Lesson 20: New Found Friend*

4.2K 88 2
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

Nakabalik na ako sa school ngayon. Nakakamiss ang school na ito. Mahigit isang linggo ka sa hospital sinong hindi mamimiss ang school na ito.

Naka-uniform na akong pumasok sa university galing sa bahay. Ano kayang magiging reaksyon nila sa pagpasok ko ngayon. Baka naman si Shaina lang ang may reaksyon, idagdag na rin pala natin si Adrian. Ang bait niya kasi.

Pagdating ko sa university, diretso agad ako sa room namin. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room, nakita kong nagulat yung mga tao sa loob. Kasi naman di ba, isang linggo akong wala.

Hindi ko na lang sila pinansin at tsaka dumiretso sa upuan sa pinakalikod. Hindi muna ako uupo sa talagang upuan ko, may plano kasi akong gagawin. Makalipas pa ng ilang sandali, dumating na si Adrian. Nagkunwaring tulog na lang ako para hindi niya ako makilala.

Narinig ko na siyang umupo sa upuan niya. Okay, simulan na natin ang plano natin.

Nag-unat-unat ako kunwari tsaka humikab. Parang bagong gising talaga. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pero pinalitan ko kaagad ng seryosong mukha ang mukha ko.

Nakayuko akong tumayo. Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagkuha ko ng notes ko na binigay sa akin ni Kendrick. Tsaka ako naglakad papunta sa kanya ng nakayuko. Kinuha ko na rin pala yung bag ko.

Pagdating ko dun, tsaka ako umupo sa upuang katabi niya, which is yung upuan ko talaga. Sinilip ko yung reaksyon niya at parang nainis siya. Nakayuko pa rin akong nakaupo dun habang hawak pa rin yung notes.

Naramdaman kong napatingin siya sa akin kaya naman mas lalo akong yumuko. Para na ngang sadako ang hitsura ko.

"Tsk. Another flirt." malakas niyang sabi sabay tingin sa akin.

Nagpaparinig siya. Pero hindi ko pinansin. Bakit? Flirt ba ako? hindi naman. At isa pa, upuan ko talaga tong inuupan ko.

Pakiramdam ko tuloy nung mga panahong wala ako, maraming babae ang umuupo dito makatabi lang siya. Grabe, feeling gwapo si Adrian. Napahagikhik tuloy ako.

Naramdaman kong napalingon naman sa akin si Adrian.

"What's funny?" halata sa boses niya na naiirita na siya.

Umiling lang ako. Lumipas ang ilang minuto at walang nagsasalita sa amin. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya dahil sa umub-ob ulit ako.

Naisipan kong lumabas muna saglit at mamaya na itutuloy yung pangloloko sa lalaking ito mamaya. Kaso hindi pa ako nakakalayo sa upuan ko, bigla na lang akong napatid.

Napapikit na lang ako at hinintay na bumagsak sa sahig kaso may biglang sumalo sa akin.

"Careful miss." narinig kong sabi nung sumalo sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.

Nakitang kong nagulat siya pero nawala iyon bigla at ngumiti siya. Tinulungan niya akong tumayo.

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

Nginitian lang niya ako.

"By the way, I am Althea." sabi ko sabay lahad ng kamay ko.

"Lan." sagot niya.

"Transferee?" tanong ko sa kanya.

"Yes. I started attending classes yesterday."

"Oh. Okay. So where is your seat?"

"There." turo niya dun sa inupuan ko kanina. So dun pala siya umupo.

Nginitian lang niya ako tsaka naglakad na sa upuan niya.

Ako naman ay biglang napalingon sa likuran ko. Seryoso akong nakatingin sa kanilang lahat. Makikita sa akin na hindi ko nagustuhan ang ginawa nila.

Kababalik ko palang dito, napagdiskitahan na ako. Akala ko ba tapos na ako sa ganito.

Nakita kong namutla si Adrian. Okay, alam ko na kung sino ang may kagagawan. Tsk.



ADRIAN JAMES' POV

Halos mawalan ng kulay ang mukha ko ng makita kong si Althea pala yun. Bakit kasi hindi ko napansin na siya pala yun?

Bigla siyang ngumiti ng malapad at tsaka naglakad papunta sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at hinila iyon na parang sinasabi na tumayo ako kaya ginawa ko iyon.

Pagkatayo ko, bigla na lamang niya akong niyakap.

"A-althea." bulong ko sa kanya.

"Ssshh. I just want to say thank you for giving me the notes in our classes when I am not around. Thank you Adrian." sabi niya tapos humiwalay na siya sa yakap.

"By the way, I didn't mean to piss you off earlier. Aalis na lang muna ako since ayaw mo akong makatabi." sabi niya tsaka kuha ng bag niya at pumunta sa likod, katabi si Lan.

Napayukom ako ng palad dahil sa nagawa kong mali. Stupid me!

Lalapitan ko na sana siya kaso mukhang nag-eenjoy siya sa accompany ni Lan. Papabayaan ko muna siya ngayon, alam ko namang mapagkakatiwalaan si Lan.



AUTHOR'S POV

Umupo si Althea sa tabi ni Lan. Napatingin naman sa kanya si Lan.

"Why?" takang tanong ni Lan kay Althea.

"Can I sit beside you?" nahihiyang tanong ni Althea

"Isn't your sit there?" tanong ulit ni Lan sa kanya sabay turo sa upuan niya na katabi ni Adrian.

"Yes. But my seatmeate doesn't like me to sit beside him so I decided to move. So can I sit beside you?" -Althea

"Why me?" -Lan

"Uhhmm. New friend here?" may alinlangang sagot ni Althea

"Friends? Are we friends already?" -Lan

"Yes. We're friends since you help me." nakangiting sagot ni Althea

Nag-isip pa ng kaunti si Lan pero sa huli ay pumayag din ito.

"So, how was your stay here?" tanong ni Althea kay Lan pagkaupong pagkaupo niya.

"So far so good. I got new friend already." -Lan

"Who?" -Althea

"James."

"James?" -Althea

"Adrian James Castro."

"Si Adrian?!" gulat na tanong ni Althea

"Yup, si Adrian." nakangiting sabi ni Lan

"Wait. Nagtatagalog ka?" di makapaniwalang tanong ni Althea, dahil ang makikita mong nationality ng katabi ni Althea ay isang chinese.

"Oo."

"Grabe ka, pinahirapan mo pa akong mag-english. Alam mo palang mag-Filipino." Natatawang sabi ni Althea.

Nagkwentuhan pa ang dalawa. Nahinto lamang ang pagkukwentuhan nila ng dumating ang professor nila.

Sa isip-isip ni Althea, 'New found friend, at lalaki pa. I really hope naovercome ko na ang trauma ko.

[EDITED]

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon