Lesson 40: The New Year Surpirse... (Shaina's Side)*

2.9K 56 1
                                    

SHAINA'S POV

"Ang hirap naman nito." reklamo ko while knitting a scarf. It's for Althea since wala naman akong naibigay sa kanya nung christmas.

I'm busy knitting the scarf when my phone suddenly rang. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello, Althea?" sabi ko. Inilapag ko muna yung scarf sa may gilid. Patapos na rin naman na ako. I wonder what happen at napatawag siya sa akin.

"S-Shaina." I heard Althea said from the other line. Is she crying?

"Althea? Umiiyak ka ba? What happen?" I ask her. Ano naman kaya ang nangyari ngayon para umiyak siya?

"Shaina, hindi ko na kaya. Pakamatay na kaya ako?" nanigas ako sa narinig ko. Nanlamig bigla ang kamay at talampakan ko. Kinabahan ako sa sinabi niya.

"What?! Althea, kung ano man yang balak mo, wag mong itutuloy yan." nag-aalalang sabi ko sa kanya. Oh Althea, what came into your mind para maisipan mo ang mga ganyang bagay.

"Kasalanan ko ang lahat, Shaina. Namatay sila dahil sa akin. Dahil sa kapabayaan ko." I heard a splash. Malapit ba siya sa tubig. Lulunurin ba niya ang sarili niya hanggang sa mamatay siya? No! Hindi siya marunong lumangoy.

"Althea! Hey! Stop, dyan ka lang sa pwesto mo. Wag na wag kang lulusong sa tubig." I said. Halata ang pagpapanic sa boses ko. Bakit ba ngayon mo pa naisipang gawin ito, Althea. You are scaring me to death.

"Asan ba mga kasama mo diyan sa bahay?" tanong ko since naalala kong nakikitira muna siya kina Ryoji. They should stop her.

"Umalis silang lahat. Hindi na ako sumama sa kanila. Mas gusto kong salubungin ang bagong taon sa ganitong paraan." Then I heard a splash again. But this time, mas malakas.

"Althea!" I shouted to her pero wala akong narinig na sagot at naputol din ang linya. I quickly get my jacket and car keys at nagmamadali akong pumunta sa car ko. Mabilis kong pinatakbo iyon papuntang bahay nina Ryoji.

Nang makarating ako dun, it's like a haunted house dahil sobrang laki ng bahay pero walang nakabukas na ilaw. Ito nga lang ata ang bahay na walang ilaw na nakabukas. I quickly went inside at nagtaka ako ng konte dahil sa nakabukas ang gate nila. Hindi man lang ni-lock?

Dumiretso ako sa may pool area since dun lang naman siya pwedeng tumalon. Pagkadating ko doon, wala naman akong nakitang tao sa pool. I mean, walang nalulunod na Althea, walang lumulutang na katawan if ever man na late ako ng dating. As in wala.

"Althea!" tawag ko sa kanya. Where is she? Niloloko ba niya ako? Well, kung joke lang ito, magaling siya. Nahuli niya kasi ako.

"Althea!" tawag ko ulit sa kanya habang tumitingin sa paligid. Baka mamaya nandyan lang siya sa gilid. I saw something na kuminang kaya nilapitan ko iyon, it's Althea phone. Kinuha ko iyon.

"Eh?" nasabi ko na lang. Wala kasi yung battery. Asan kaya iyon? Naglakad pa ako ng konte at nakita ko na rin yung battery. Nung tiningnan ko yung paligid ko, nasa garden na pala ako.

Aalis na sana ako para hanapin si Althea pero napahinto ako at napatakip ng bibig ko dahil biglang nagkailaw sa garden. Sobrang ganda ng garden. The garden was arrange in a romantic way. Habang inaadmire ko ang paligid, may biglang kumalabit sa gilid ko kaya napalingon ako dito.

I saw Trace na sobrang gwapo sa kanyang casual attire. Sobrang gwapo niya, promise. May iniabot siya sa aking rose kaya naman tinanggap ko iyon. Napangiti ako. He grab my hand at dinala ako sa isang table for two. I didn't notice this table. Ipinagtulak niya ako ng upuan at pinaupo then siya naman ay umupo sa may tapat ko.

After a few seconds, may biglang lumapit sa amin at nagserve ng food. Ng tumingin ako kung sino, it's Oliver. Nginitian niya lang kami at tsaka umalis.

"I hope you'll like the food, and everything." Trace said.

"I like it, very much." sabi ko naman sa kanya. Ang sweet niya masyado para sa isang taong nanliligaw pa lang.

Habang kumakain kami, nagkukwentuhan lang kami. I can't stop myself from smiling and blushing. Masyadong nakakakilig ang mga pinagsasasabi niya.

"Cute." I heard him said to me. Napalihis tuloy ako ng tingin. After eating, may narinig akong tumutugtog ng violin.

"Can I have this dance." Trace said to me habang nakalahad ang palad niya sa harap ko. I grab it at tsaka tumayo. Pumunta kami sa may bandang gitna at doon nagsayaw. Slow dance to be specific.

"What's with the sudden surprise?" I suddenly ask him. But instead of answering me, he just smiled. Err, medyo nakakakaba na yang ngiti niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong inikot kaya naman wala akong nagawa kundi umikot na rin. Pagkaharap ko sa kanya, nakita ko na siyang nakaluhod sa harap ko.

"I am not the type of guy that uses sweet words and showing sweetness to someone. But because of you, I become one of those guys. You brought light to me, and as well as happiness. And the happiness that I felt right now, I don't want to let it go. So, Shaina, will you be my girl?"

Nabigla ako sa mga sinabi niya. And the time na sinasabi niya yun, may red rose petals na nahuhulog galing sa taas. Hinawakan ko ang kamay niya at pinatayo siya. I smiled at him and mouthed 'Yes'. I saw happiness registered on his face. He hugged me tight, and so do I.

"Congratulations!" narinig kong sigaw from somewhere. Hinanap ko yung mga taong nagsabi nun at nakita ko sila malapit sa amin habang nakangiti. Nginitian ko na lang din sila. Nilapitan namin sila.

"Congrats Shaina." narinig kong sabi ni Althea. Sa halip na matuwa, napasimangot ako bigla.

"Hey, hindi ka ba masaya?" tanong ni Oliver.

Sa halip na sumagot, bigla ko na lang niyakap si Althea. Pagkayakap ko sa kanya, hindi ko mapigilang mapaiyak.

"You scared me Althea. Never do that again." sabi ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Nakakainis siya. Tinakot niya ako ng sobra.

"A-aw, Shaina. Tama na." sabi sa akin ni Althea. Binitiwan ko na siya.

"Basta sa susunod, wag mo ng uulitin yun." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin habang nakangiti.

"Guys! Ayan na yung fireworks! Happy New Year!" masiglang sigaw ni Oliver.

"Happy New Year!" sabay-sabay naming sigaw at sakto namang nagkaroon ng fireworks display kaya napatingin ako sa taas.

Ang ganda! Ang ganda ng fireworks display. After naming manood ng fireworks display, pumasok na kami sa loob since sobrang lamig na sa labas. Habang papasok kami, napansin kong namumutla si Althea. Nilapitan ko siya at tinanong.

"Althea, are you okay?"

"Yup, medyo sumasakit lang ang ulo ko. Kailangan ko lang siguro ng tulog." in-excuse niya ang sarili niya at sinabing matutulog na siya. Tsaka siya umakyat sa room niya. May naramdaman naman akong yumakap sa akin mula sa likod and I know that it's Trace.

"I love you." bulong niya sa akin.

"Hmm. Nado Saranghae." sagot ko naman. Naramdaman kong napangiti siya sa sinabi ko.

[EDITED]

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon