Lesson 43: Run Away*

3K 66 1
                                    

AUTHOR'S POV

Nagtatakang napatingin ang lalaking nanutok ng baril kay Althea. Hindi na kasi maipinta ang mukha ng dalaga at nakahawak pa ito sa ulo nito. Nalipat ang tingin nito kay Ryoji, na masama ang tingin sa kanya at parang sinasabing ihinto na ang kalokohang ito.

Tatayo na sana si Althea kaso bigla itong napaluhod. Dahil siguro sa bigla ay naikasa ng lalaki ang baril at naiputok sa may sahig. Buti na lamang at walang natamaan sa ginawa niya. Napatingin ulit siya kay Althea na ngayon ay umiiyak. Tahimik na umiiyak habang hawak ang magkabilang braso nito. Tumingin ang dalaga sa kanya at dahan-dahang tumayo.

Matapos tumayo ay pagewang-gewang itong naglakad papalapit sa lalaki. Hindi naman malaman ng lalaki kung ano ang gagawin niya. Hindi niya naman pwedeng barilin ang dalaga dahil kung hindi ay papatayin naman ang buong pamilya niya. Nilabas lamang niya ang kanyang baril upang takutin ito at tigilan na siya.

Ngunit mukhang nagkamali siya sa ginawa niya dahil mas lalong lumala ang sitwasyon. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ang dalaga sa kanya at hawak nito ang baril na hawak niya. Ngumiti ang dalaga ng tipid tsaka binitawan ang baril at naglakad papalayo sa kanya. Nagtataka ang lalaki sa ginawa ng dalaga. Bakit bigla na lamang itong ngingiti sa kanya kung alam nitong siya ang pumatay sa mga magulang nito.

Ngunit hindi pa nakakalayo ang dalaga ay bigla na lang itong nahimatay. Tuluyan na sana itong mahuhulog sa sahig mabuti na lang ay nasalo siya ni Ryoji. Inayos ni Ryoji ang pagkakabuhat kay Althea at aalis na sana ngunit napahinto ng may parang naalala siya. Lumingon siya sa kinaroroonan ng lalaki at tinitigan ito ng masama.

"Better explain everything later, Tempo. Make us believe everything you are going to say. Or else you will see them, your family, lying in the pool of blood." nakakatakot na sabi nito bago ito lumakad palayo buhat si Althea.

Nanghihinang napaupo sa sahig ang lalaki at isinandal ang ulo sa upuan na nasa likuran niya. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit hindi siya nag-isip mabuti at naisipan pang gatungan ang galit kanina ng dalaga.

Naiinis din siya dahil sinagot niya kanina si Ryoji. Alam niyang mas mataas ang rank ni Ryoji kaysa sa kanya dahil si Ryoji ay isang guardian, samantalang siya ay isang assassin. Nagdiretso siya sa kanyang kwarto at buong lakas na itinapon ang baril sa kung saan man at tsaka pumasok ng cr para mag-shower. Kailangan niyang palamigin ang sarili niya upang hindi na siya makagawa ng kung ano pa mang kalokohan.

Sa kabilang banda naman ay inihiga na ni Ryoji si Althea sa higaan nito. Inayos nito ang pagkakahiga ng dalaga tsaka ito lumabas ng kwarto upang masabihan ang iba niyang mga kasama tungkol sa nangyari. Kompleto silang mga guardian sa bahay na iyon kaya may karapatan silang magpataw ng kaparusahan sa sinumang nagtangkang gawan ng masama ang binabantayan nila. Kumatok siya sa mga pintuan nila at kapag binuksan nila ito ay iisa lamang ang sinasabi nito.

"R-Thorns" iyan ang sinasabi niya sa 3 pa niyang kasama at ang reaksyon ng mga sinabihan niya ay parang leong gustong kumain ng buhay. Naiinis sila dahil may nagtangkang manakit sa amo nila at gusto nilang gilitin ang leeg ng kung sino mang taong yun.

Nagsipuntahan na silang lahat sa kwarto ni Althea. Gusto nilang malaman ang kondisyon nito. Napag-isipan din nilang dun na lang din mag-usap-usap dahil saglit lamang ito. Makalipas ng 2 oras ay natapos din ang pag-uusap nila. At hindi na nila kailangang parusahan ang may gawa niyon kay Althea dahil naging resonable naman ito sa kanila.

Lumipas pa ang ilang oras at maggagabi na ngunit hindi pa rin gumigising si Althea. Ang kasalukuyang nagbabantay dito ay si Ezekiel. Nalaman na rin kasi ng iba ang nangyari kay Althea. Ang sinabi na lang nilang dahilan ay bigla na lamang itong nahimatay habang nagluluto.

Napansin ni Ezekiel na parang may kumikinang sa mukha ni Althea, kaya naman lumapit siya sa mukha nito ng makita niyang mabuti iyon. Ng makalapit na siya sa mukha nito ay napansin niyang luha pala ang kumikinang sa mukha ng dalaga. Umiiyak ang dalaga. Marahang pinunasan ni Ezekiel ang mga luha nito sa mukha at tsaka hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Why are you crying Althea? Ano ba talaga ang nagyayari sa iyo? Please, wake up already. Maraming naghihintay na magising ka. Nahimatay ka lang naman di ba? So wake up already. Masama sa katawan ang sobrang tulog. Sige ka, baka magkasakit ka diyan." bulong ni Ezekiel habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga.

Dahil na rin sa pagod sa kakabantay sa dalaga ay nakatulog ito at di na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

*kinabukasan*

Naalimpungatan si Ezekiel dahil sa malakas na sigaw ni CL.

"Where is Althea?!" natatarantang tanong ni CL.

Napadilat naman ito ng mata at nagulat na lang na wala na pala si Althea sa kama nito at maayos na nakaayos ang kama. Napatayo ito bigla at humarap kay CL.

"I don't know. Maybe she's already awake and went out of this room." nag-aalinlangang sagot ni Ezekiel.

"Are you sure? I already went in every corner of this house just to find her because I didn't saw her lying in that bed, but I did not found her."

Nagpunta si CL sa may cabinet at binuksan nito. Nagulat ito ng makitang nawawala ang kalahati ng mga damit ni Althea ganun din ang maleta nito.

"Naglayas si Althea." bulong na sabi ni Ezekiel sa sarili niya.

"This is not happening." shock na sabi ni CL.

"We need to find her." sabi ni CL at nagmamadaling lumabas upang marahil ay masabi sa iba na nawawala si Althea. Napatingin si Ezekiel sa kama ng dalaga ng may mapansin itong papel na maayos na nakatiklop. Kinuha niya iyon at may nakasulat sa likod.

"To Trace." pagbasa ni Ezekiel sa nakasulat. Napalingon siya sa may pinto ng bigla itong bumukas at pumasok doon ang iba pa niyang mga kasama sa bahay. Nakita niya si Trace kaya ibinigay niya rito ang sulat. Nagtatakang tinanggap iyon ni Trace.

"Letter for you, from Althea."

Napansin nitong nagulat si Trace ngunit saglit lang. Binasa na ni Trace ang sulat at ang iba naman ay nakaabang lang sa kanya habang binabasa niya ito. Baka may makuha silang impormasyon sa sulat na iyon kung saan pumunta si Althea.

Nagtataka ang iba dahil sa gulat na ekspresyon ni Trace. Madalang lang nilang makitaan ng ekspresyon sa mukha ang binata at makakakita lamang sila ng ekspresyon dito kapag malalim o nakakagulat ng sobra ang nalaman nito. Matapos basahin ni Trace ang sulat ay naglakad ito pabalik sa kwarto nito ng wala sa sarili. Susundan na sana siya ni Ryoji ng pigilan siya ni Shiki.

"Pabayaan mo muna siya. Baka may sinabi si Althea sa sulat niya na nakapagpabigla sa kanya ng sobra." walang emosyong sabi ni Shiki.

Tumango na lang si Ryoji at kumilos na lang sila upang hanapin si Althea. Naghati-hati sila upang makapaghanap sila ng maayos.

Magkasama sina Ezekiel at Oliver, Shiki at Ryoji, at Adrian at CL. May pumunta kina Shaina upang makapagtanong sa dalaga. Mayroong nagpunta sa mga karaniwang lugar na pinupuntahan ni Althea. At marami pang iba. Sa kabilang banda ay hindi mapakaling nakaupo sa kama si Trace. Hindi niya akalaing iyon ang mababasa niya sa sulat ni Althea para sa kanya.

[EDITED]

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon