Lesson 24: Collecting the Puzzle Pieces*

4.1K 78 1
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Para akong nasa palengke dahil sa ingay ng mga taong nasa paligid ko. Teka nga, nasaan ba ako? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko. Nasa clinic pala ako.

"Thank God you're awake!" sabi ng isang babae. Siya yung pumilit sa akin na kuhain ko yung bass guitar. Siya yung kasama ni Shaina kanina. Tinitigan ko lang siya.

"By the way, I'm Phoebe, Phoebe Kurosu." sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Tiningnan ko lang ulit yung kamay niya at tsaka tumingin sa paligid. Huminto na pala sila sa kakasalita at lahat sila nakatingin sa amin. Nandito ang the R.O.S.E., Trace, Adrian, Lan, Shaina, Charm, CL, Bom, Minzy, at itong Phoebe. Mukhang napansin niya na hindi ko aabutin ang kamay niya kaya naman binawi na lang niya iyon.

"You don't like talking, do you?" sabi niya sabay upo sa tabi ng kama ko.

"I only talk to those who are telling the truth." sabi ko sabay tayo at nagbabalak sanang lumabas kaso nawalan agad ako ng balanse kaya napaupo ako sa kama.

"W-what are you talking about?" takang tanong ni Phoebe

"Oh, did I say something? I think I didn't say anything yet. You're Phoebe, right? Nice to meet you." nakangiti kong sabi sa kanya.

Ang ayaw ko sa lahat, niloloko ako. Mas lalo na kung kaibigan ko pa. Tinuring ko silang kadugo, ibinigay ko ang tiwala ko sa kanila. Pero anong ginawa nila, nagtago sila ng mga dapat kong malaman. Tsk. Alam nila ang lahat, hindi nila sinabi. Sinungaling sila. Ngayon, kahit kapiraso pa lang ang nakukuha ko, pipilitin kong bawiin ang lahat at kompletuhin iyon.

They don't know how I play my own game. They want to play my game, then I will start the game, right now. Wala ng nagsalita matapos kong sabihin iyon kay Phoebe.

Nagtititigan lang kami dito. Mga malalalim ang iniisip nila. At pakiramdam ko mas lalong bumibigat ang atmosphere dahil sa sinabi ko. Kaya naman para matanggal ang atmosphere na ito na bumabalot sa amin. Nagsalita na ako.

"Orlando." tawag ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Nagtataka siguro sila kung sino yung Orlando.

"Orlando." tawag ko ulit.

Pero this time, tumayo na si Orlando at lumapit sa akin.

"What?" pigil-hininga niyang tanong sa akin. Mukhang pikon na siya.

"Eh? Pare, ang baho ng totoong pangalan mo." natatawang sabi ni Adrian.

"Orlando. Orlando. Orlando. Paano naging Lan ang palayaw mo?" pakantang sabi naman ni Oliver.

Ako naman ay nagpipigil ng tawa.

"Itawa mo na, baka mamaya sa iba pa lumabas yan, sige ka." sabi niya.

At dahil sa hindi ko na mapigilan, tumawa na ako. Nakisabay na rin sa akin yung iba. Yung iba naman parang nalilito sa reaksyon namin. Hindi kasi nila kami maintidihan. Remember, ibang nationality.

"Paano mo pala nalaman totoong pangalan ko?" tanong sa akin ni Lan ng matapos na akong tumawa.

"Nakita ko sa notebook mo nung hiniram ko yun kahapon dahil sa hindi ako nakapag jot down ng lesson." sagot ko naman sa kanya.

Siya naman ay napakamot na lang ng ulo dahil sa kahihiyang nakuha niya. Tama lang sa kanya yun. May napansin naman akong kakaiba sa paligid ko kaya naman lumingon ako dun. Ah, oo nga pala, nandito si Charm. Tinaasan lang niya ako ng kilay, kaya naman inirapan ko lang siya.

"Alis na tayo dito." yaya ko sa kanila tsaka umalis. Ako ang unang lumabas at sumunod na lang sila sa akin.



AUTHOR'S POV

Sinundan lamang nila si Althea palabas ng clinic. Hindi pa man sila nakakalayo, ay bigla na lamang pumunta sa harap ni Althea si Ryoji tsaka nagbow.

"Mianhaeyo." sabi niya.

Kumunot naman ang noo ni Althea. Nagsisunuran naman ang iba pang kabanda ni Ryoji sa kanya.

"We're really sorry. We thought our plan will work but it seems like we failed." Oliver

"W-what do you mean?" takang tanong ni Althea.

"We are suppose to ask you if you can be a guest to our concert." Shiki

"Then why use my bass?" -Althea

"To prove that you were the one we are looking for." -Ezekiel

"You should have ask me. That's the simplest way to do." sabi ni Althea sabay lakad palayo.

"Wait!" paghihinto sa kanya ni Ryoji.

Napalingon naman sa kanya si Althea.

"Do you want to be the special guest?" Oliver

"Sure! As long as I will have a company." sagot niya tsaka naglakad palayo.

Pagkaalis ni Althea, nag-high five ang apat. Tuwang-tuwa sila dahil yun lang pala ang dapat nilang gawin para mapapayag ito. Pero meron paring parte sa kanila ang malungkot dahil sa nangyari kanina lamang.

Sa kabilang banda, hindi naman maipaliwanag ang mukha ni Charmaine. Para siyang nagagalit at gustong manapak ng tao. At dahil hindi niya na mokontrol ang sarili niya, nagwalk out siya. Susundan na sana siya ni Shaina, kaso bigla na lamang siyang pinigilan ni Phoebe.

"Don't." may diin nitong sabi.

Ngunit umiling lamang si Shaina at pilit na tinanggal ang kamay ni Phoebe sa braso niya tsaka dali-daling sinundan si Charmaine.

"Tsk. I hate that girl." wala sa sariling sabi ni Phoebe

"Why?" tanong naman ni Lan na kasalukuyan niyang katabi habang naglalakad sa hallway.

"She's a NBSB." naiiritang sagot naman ni Phoebe

Napatigil ang iba sa paglalakad. Puno ng pagtataka ang mukha nila ng humarap sila kay Phoebe. Ngumisi lang sina Bom, CL, at Minzy. Mukhang naiintindihan nila ang ibig sabihin ni Phoebe.

"How come she's a NBSB if she's a flirt." sabat naman ni Oliver.

Mas lalong lumawak ang ngisi ng tatlo. Ang mga lalaki naman ay litong-lito na dahil sa sinasabi ni Phoebe at sa pagngisi ng tatlo.

"Eh? Slow people. Tsk. Tsk. Tsk." sabi ni Phoebe habang umiiling

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Lan. Kaya naman tumigil siya at tsaka umayos ng tayo.

"NBSB, non-biodegradable since birth." -Phoebe

Noong una ay hindi nila naintindihan ang sinabi niya, ngunit habang tumatagal ay naintidihan din nila iyon kaya naman napahagalpak sila ng tawa.

"Hahaha, where did you learn that?" -Oliver

"Althea." walang kalakas-lakas niyang sagot

"Althea? How come you learn that from her? She doesn't even know you." -Ezekiel

Napatakip naman ng bibig si Phoebe. At dahan-dahang ngumiti ng alanganin.

"Ay! I almost forgot, I have something to do. Bye!" sabi niya sabay lakad or should I say tumakbo palayo para takasan ang sinabi niya.

Sumunod naman sa kanya ang tatlong babae dahil wala naman na silang gagawin doon. Napuno ng curiousity ang ibang nandoon maliban kay Adrian James at sa apat pa na lalaking nandoon na tunay na nakakakilala kay Althea.

[EDITED]

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon