Lesson 68: Down*

2.3K 44 0
                                    

AUTHOR'S POV

Matapos ng isang linggong pagkakasuspende ni Althea sa paaralan ay nakabalik na rin siya. Habang tahimik siyang naglalakad papuntang Regular building ay masama ang tingin sa kanya ng ibang mga babae. Mayroon namang iba na pinapatid pa siya kapag dumaan siya sa harapan nila.

Hinahayaan na lang sila ni Althea dahil alam niyang wala siyang mapapala kung papatulan niya ang mga iyon. Ayaw niyang magsayang ng oras sa mga taong walang kwenta dahil hindi marunong makinig sa parehong panig ng kwento.

Pagkarating niya sa building nila, may mga babaeng humarang sa kanya at itinulak siya palayo ng building. Nararamdaman ni Althea na malapit na siyang hindi makapagpigil pero pinipilit niyang pahabain ang pasesnsya niya. Pagkahila nila sa kanya sa labas ng building, bigla na lang siyang dinuro ng mga ito.

"Who gave you the permission to enter the Regular building, slut?" maarteng tanong ng leader ng mga babaeng tumulak kay Althea palabas ng building. Hindi sumagot si Althea at tinitigan lang ang babaeng nagtanong sa kanya. Mukhang nainis ang babaeng iyon dahil bigla niyang hinila si Althea sa buhok at marahas na tinulak sa lupa.

Nagsitawanan ang mga kasama ng babaeng tumulak kay Althea, gayun din ang ibang napapadaan doon. May iba naman na hindi sila pinansin pero may iba namang nagbibigay ng ekspresyon na nagsasabing naaawa sila kay Althea pero wala silang magawa dahil ayaw nilang madamay.

"Don't you dare look at me like that, you bitch!" sigaw ng babae at sinipa siya sa sikmura dahil nakaupo pa rin siya sa sahig. Napahawak naman siya sa tiyan niya dahil sobrang lakas ng pagkakasipa ng babae at dahil na rin sa sapatos na suot nito kaya mas lalong sumakit ang sipa nito.

Sisipain sana ulit siya ng babae ng bigla niyang mahawakan ang paa nito ng mahigpit. Naubos na ang pagtitimpi niya kaya hindi na niya mapipigilan ang sarili. Hindi na niya kayang panuorin ang sarili niyang saktan ng iba kung may laban naman siya. Pilit na hinihila ng babae ang paa niya kay Althea pero hinigpitan pa lalo ni Althea ang pagkakahawak niya roon at idiniin ang mga kuko niya sa paa ng babae.

Humiyaw sa sakit ang babae at buong pwersang isinipa ang paa niya. Bigla namang binitawan ni Althea ang paa ng babae na naging dahilan para malakas na tumumba ang babae sa sahig. Nakarinig siya ng mahinang tawanan mula sa mga estudyanteng nanonood. Dahan-dahang tumayo si Althea at nagpagpag ng palda. Parang walang nangyaring nilagpasan ni Althea ang babae.

Hindi pa siya nakakalayo sa babae ay may naramdaman siyang papasugod sa kanya kaya naman ay humakbang siya pakaliwa para iwasan ang atakeng iyon. Dahil doon, nasubsob ulit ang babae sa sahig na naging dahilan para mas lalong lumakas ang tawanan ng mga nanonood sa kanila.

Tumingin lang saglit si Althea sa babae at tuluyan na niyang iniwan iyon. Tahimik siyang naglakad papuntang klase niya habang hindi pa rin nawawala ang mga estudyanteng nagbibigay sa kanya ng masasamang tingin. Nagpunta siya sa pinakalikod at doon umupo. Katabi ng bintana ang upuang kinuha niya kaya naman tumingin na lang siya sa labas.

At dahil sa sobrang aga niyang pumasok at inaantok pa siya, itinulog na lang niya muna. Matagal pa naman bago magsimula ang klase dahil oras palang para sa almusal.



ALTHEA JEANELLE'S POV

May naramdaman akong sumusundot sa mga braso ko. Iginalaw ko ang mga braso ko para itigil ng kung sinumang istorbo sa pagtulog ang ginagawa niya. Pero makalipas lang ng ilang sandali, may sumusundot na naman ng mga braso ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang pagmumukha ni Adrian.

"Anong kailangan mo?" inaantok kong tanong sa kanya. Umupo siya sa upuang nasa harapan ko at tsaka ako tinitigan. Medyo nairita ako sa ginagawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon