Lesson 54: Mix Up*

2.6K 53 1
                                    

SHAINA'S POV

Tuwing uwian, sinusundo ako ni Trace at inihahatid sa dorm namin. I find it sweet dahil kahit na nasa loob ng university ang dorm namin, nag-eeffort pa rin siyang ihatid ako sa dorm. Kung hindi man niya ako maihatid agad sa dorm, niyayaya naman niya akong mag-dinner sa shopping area.

At dahil nga sinusundo ako palagi ni Trace, hinihintay ko siya ngayon dito sa labas ng building. Kanina pa kasi nagsialisan ang mga kaklase ko at halos wala na ring tao sa loob ng building namin. Mahigit isang oras na rin akong nakatayo dito at nangangalay na rin ang paa ko dahil sa tagal ko na ring nakatayo.

Aalis na sana ako dahil baka nauna na siyang umalis ng makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin mula sa malayo. Nagtataka ako dahil bakit siya nanggaling doon kung sabay naman kami ng labasan. Did he skip a class?

"Sorry, I just did something." sabi niya sa akin pagkadating niya sa harap. Hinihingal pa siya ng sinabi niya iyon sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot dahil medyo naiinis ako sa kanya. He should have texted me kung male-late siya ng ganito katagal. Nagmumukha tuloy akong ewan sa harap ng maraming students dahil naghihintay ako sa labas ng building namin.

Nauna na akong naglakad sa kanya at naramdaman ko namang nakasunod lang siya sa likuran ko. Malapit na kami sa dorm ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hinila niya yung kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Are you mad at me?" seryosong tanong niya sa akin habang tinitigang mabuti ang mga mata ko. Umiwas na lang ako ng tingin at tsaka umiling.

"If you're not mad at me, then why are you not talking to me?" tanong niya ulit sa akin. Umiling lang ulit ako bilang sagot.

"Shaina, talk to me. Please." sabi nito sa akin pero hindi ko pa rin siya tinitingnan at sa iba ako nakatingin. I can't help myself to have this kind of feeling to him. Bumitaw na lang ako sa kanya at saka naglakad papasok sa loob ng dorm. Pero hindi pa ako nakakapasok ay may naramdaman akong may humawak sa kamay ko. Bigla na lang niya akong hinila at niyakap.

"Yobo, mianhaeyo." bulong niya sa tenga ko habang yakap-yakap pa rin ako. Pinipilit kong makawala sa yakap niya pero mas hinigpitan niya lang ang yakap niya sa akin. Napatawad ko naman na siya, kaso nagtatampo pa rin ako sa kanya.

"You should have texted or called me if you are going to be late. I can go to my dorm on my own." mahinang sabi ko sa kanya habang yakap niya pa rin ako. Alam kong pinagtitinginan na kami dito dahil nasa may entrance kami ng dorm pero wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga, nasa harapan ko ngayon si Trace at humihingi ng tawad sa ginawa niya sa akin.

"Sorry, okay?" sabi niya ulit sa akin. Tumango na lang ako at niyakap siya pabalik. Bumitaw na ako sa pagkakayap sa kanya and I bid him a goodbye. Nagpaalam na rin siya sa akin at naglakad palayo sa akin.

Pagkapasok ko sa room ko, naabutan ko doon si Althea na nakatingin lang sa bintana. Hindi ko na lang siya at pumunta ako sa cr para mag-shower. Ilag pa rin ako ng kaunti kay Althea dahil sa nakita ko noon.

"Hey." bati niya sa akin ng matapos akong maligo. Nginitian ko na lang siya at tsaka nagdiretso sa cabinet ko to get some clothes. Bumalik ulit ako sa cr para magbihis at paglabas ko ng cr, nakita kong nakatayo na si Althea at hinihintay akong lumabas ng cr.

"Can we talk?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa paraan ng pagtanong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot naglakad patungong kama ko. Umupo ako doon habang nakaharap sa kanya.

"Why are you doing this?" seryosong tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang siya at siya din ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon