Lesson 67: Lie*

2.3K 48 0
                                    

ALTHEA'S POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at puting kisame agad ang nakita ko. Nasaan ba ako? Iginala ko ang paningin ko at may nakita akong dextrose sa tabi ko at may isang taong natutulog sa couch na malapit sa higaan ko pero hindi ko makilala kung sino dahil may nakatakip na jacket sa mukha niya.

Nasa hospital pala ako ngayon. Pero bakit ako na-hospital? Anong nangyari bago ako mawalan ng malay? Pilit kong inalala ang mga nangyari at unti-unti ko namang naalala ang lahat.

*flashback*

Nagising ako dahil sa sakit na nararamdaman ko galing sa batok ko. Hahawakan ko na sana ang batok ko pero hindi ko maiangat ang kamay ko. Naramdaman kong nakatali ito, ganun din ang paa ko, sa upuan na kinauupuan ko. Iminulat ko ang mata ko na sana ay hindi ko ginawa dahil nasa gitna ako ng mga patay na katawan at dugo.

Naramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko dahil sa brutal ang pagkakapatay sa mga bangkay na nasa paligid ko. Gusto kong sumuka pero pinigilan ko dahil kapag ginawa ko iyon, alam kong mas lalo lang akong masusuka.

Inilibot ko ang mga mata ko at may nakita akong lalaking nakatayo sa malayo na nasa harapan ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim sa pwesto ng kinatatayuan niya. Naglakad ito ng kaunti papunta sa akin pero hindi ko pa rin siya makilala dahil tanging kalahati ng mukha niya ang natatamaan ng ilaw.

Ngumiti siya ng nakakakilabot at bigla niyang itinaas ang kamay niya. Nagulat ako ng may malapot at malansang likido na bumuhos sa akin. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Isinara ko rin ng mabuti ang bibig ko at ibinaling ang ulo pagilid para matakpan ng buhok ko ang mukha ko.

Sa amoy pa lang, alam ko ng dugo ang ibinuhos sa akin. Naramdaman kong namamawis na ang mga palad ko na nakahawak ng mabuti sa upuan dahil nagsisimula na akong makaramdam ng takot. Unti-unting bumabalik sa isipan ko ang napanaginipan ko ng gabing iyon. Ganitong-ganito, nasa gitna ako ng mga patay na katawan at naliligo sa dugo. May babaeng biglang lalapit sa akin at sisisihin ako na ako ang gumawa nun sa kanila.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang taong iyon na naglalakad palayo sa akin. Pilit kong tinatanggal ang tali na nasa kamay ko pero hindi ko matanggal dahil sobrang higpit ng pagkakatali.

May nakita akong gumalaw na katawan sa mga bangkay at dahan-dahang tumayo. Isang babaeng may mahabang buhok at may kakaibang ngiti na naukit sa mukha nito. Nagsisimula ng mag-panic ang katawan ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nararamdaman ko ng nag-iinit ang gilid ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko.

Sa mga oras na ito gustong-gusto ko na may magligtas sa akin dahil alam kong hindi ko kaya at mahina ako sa mga oras na ito. Sana man lang dumating dito si Kendrick para iligtas ako pero alam kong hindi siya darating dahil wala naman atang nakakaalam na nakidnap ako.

Naramdaman kong may humawak sa mukha ko kaya napatingin ako sa gumawa nun. Pero sana hindi ko na lang ginawa dahil sumalubong sa mukha ko ang mukha ng babae ng kanina. Sobrang nakakatakot, puro sugat ang mukha niya at may umaagos pang mga dugo galing doon. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at dahil doon mas lalo kong nakita ang mukha niya.

May tahi ang gilid ng labi niya at nakapikit ang kaliwang mata niyang namamaga. Mas lumawak ang ngiti nito ng makita niya ang mukha ko.

"You did this to me. How could you do this to us? We didn't do anything to you." sabi nito sa akin. Pero sa halip na nakakaawang boses ang ilabas nito, isang nakakatakot ang inilabas niya.

Umiiling lang ako bilang sagot sa kanya. I know that I am not the one who did this. Yung lalaki kanina, sila ang gumawa nun sa kanila hindi ako.

"I didn't do all of these." sabi ko sa kanya. I can feel that her nails were sinking into my skin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa mukha. Sobrang sakit ng mukha ko dahil sa mga sugat na nakuha ko sa paraan ng paghawak niya sa mukha ko.

"Yes you do. You killed us!" may diing sabi ng babae at bigla na lang itong napugutan ng ulo sa harapan ko kaya tumalsik sa mukha ko ang dugo nito maging ang ulo nito. Nasa mga hita ko ang ulo kaya naman pilit akong gumalaw para gumulong pahulog ang ulo. Nararamdaman kong bumibilis na ang paghinga ko at nagdidilim na rin ang paningin ko.

*end of flashback*

Wala akong kalakas-lakas na umupo dahil nangangawit na ang batok ko kakahiga. Naramdaman kong nanlamig ang kamay ko dahil sa mga naalala ko. Pero, totoo ba ang mga iyon? Bakit parang panaginip lang ang lahat.

"Kumusta na pakiramdam mo?" napabaling ako sa nagsalita at nagulat ako ng makilala ko kung sino iyon.

"Lan." bulong ko. Kumunot ang noo niya at naglakad papalapit sa akin. Siya pala yung nakahiga sa couch at natutulog.

"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong niya ulit. Tumango na lang ako bilang sagot. Siya ba ang nagdala sa akin dito sa hospital?

"Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"Hindi mo ba naaalala?" tanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot. Gusto kong malaman kung totoo ba ang mga naaalala ko o hindi. Dahil baka gumagawa na naman ng kakaibang imahe ang utak ko para takutin ako o kung ano pa man.

"Nakita ka naming nakahandusay malapit sa hagdan sa may Regular building." sabi niya. So ibig sabihin panaginip ko lang ang mga naalala ko kanina. Hindi iyon totoo at ilusyon lamang iyon na gawa ng utak ko. Napahawak ako sa mukha ko at may naramdaman akong sugat doon. Nanliit ang mata ko, pinakaayaw ko sa lahat ay ang nagsisinungaling.

"You're lying." sagot ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko pero naibalik niya agad ang postura niya.

"Okay, fine. Nakita ka naming nakahandusay sa isang abandonadong building. You were surrounded by dead bodies at naliligo ka sa dugo ng maabutan ka namin." sabi niya. So hinimatay pala ako pagkatapos ng mapugutan ng ulo ang babae.

Tumango na lang ako sa kanya at napatingin sa bintana. Mataas na pala ang sikat ng araw. Gusto ko ng umalis dito. Aalisin ko na sana ang dextrose na nakadikit sa kamay ko ng may pumigil sa akin.

"Don't you ever dare to do that. Mahina ka pa kaya kailangan mo pang mag-stay dito." sabi niya. Napayuko na lang ako at isinandal ang likod ko sa mga unan sa likuran.

"Gaano katagal akong nawalan ng malay?" tanong ko sa kanya.

"2 days. Nagtaka nga kami bakita hindi ka pa nagigising. Akala namin may ginawa na sila sa'yo para hindi ka magising." sabi niya at pumunta sa mga prutas na nasa table.

"Gusto mong kumain nito?" tanong niya sabay pakita sa akin ng mansanas. Tumango na lang ako bilang sagot. Sinimulan na niyang balatan ang mansanas at hatiin sa maliit. Napatingin ulit ako sa bintana at napabuntong-hininga.

Naalala ko, habang nagkukwento si Lan, hindi niya mapigilang hawakan ang gilid ng labi niya at hindi rin mapakali ang kanyang mga mata. At isa lang ang ibig sabihin ng mga kilos na iyon, nagsisinungaling siya sa akin. Napatingin ulit ako kay Lan.

"Why did you lie?" bulong ko. Bigla naman siyang napatingin sa akin at kumunot ang noo.

"May sinabi ka ba?" tanong niya. Umiiling lang ako at binigyan siya ng isang ngiti. Why do they need to hide something from me. Hindi naman ako mamamatay kapag nalaman ko iyon.

Lumapit sa akin si Lan matapos niyang mahati ang mansanas at ipinakain sa akin. Samantalang tahimik lang akong kumakain at ganun din si Lan na tahimik na nanonood sa akin.

[EDITED]

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon