Lesson 18: The Sketch & the New Student*

4.4K 83 1
                                    

SHAINA'S POV

Kainis naman! Wala na nga akong mahila papuntang hospital para bisitahin si Althea, may mga pa-VIP pa dito sa University.

If they think that this is fun, oh well for me its not.

Kaya naman kaysa maghintay ako ng matagal dun, humanap na ako ng ibang daan para makapunta ng dorm. And luckily, I successfully found another way around.

Nang makapasok ako sa room namin, napahiga ako sa kama. The room was so silent, walang Althea na kwento ng kwento ng kung ano-ano. Kung ano ata maalala nun kinukwento niya agad.

Napatingin ako sa study table ko. May napansin ako dun kaya naman bumangon ako at tiningnan yun.

"Kay Althea to ah." mahinang bulong ko.

Kinuha ko yun at pumunta sa garden ng University. Mas magandang dito na lang tumambay.

Pagkadating ko dun, naghanap kaagad ako ng magandang spot kung saan pwedeng umupo. Kanina pa ako nangangati tingnan tong hawak ko. Ngayon ko lang kasi nakita 'to at ni minsan ay hindi ko pa siya nakikitang lagyan ng karga 'to.

Kaya naman nung nakahanap na akong spot, naupo agad ako at dahan-dahang binuklat yun.

"Wow!" di ko mapigilang sabihin.

Ang ganda, promise. Ang ganda ng mga sketch niya.

Yung unang sketch ay isang babaeng diwata ata na nakatalikod at nakalahad yung kamay niya sa side. It's mystical. And I find it beautiful.

Sandali lang, ito siguro yung hinahanap niya last time. Yung gabi bago siya padalhan ng admirer niya ng violin. Admirer kasi mahal yung violin.

I never thought that she has this kind of talent. Ang tahimik kasi niya pagdating sa mga talents niya. Not that type na ipangangalandakan yung talent niya.

Pero teka nga, how come na nasa study table ko tong sketchbook niya?

Wag muna nating pansinin yun. Silipin muna natin yung iba pa niyang drawing.

Sa first 5 pages ng sketchbook niya, puro mystical creatures ang nandun. Elf, ice fairy, wizard, mermaid and angel.

Ang linis ng drawing niya. Pero parang hindi drawing pencil ang gamit niya, ang nipis kasi ng lines para maging drawing pencil ito.

Tapos nilipat ko sa susunod na page.

Woah! Its a sketch of a guy. Wait lang parang familiar yung mukha niya sa akin.

"Boo!!!"

"Kyaah!!!!!" Sigaw ko.

Tama bang gulatin ako sa kalaliman ng pag-iisip ko, I think its not.

Napalingon ako dun sa nanggulat sa akin, and its Ryoji.

"Why are you here? As far as I can remember you said that you were busy." taas kilay kong tanong sa kanya.

"Tsk. I thought there were many works for me, yun naman pala kunti lang." inis na sagot ni Ryoji.

"Oh, inis ka na niyan?" tanong ko

Tiningnan lang niya ako ng masama. Pasensya, pilisopo ako ngayon.

Napatingin siya sa hawak kong sketchbook at tsaka ngumisi.

"So may pagnanasa ka pala sa akin?" nakangising tanong niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Rose Sibjaga University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon