August 27. Saturday
MADALING ARAW NA natapos ang dance party. Dati pagdating ng twelve midnight umaalis na ako ng venue. Pero this time masyado kaming nag-enjoy ni Kira na inabot kami ng alas dos. Then, habang nasa biyahe kami kasi ihahatid ko na siya sa subdivision nila bigla niyang sinabi na parang gusto raw niyang magpunta ng Manila Bay at panoorin ang sunrise.
"Hindi ba mag wo-worry ang parents mo kung hindi ka pa uuwi?"
"Nagpaalam naman ako. Itetext ko lang sila para lang alam nila. Saka ikinukuwento kita sa kanila. Alam din nila ang pangalan mo. Actually..." Apologetic siyang ngumiti sa akin. "Sorry ha? Pero iniwan ko sa kanila ang number mo. That way lang kasi sila ma-a-assure na mabuting tao ang kasama ko."
Tumango ako. "It's fine. Tama lang ang ginawa mo." Huminga ako ng malalim. Tapos kumambiyo ako. Sa direksiyon ng Roxas Boulevard.
For the second time in my whole life, I watched the sunrise. At si Kira pa rin ang kasama ko.
YOU ARE READING
LOST STARS
RomanceMy name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she...