hilo pa ako kumilos ako para mapunta siya sa likuran ko. Matalim kong tiningnan si Papa.

"Ikaw ang nagpahiya sa sarili mo at hindi ako. What, nagkaroon ka na ngayon ng hiya na nambababae ka kahit may pamilya ka na? Dapat pala noon ka pa nakunan ng video kung ganoon."

Minura niya ako at uundayan na naman yata ako ng suntok pero mas alerto na ako ngayon. Dumeretso ako ng tayo at bago pa mapunta ang kamao niya sa mukha ko natulak ko na siya sa dibdib. Mukhang nagulat siya kasi natumba siya.

Tumili na naman si Mama. "Eugine, he's still your father! Don't –"

"Relax Mama. Hindi ko siya susuntukin na gaya ng palagi niyang ginagawa sa akin." Hindi ko inalis ang tingin kay Papa. Mariing nakakuyom ang mga kamao ko. I feel my blood pumping hard on my head and on my chest. Ang hirap magpakakalmado habang nakatingin kay Papa. "I used to admire you. Kahit noong bata pa ako na wala kang ginawa kung hindi ang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin. Nirespeto at minahal kita kahit na tau-tauhan at hindi anak ang turing mo sa akin. But not anymore. Matagal nang nawala ang admiration at respeto ko para sa'yo Papa. And don't make this anger I am feeling right now to turn into hate. Kasi kahit na sinasaktan mo ang damdamin namin ni Mama for the past twenty years, ayokong magalit sa sarili kong ama. So let's just stop this! Let's stop being a family. Tutal matagal naman na talagang sira ang pamilya na 'to. Kung inaalala niyo ang pera, kakausapin ko si Lolo. Let's just stop this."

Alam ko nanginginig ang boses ko. Alam ko rin na naririnig kami ng mga kasambahay namin kasi hindi ko mapigilan hindi sumigaw. Ang sakit ng dibdib ko at namamasa ang mga mata ko pero pinilit kong salubungin ng tingin ang mga mata ni Papa. "Hindi ba kayo napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na ako sa buhay na 'to." Nilingon ko si Mama na umiiyak na. "Let's stop this Mama. End this misery. NOW. Bago pa tayo magpatayan lahat sa bahay na 'to."

Saka ako naglakad palayo sa dining room. Hindi ako nagpunta sa kwarto ko. Lumabas ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong pakielam. Gusto ko lang makalayo. I just want to go somewhere I can scream my heart out.

Kung isa nga akong star na katulad ng sinasabi ni Kira, then my family life is my core and it just had an explosion and collapsed in on itself.

In short, I just became a Supernova. And damn, it hurts.

LOST STARSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt