Lesson 42: The Killer is a Friend*

3.1K 60 1
                                    

AUTHOR'S POV

Pinuntahan ni CL si Althea sa kanyang kwarto. Nakailang katok na siya ngunit wala pa ring sumasagot mula sa loob kaya naman napagdesisyunan na niyang pasukin ang kwarto. Inaasahan niyang nasa kama lang si Althea pero wala siya doon. Maayos na nakalukot ang kama nito, maging ang ibang gamit sa kwarto.

"Where could she be?" bulong niya sa sarili niya.

Naglakad pa siya ng kaunti hanggang sa makarinig siya ng tumutulong tubig mula sa cr. Lumapit siya doon at kumatok.

"Althea." tawag niya sa kaibigan.

Ngunit walang sumasagot. Naisip niyang baka hindi siya nito naririnig dahil sa tunog ng tubig. Kaya naman minabuti niyang maghintay na lang muna sa loob ng kwarto. Makalipas ang mahigit kalahating oras, hindi pa rin lumalabas sa loob ng cr si Althea kaya naman nagsimula na siyang mag-alala. Hindi naman kasi ganun katagal maligo ang dalaga.

Pumunta siya sa baba para kunin ang susi ng cr ni Althea. Hindi niya ipinakita sa iba na natataranta na siya upang hindi na sila maistorbo. Pagkakuha niya ng susi ay umakyat din siya kaagad sa kwarto ni Althea. Bubuksan na sana niya ang cr gamit ang susi ng bigla itong bumukas at tumambad sa harap niya ang isang mukhang lubog at maitim ang ilalim ng mata at namumutla ang labi.

"Althea, what happen to you?" nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"Ah, ito ba?" turo naman ni Althea sa mukha niya.

"Hindi lang ako nakatulong ng maayos nung mga nakaraang araw kaya ganito ang hitsura ko. Sobrang pangit ko na ba?" nakangiting tanong niya kay CL. Umiling lang ang dalaga.

"Let's eat breakfast together." sabi naman ni CL

"Okay, wait me here. Ayusin ko lang saglit ang sarili ko." sabi naman ni Althea.

Matapos mag-ayos ni Althea sa sarili niya, sabay na silang bumaba ni CL papuntang dining room para kumain. Hindi katulad ng dati, madalang ng magsalita si Althea at palaging wala sa sarili.

Naging ganun palagi ang sitwasyon niya sa loob ng dalawang linggo. Sasagot lang sa tanong ng iba at pagkatapos nun ay hindi na magsasalita. Tutulong sa mga gawaing-bahay pagkatapos ay pupunta sa garden dala ang isang lapis at sketchbook.

"She's acting really weird lately." mahinang sabi ni Ezekiel sa mga kabanda niya na kasalukuyang nasa balcony sa taas at pinagmamasadan si Althea na nasa garden.

"Baka naman nangungulila na siya sa kapatid niya, at pati na rin sa magulang niya." sagot naman ni Ryoji.

"Nangungulila?" takang tanong ni Oliver.

"What does that mean?" dugtong pa nito.

"Missing someone." maikling sagot naman niya.

"Where did you learn that word?" out of the blue-ng tanong ni Shiki

"Books." sagot naman nito. Tumango lang si Shiki at pinagmasdan ulit ang babaeng tahimik na gumuguhit sa garden.



ALTHEA JEANELLE'S POV

Nararamdaman ko nag-aalala ang lahat sa akin. Hindi ba sila sanay na tahimik ako. This is me when I was still in high school. Kakausapin ko lang ang mga taong unang kumausap sa akin. I didn't mean to be silent, hinahanap ko pa kasi ang sarili ko. And I am restraining myself from being out of control again. Lagi na kasi akong naa-out of control, which is bad.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon