DAY 66

2.3K 92 3
                                    

October 12. Wednesday

HINDI pumasok sa Richdale University si Kira. Pero hindi tulad dati na wala siyang pasabi at ni hindi sumasagot sa messages at calls ko, siya pa ang kusang tumawag sa akin kagabi. May kailangan daw silang puntahan na pamilya kaya hindi makakapasok ngayon.

Nang sabihin ko sa kaniya na nakakagulat namang nagpaalam siya ang sagot niya ay, "Ayoko kasing mag-worry ka na naman."

Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. "Feel mo na ba finally na boyfriend mo ako?"

Tumikhim siya sa kabilang linya pero mayamaya lang sumagot siya ng "Oo naman. Feel na feel ko. Basta huwag ka mag-worry kapag hindi ako pumasok. See you soon."

Kaya hindi na ako nagtaka na wala siya sa campus. Besides, kahit matagal nagrereply na siya sa messages ko ngayon. Malaking improvement na 'yon.

Ah. I can't wait to see her again.

LOST STARSΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα