Lesson 15: Mysteries inside the Hospital*

4.7K 86 4
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV 

Tinitingnan ako ngayon ng mga doktor habang nakahiga pa rin ako sa kama. Ramdam na ramdam ko pa rin ngayon yung kirot sa tagiliran ko. Bakit kasi nabigla ko kanina?

At bakit ba kasi ako nananaginip? Nakakainis! Anong klaseng panaginip ba yung napanaginipan ko?!

"A-ate, bakit ka umiiyak?" puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Kendrick.

Napahawak ako bigla sa mukha ko, basa nga. Bakit ako umiiyak? Naalala ko lang naman yung mukha nung babae sa panaginip ko, yung tinawag akong princess.

Dahil sa mas lalo kong naalala ang panaginip ko, napahagulgol na lang ako. Hindi ko alam kong bakit ganito ang pag-iyak ko pero pakiramdam ko parte siya ng buhay ko at ngayong wala na siya, wala na ring saysay ang buhay ko.

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Sobrang sakit ng ulo ko kakaisip! Nakakainis!!


BRYAN KENDRICK'S POV 

Nagsidatingan ang mga doktor matapos ko silang tawagan kanina. Naaawa ako kay ate, hindi man niya sabihin ang nararamdaman niya, nakikita ko naman ito sa mga mata niya. Halata dito na nasasaktan siya.

Habang tinitingnan siya ng mga doktor, bigla na lang siyang lumuha. May masakit ba sa kanya? Masakit pa rin ba yung tagiliran niya? Ano ba talaga?!

Natataranta na ako dito, pero yung mga doktor, kalmado lang. At dahil siguro nahawa ako sa pagiging kalmado nila, kumalma na rin ako.

Tinanong ko na lang si ate.

"A-ate, bakit ka umiiyak?" puno ng pag-aalalang tanong ko.

Pero sa halip na sagutin niya yung tanong ko, napahagulgol na lang siya. Mas lalo tuloy akong nataranta. Si ate talaga, palagi na lang akong pinag-aalala.

Yayakapin ko na sana siya para sana patahanin kaso bigla na lang siyang napahawak sa ulo niya. Yung mga doktor naman ay parang nataranta sa ginawa niya.

"Ah!!!" sigaw ni ate.

Nakita kong nasasaktan siya ng sobra. Patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha niya sa mukha niya. Naaawa na ako kay ate.

"Ah!!!" mas malakas na sigaw ni ate.

Dali-daling nagsilapitan ang mga doktor sa kanya. Ako naman napako sa kinatatayuan ko. Nahihirapan si ate. Hindi ko namalayan, tahimik na pala akong umiiyak dito.

Pinahiga ng mga doktor si ate ng maayos at may tinurok sa kanya. Pampakalma siguro.

Pero teka nga, bakit naman sasakit ang ulo niya kung sa tagiliran siya tinamaan? Anong nangyayari dito?

Lalapitan ko na sana si ate ng biglang nagbukas yung pinto at iniluwa nito sina mom at dad.

Bigla na lang huminto si ate sa pagsigaw at napalingon sa may pintuan. Napatingin ako sa kanya at bigla na lamang siyang namutla.

Lalapitan sana siya ni dad kaso bigla siyang pumikit ng napakadiin at nanginginig siya.

Ibig bang sabihin nito ay bumalik ang trauma niya? Hindi ko na naman makakausap si ate? Mag-iisa na naman ako?

Hindi ko na nakayanan ang lahat. Nilapitan ko na lang si ate at tsaka niyakap. Niyakap ko siya ng napakahigpit, yung parang sinasabing 'wag kang mag-alala ate, nandito lang ako.'

Niyakap na lang ako pabalik ni ate. Mukha namang nagtataka pa ang mga doktor pero kinausap na lang ni dad ang mga ito tsaka na umalis.

Lalapitan sana ni dad si ate kaso mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni ate at parang sinasabing wag ko siyang bibitawan.

Napalingon na lang ako kay dad at malungkot na tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya.

Ate, bakit ka ba bumalik sa pagiging ganito? Ako ang nahihirapan sa iyo, alam mo ba yun? Alam mo bang mas nasasaktan ako para sa'yo? Kapatid kita.

Ate, pangako ko sa'yo, kung sino man ang may kagagawan nito, ipaghihiganti kita sa kanya, wala siyang modo!


AUTHOR'S POV 

Bumitaw sa pagkakayakap sa ate niya si Kendrick dahil sa may tumatawag sa kanya. Nagpaalam siya sa ate niya nasasagutin niya saglit yung tawag at tumango lang ito.

Pumunta si Kendrick sa labas tsaka sinagot yung tawag.

"Hello?"

"Good afternoon wangja. I am here in the hospital's garden. I have gkongju's notes for the day." Magalang na sagot ng nasa kabilang linya.

"Okay, I'll be there in a minute." sagot ni Kendrick tsaka niya binaba ang tawag.

Naglakad na si Kendrick papuntang garden ng hospital. Nakita niya ang taong tumawag sa kanya na nakaupo sa isang bench.

Nilapitan niya ito. Nang mapansin siya nito ay bigla itong tumayo ng diretso tsaka nag-bow. Hindi lang basta simpleng bow, a ninety-degree bow.

"Wangja, here's the notes for the gkonju." Magalang na sabi nito kay Kendrick.

"Oh, thank you." sabi naman ni Kendrick ng makuha niya ang notes.

"If you don't need anything wangja, I will be leaving now."

"Wait." pigil naman ni Kendrick sa kanya.

"Stop calling me Wangja, will you?" pakiusap ni Kendrick.

"But--"

"No buts. Look, you are 2 years older than me, James. I should call you hyung, but it seems like you don't want me call you that. That goes the same to me, stop calling me wangja. You can call me Bryan," nakangiting sabi nito kay James, ang taong nag-abot ng notes para sa gkongju.

"Yes, wang-- I mean Bryan." magalang na sagot ni James.

"Thanks hyung!" nakangiting sabi naman ni Kendrick.

Nginitian lang siya pabalik ni James.

"You can go now. You should not be here outside during weekdays. You remember the rules right?" tanong ni Kendrick

"Yes, but I am exempted to that rule for now because of this assignment." -James

"I know. just go now. oh, by the way, don't let them know why you are here, arasso?"

"Arasso." sabi ni James sabay alis.

Bumalik naman si Kendrick sa kwarto ng ate niya dala ang notes na binigay ni James kanina.


MASTER X'S POV 

"Looks like our plan is going out well, master." sabi sa akin ng isa sa mga assasins ko.

Nginitian ko lang siya, isang ngiting mala-demonyo.

Umaayon nga ang lahat sa plano, unti-unti na siyang naniniwala sa akin, malapit na, makukuha ko rin ang loob niya. At sa pagkakataong yun, ibabalik ko sa kanya ang lahat ng sakit na naramdaman ko.

Ng mga panahon na yun, kung kailan sobra na ang sakit na nararamdaman ko. Iniwan lang nila akong mag-isa at durog.

Babawian ko kayo, at alam kong nalalapit na yun. Humanda kayo, unti-unti kong sisirain ang buhay niyo.

"What's your plan now, master?" tanong niya sa akin

Tiningnan ko lang siya ng mataman tsaka ko sinabi ang plano ko. No one can stop me now.


[EDITED]

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon