Lesson 34: It Happen Again*

3.7K 74 4
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

May naririnig akong nagsasalita sa paligid ko. Pakiramdam ko lumulutang ako sobrang sakit ng buong katawan ko. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero nananakit ito kaya naman minulat ko na lang ang mata ko. Puro puti ang paligid. Ha? Napaupo ako at tsaka ko inilibot ang paningin ko sa paligid. Wait lang, nasa clinic ako ng RSU? Anong ginagawa ko dito? Sino ang nagdala sa akin dito?

"Sina mom at dad..." mahinang sabi ko ng maalala ko ang mga nangyari kanina.

Wala na sila at ang masaklap, hindi pa nila ako tunay na anak. Paano si Kendrick? Tunay din ba nilang anak si Kendrick? Pinilit kong bumangon at naglakad palabas ng clinic. Kailangan kong balikan sina mom at dad. Kailangan kong hanapin si Kendrick.

Naglakad ako sa tahimik na pasilyo ng university. Walang mga estudyante at wala ring mga instructors. Parang ako nga lang ang tao dito. Pero sigurado ako na meron pa rin dahil sino yung mga narinig ko kaninang nagsasalita at sino ang nagdala sa akin dito kung wala talagang tao.

Makakalabas na sana ako ng building na kinaroroonan ng clinic ng may biglang humablot sa braso ko at sinandal ako sa may pader. May naramdaman din akong malamig na bagay na dumampi sa leeg ko. Pagtingin ko sa taong humamblot sa akin, may kakaibang ngiti ang ipinakita niya sa akin.

"What are you doing here, missy?" bulong nito sa tenga ko. Kinilabutan naman ako dun. Ang manyak ng dating ng pagkakasabi niya.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya sa halip ay pinilit ko na lang na kumawala sa pagkakakulong niya sa akin. Pero habang pinipilit kong kumawala, nararamdaman ko namang may bumabaon sa leeg ko.

Nakaramdam ako ng konteng hapdi at nakita ko na lang na may dugo na ang damit ko. Sariwang dugo. Kaya naman huminto na ako sa paggalaw. Nakakainis, kung kailan kailangan kong lumaban hindi ko magawa dahil sa sobrang pananakit ng katawan ko.

"Don't worry missy, I will not kill you. As long as you will listen to what I will say." sabi niya habang sobrang lapit ng mukha niya.

Nakita kong ibinaba niya yung kamay niya na may hawak ng patalim at bigla niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko na lang na dinilaan niya ang leeg ko, specifically dun sa may sugat. Itinulak ko siya palayo pero masyadong malakas. May nangyaring hindi maganda kanina, wag naman sana ulit ngayon.

"Stop!" sigaw ko pero hindi pa rin siya humihinto. May naramdaman akong lumapat sa may likuran ko. Niyakap niya ako ng mahigpit pero pilit akong kumakawala sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Mas lalo akong nanlaban sa ginagawa niya.

"Stop! Please, stop!" sigaw ko. Nangingilid na rin ang luha ko. Memories from the past starts to flood my mind.

"Please... Stop..." umiiyak kong pakiusap. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari. Hindi man talaga siya nangyari, muntikan na, pero ayaw kong maulit iyon. Natatakot na ako. Nagsisimula nang manlamig ang mga palad ko. Mas lumalakas na rin ang pag-iyak ko.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya napaupo ako sa sahig. Niyakap ko ang sarili ko ng sobrang higpit. Sana tulungan ako ng tumulong sa akin dati. Pero, paano niya pala ako tutulungan kung siya mismo ang pumatay sa mga mga kinikilala kong magulang.

Naramdaman kong papalapit siya ulit sa akin kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa sarili ko. Mas lalo akong naiiyak dahil sa takot at awa sa sarili. Hindi ko man lang maprotektahan ang sarili ko. Naramdaman ko na lang na sumisikip ang dibdib ko at hinahabol ko ang hininga ko.

"A-ahh..." pilit ko sa sarili kong magsalita. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Nagdidilim na ang paningin ko. Nakita kong tumakbo na paalis ang lalaki tsaka ako nawalan ng malay.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon