Lesson 61: Ezekiel's Feelings*

2.6K 50 0
                                    

EZEKIEL'S POV

Nakahiga lang ako dito sa rooftop ng Rose building hapag nakatitig sa kalangitan. I still don't want to go back to our dorm. Mas gusto ko pa munang mag-stay dito dahil sa tahimik at walang katao-tao. I don't know what's happening to me this past few months pero sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa kanya, I mean siya mismo, my heart starts to beat so fast.

Napabuntong hininga na lang ako. I miss her so much already. Hindi ko pa kasi siya nakikita simula ng mag-start ang klase. Wala yung pamilyar niyang buhok at tindig. Wala yung pamilyar niyang boses at tawa. Wala lahat. Para siyang nagtatago at walang balak na magpakita kahit na kanino pa sa amin.

Bakit ba palagi ko siyang iniisip? Nung una ko siyang nakita, naiirita ako sa pagiging mahinhin niya. Its too much to be normal on a girl. But as time passes by, nag-iba ang paningin ko sa kanya. Para bang gumaganda siya sa paningin ko at hindi ko siya maialis sa paningin ko.

I chuckled because of what I just thought. Am I crazy? At first, I thought that nagagandahan lang talaga siguro ako sa kanya pero habang tumatagal napapansin ko sa sarili kong hindi lang ako nagagandahan sa kanya. I am starting to like her and fall to her deeply.

This is so gay. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Napaupo ako ng may narinig akong tumutugtog ng violin. Malapit lang ang tunog kaya hinanap ko ito. Naglakad ako papalapit sa side kung saan makikita ko ang rooftop ng Regular building dahil doon ko naririnig yung tunog ng violin.

Ang lungkot ng musika at parang may halong hatred dito. The way it was played was so fast at alam kong magaling na violinist lang ang makakatugtog ng ganun. Lumapit pa ako ng kaunti at nakita ko ang isang white-haired girl na tumutugtog ng violin. She's not wearing RSU uniform but she has the RSU bracelet. Maybe nagpalit na siya ng damit dahil kanina pa naman tapos ang classes.

The girl stopped playing. Naramdaman niya ako siguro na nakatingin sa kanya. Humarap siya sa akin at nagulat ako ng makita ang mukha niya. The girl that I missed so much. Finally, nakita ko na ulit siya. Pero bakit siya umiiyak?

Nagmamadali niyang inayos ang violin niya at umalis ng rooftop. Ako naman ay nagmamadaling bumaba ng hagdan para maabutan siya. I don't know what I am doing pero ang alam ko lang ngayon, kailangan ko siyang i-comfort.

Hinihingal akong pumunta sa harap ng building nila. Nakita ko siyang palabas pa lang doon. Buti na lang at naabutan ko pa siya. She stopped ng makita niya ako. I grab that chance para matanong ko siya.

"Why are you crying?" I ask her pero umiling lang siya bilang sagot. Lalagpasan na sana niya ako pero I grab her arms to stop her at tinignan ko siya.

"Why are you crying?" I ask her again. Umiling lang ulit siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at naglakad palayo sa akin. Pero hinawakan ko ulit ang braso niya. Napalingon na siya ulit sa akin at tinitigan ako.

"Please Zekie, not now." sabi niya. Her voice, I miss her voice. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin pero I hug her. Nararamdaman kong kumakawala siya sa pagkakayakap ko pero mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya para hindi siya makaalis sa yakap ko.

"Iiyak mo lang yan. Nandito lang ako sa tabi mo para pakinggan ka." sabi ko. After a few minutes, I felt her shoulders shaking. I heard her sobs at doon ko nalaman na umiiyak na pala siya. Mas hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. Inakay ko siya sa pinakamalapit na bench at pinaupo siya doon.

"I hate my life." narinig kong sabi niya. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang umiiyak pero kung sa ganitong paraan ko siya macocomfort, gagawin ko kahit pa masakit. Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siyang magsalita. Ang kailangan niya ngayon ay isang balikat at tenga na handang makinig sa mga hinaing niya.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon