DAY 8

3.3K 120 1
                                    

August 15. Monday

"MAHILIG ka ba sa Astronomy?"

"Yup. Interested ako sa stars, sa planets, sa asteroids sa milky way at sa lahat ng mga celestial objects na makikita sa labas ng Earth. See? Kahit ang word na 'celestial' ang sarap pakinggan. The Universe is so wonderful, don't you think so?"

"Kaya pala palagi kang nakatingala sa langit at palaging 'yon ang subject ng mga picture mo."

"Sayang nga walang course na pwede kong kunin dito na talagang makakapag-focus ako sa pag-aaral ng Astronomy. Pero mahilig din naman ako sa Photography kaya nag Multi-Media Arts na lang ako."

"Yeah. You're good at it."

Sandaling nag-angat ng tingin si Kira sa kung anong sinusulat niya sa planner na hawak at nginitian ako. "Nagustuhan mo ang pictures na kinunan ko?"

Natigilan ako. Tumikhim at tumingin sa malayo. Nasa rooftop uli kami ng Graduate School building. Ako ang nauna 'don. Ni hindi ko nga sinabi sa kaniya na nandoon ako. Pero wala pang thirty minutes dumating na siya. Mukha namang nagulat talaga siyang naroon ako so I assume na coincidence lang talaga ang lahat.

"Hello? Eugine?"

Bumuntong hininga ako. "They made me feel better. Those pictures," amin ko.

Wala akong narinig na sagot mula kay Kira. Takang nilingon ko siya. Nagulat ako kasi kahit nakangiti siya namamasa ang mga mata niya.

"O, bakit naiiyak ka diyan?" naiilang na tanong ko.

Kumurap-kurap siya at umayos ng pagkakaupo sa sahig. Tumikhim siya at matamis na ngumiti. "Nakakatuwa lang marinig ang sinabi mo. Thank you."

Hindi ko alam kung bakit pero parang may bumara sa lalamunan ko. Siguro kasi sobrang sincere ng tono niya. Siguro kasi feeling ko mas malalim ang kahulugan ng thank you ni Kira.

But at that time, I was clueless and too insensitive to notice the real meaning behind those two words.

LOST STARSWhere stories live. Discover now