Lesson 50: Challenge*

3K 65 1
                                    

AUTHOR'S POV

"Night, right?" pag-agaw ng atensyon ni Trace. Tumango lang ito bilang sagot.

"Do you have any special skills?" dugtong na tanong niya kay Night. Umiling lang ito bilang sagot.

"Then how come that we will teach you if you don't have any special skills. Trainings like this were given to those who have special skills to enhance them." wala sa sariling naikomento ni Trace. Tahimik lang na nagmamasid ang iba sa kanilang iba. Hindi na lamang iyon pinansin ni Night at naglakad papuntang target shooting area. Itinuro niya ito tsaka tumingon sa limang taong nandoon.

Naintindihan naman nila agad iyon at lumapit ang taong nakaassign na magiging trainer niya sa target shooting. Kinuha ni Trace ang isang baril at walang kahirap-hirap na tinira ang target. Iniabot niya ang baril kay Night. Iniangat naman iyon ni Night ngunit nailing na lamang si Trace dahil hindi marunong humawak ng baril si Night.

Itinuro niya ang tamang paghawak sa baril at kung paano gamitin iyon ng maayos. Sinubukan ni Night na barilin ang mga target, at nagawa niya namang tirahin lahat ngunit hindi nga lang ganun kaganda ang puntos niya.

Matapos ang pagtuturo ni Trace, sumunod din ang iba. Itinuro nila ang mga bagay-bagay na maaari nilang ituro kay Night. Kahit na medyo nahihirapan silang turuan si Night dahil parang nangangapa pa ito, ayos lang naman sa kanila dahil madali siyang matututo.

Sinusubukan nila itong kausapin at gumagawa ng paraan pala magsalita ito ngunit hindi sila nagtagumpay. Tanging tango o iling lamang ang sagot nito sa kanila. Sa halip na pilitin pa nila itong magsalita, pinabayaan na lang nila ito. Matapos ang nasabing training, dumating na si Bryan upang sunduin si Night.

"How's the training?" tanong ni Bryan sa lima.

"It's fine. Madali naman siyang turuan kahit parang nangangapa pa siya." simpleng sagot ni Ryoji kay Bryan na puno ng paggalang. Kahit ba mas matanda siya kaysa kay Bryan, mas mataas pa rin ang ranggo nito kaysa sa kanya.

Tango lang ang tanging tugon ni Bryan sa kanya. Nagpaalam na ito at hinila palayo si Night sa kanila. Dumaan ang mga araw at ganun ang naging sitwasyon sa loob ng main house. Araw-araw na may nangyayaring training ngunit hindi pa rin nila nakikita ang mukha o marinig man lang ang boses ng tinuturuan nila. Nagiging misteryoso ang dating ni Night para sa kanila.

Dahil maaari namang ipakita nito ang mukha niya sa kanila at makipag-usap sa kanila. Ngunit wala silang magawa dahil mismong ang anak ng master nila ang nagbabantay at gumagabay dito.

Habang tumatagal ang training, nakikita nilang mas lumalakas at gumagaling si Night. Hanggang sa dumating ang araw para i-test ang galing niya. Ang araw kung saan gagamitin niya ang lahat ng mga natutunan niya sa training nila. At mangyayari iyon sa isang masukal na gubat na pagmamay-ari ng mga Cross. Sa loob ng gubat, maraming patibong at pagsubok ang nakahanda para kay Night.

"All you need to do is to reach the top of the mountain alive." yan ang huling panuto ni Mr. Cross kay Night.

Tumango lamang bilang sagot si Night at pumunta sa isang mesa kung nasaan ang mga bagay-bagay na pwede niyang gamitin sa pagsubok niya. Sa halip na kumuha ng malalaking armas si Night, kumuha lamang ito ng dalawang kutsilyo at itinago ito sa ilalim ng pangbaba niya. Kumuha rin siya ng mga karayom na nakalagay sa isang lalagyan at inilagay iyon sa maliit na bag na nakalagay sa may bewang niya. Kumuha rin siya ng iba pang gamit na hindi makakasagabal sa kanya sa pagsubok niya.

Papasok na sana siya sa may gubat ng may humagip ng atensyon niya. At iyon ay isang mahabang stick. Lumapit siya upang kunin at tingnan iyon. Itinayo niya ito at nalaman niyang kasing tangkad niya ang stick. Kinuha na lang niya din iyon at tsaka siya tuluyang pumasok sa loob ng gubat.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon