Lesson 17: His Other Side*

4.7K 89 5
                                    

SHAINA'S POV 

"Sige na please." pagmamakaawa ko sa kausap ko sa telepono.

"Bakit ba kasi ako ang tinawagan mo, why not Trace?" angal naman ng nasa kabilang linya.

"Grabe ka naman Ryoji, ngayon na nga lang hihingi ng pabor ang tao, hindi mo pa pagbigyan." sagot ko sa kanya.

"Tsk. Hindi pwede, may gagawin pa akong importante."

"Ano naman yun? Kung ano man yun gusto mo tulungan kita? Para matapos ka kaagad ng sa ganun ay makabisita tayo kay Althea ngayon." pangungulit ko ulit.

"Tsk. No, final na yun. Sige na baba ko na 'to, madami pa akong gagawin. Bye." tapos pinutol na niya yung linya.

I hate you Ryoji! Ngayon na nga lang hihingi ng favor hindi mo pa ako mapagbigyan. Para tuloy akong ewan dito sa bench na kinauupuan ko dahil mukha akong taong malaki ang problema. I just sigh to calm my self.

Isinandal ko na lang yung likod ko sa sandalan ng upuan at magsimulang mangalikot ng cellphone. Sino kaya ang pwede ko pang tawagan? Si Charm kaya? Kaso baka busy siya.

"I am so excited for today." rinig kong sabi ng isang babae dun sa katabing bench ko.

Hindi ako tsismosa, sadyang malakas lang magsalit yung babae.

"Why?" takang tanong naman nung kaibigan niya.

"The niece of the owner of the school is going to study here! And she will arrive soon." masayang sabi ng babae

Eh? niece ng owner? Panigurado Rose Class yan. Guess lang naman.

Hindi ko na lang pinansin yung nagkukwentuhang mga babae na sobrang lakas magsalita dahil kailangan ko ng makakasama sa pagbisita kay Althea.

Hindi naman sa hindi ko alam kung saang hospital siya naka-confine. Gusto ko lang na manghila ng iba para naman hindi lang mukha ko ang makita niya.

Nahinto na naman ako sa pag-iisip kung sino ang hihilain ko ng may biglang nagtititili sa likuran ko. They'reso irritating! Can't they just talk just by themselves?

"Gosh! Wangja is here!" sabi nung babaeng tumili

Wangja? di ba ang meaning nun Prince? eh?

"Eh?" sagot lang nung kasama niya.

"You don't know him? He is the only son of the owner of RSU. He's so handsome." the said dreamily.

Since naiirita na talaga ako sa mga taong kanina pa papansin dahil sa lakas magsalita at tumitili, umalis na ako dun. I went back to the girls' dorm pero hindi pa ako nakakarating sa dorm ay may biglang may humarang sa dadaanan namin. Yes, namin, kasi lahat din ng mga estudyante na naglalakad ay napahinto dahil dun.

May dumaan naman na isang itim na sasakyan. Tapos may nakasunod dun na isang sports car.

Mukhang ito pa ata yung pinag-uusapan ng mga babae kanina. Great! Paano ako ngayon makakaalis dito kung na-stock ako sa kinaroroonan ko dahil biglang dumami ang mga estudyante dito?

FRANCE'S POV 

Nandito kami ngayon nina Simon at Xavier sa food shop na pinagbilhan namin kanina ng pagkain. Sabi kasi ni wang-- I mean Bryan na mauna na kami dito, susunod na lang daw siya. Tatawagan daw niya muna kasi yung mga parents nila at magpapaalam daw siya kung pwedeng umalis siya ng maaga sa hospital ngayon.

Kung saan kami pupunta ngayon? I have no idea. Bryan is so mysterious that we cannot even read what he is thinking.

Itong dalawang kasama ko, tulala pa rin. Hindi pala tulala, lutang dahil dun sa nalaman nila. Tsk. They really have no idea kung sino ang mga kabarkada nila.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon