Epilouge

2.5K 35 6
                                    

*Thank you for making this far💞 you are awesome, and you will mark something great in my heart. much love x*

Epilouge

Mark Conception

Kinakaban akong naghihintay sa harapan ng simbahan ang damimg pumapasok sa isip ko. Paano kabang namali ako, paano kung hindi makayang panindigan 'toh?

Tinapik ako sa braso si Matt at nginitian ako. "Wag mo sabihing kinakabahan ka?" kahit na gusto kong sabihin na hindi, kinakabahan talaga ako.

"Bro, relax ka lang." Tinapik niya muli ang braso ko at nagmadaling bumalik sa pwesto niya. Hindi ko alam kung magagawa ko 'toh. Pero ayokong iwanan siya ng ganun nalang. Hindi ko makakakayang iwanan siya ng ganun. Dahil mahal ko siya. Minahal ko rin siya.

Narinig kong nagbukas ang mga pinto ng simbahan at nakita ko si Vivian na naglalakad sa aisle, may hawak na bulaklak at may ngiti sa kanyang mga mukha. Then it flashes back in time nung mga panahon na kinasal din kami ni Amy. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makakalimutan si Amy. She's my first love, no one can ever take that away. Kahit na ikakasal na ako ngayon sa babaeng nagpatibok muli ng puso ko, alam kong mananatili pa rin si Amy sa puso at isip ko.

Niyakap ako ng mga magulang niya bago nila ibigay sa akin si Viv. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya at ganun din siya. Pero naramdaman ko ang pagkaloose niya sa pagkakahawak ko. Tinignan ko siya at parang hindi mapakali ang mga mukha niya. Bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa akin at ang mga ngiti na nasa labi niya kanina unti unting nawala.

"Viv–"

"I'm sorry, I can't do this." Nagmamadali siyang lumabas ng simbahan at hinabol siya ng mga magulang ko pati na rin sina Ingrid. Si Joe na umuwi sa Pilipinas para lang makapunta sa kasal ko, hinabol din siya.

Mahigit pitong taon na rin kaming magkasama ni Vivian at wala naman akong nakitang mali sa naging relasyon namin. Araw araw kaming nagkikita, lagi kaming lumalabas sa mga paborito niyang lugar. Minahal ko siya ng buong buo. Pero bakit niya ako iniwan sa gitna ng altar at sa harapan ng diyos. Minahal niya rin ba ako?

Napaupo ako sa sahig at lumapit naman sa akin sina Matt at tinapik ang braso ko. Si Mommy naman agad akong niyakap at sabay nito ang pagpatak ng mga luha ko. Tinignan naman ako nina Joe at halatang hindi rin sila sangayon sa nangyari. Pati rin ako, hindi ko ginusto yung nangyari.

Umuwi na ako kaagad sa bahay at iniwan na sina Mommy na gawin ang kung anong dapat nilang gawin sa reception area. Hinihintay ko pa ring tumawag si Vivian o kahit simpleng text lang na nakalagay sorry. Kahit ano, basta gusto ko lang malaman na kami pa rin at hindi niya ako iniwan.

"Mark," umakyat na akp sa kwarto bago ko pa silipin kung sino man ang tumawag ng pangalan ko. Hindi ko na siya pinansin at humiga nalang sa kama ko. Gusto kong magpakalasing pero alam kong hindi ko makakayang gawin ulit yun sa sarili ko, dahil ayoko na mangyari ang nangyari sa akin dati nung nalasing ako. Hindi ko magagawa yun kay Vivian o kahit kay Amy ulit.

"Mark, kumain ka na please." Hindi ko inintindi si Mommy at patuloy lang ang panonood ko ng t.v wala akong ganang gumawa ng kahit ano dahil iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Vivian ng ganun at wala manlang tawag o text.

"Mark," tinignan ko kung sino yung pumasok at nakita ko si Joe. "Si Vivian, gusto ka niyang makausap."

Bigla akong nabuhayan ng loob at agad agad sinundan si Joe kung saanan niya ako dadalhin. Hindi na ako nagabala pang magtanong dahil ang gusto ko lang ay ang makita si Vivian ulit at mayakap siya ulit.

Pagpasok namin sa kwarto nakita ko si Vivian na nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa bintana. "Viv," tumingin siya sa dereksyon ko at ni Joe. Tumayo siya at nilapitan ko siya para mayakap.

"Mark," pinipilit niyang tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin at sa hindi ko malaman na dahilan. Tinignan ko siya at nakita ko ang mga luha sa mukha niya. "Sorry, Mark. Ayoko na." Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa bewang niya at tinignan si Joe. Napailing siya at tinignan si Vivian.

"Mark, hindi ko kayang maging pangalawa mo lang! Alam ko at alam mo na si Amy pa rin ang nilalaman ng puso mo! At kung ikakasal tayo, alam kong hindi makakaya ng konsensya ko na agawan si Amy diyan sa puso mo. Makakaya mo bang gumawa ng pamilya kasama ako nang hindi mo iniisip si Amy?" Lumabas na ako ng kwarto dahil hindi ko na makakaya pang makita si Vivian. Kung akala niya na hindi ko soya minahal pwes nagkakamali siya. Dahil minahal ko siya ng buong buo at naging parte na rin siya ng buhay ko.

Mahal ko siya. At siguro kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si Amy, alam ko at alam niyang wala na si Amy. At wala na akong magagawa pa tungkol dun. Kung gusto na niyang makipaghiwalay sa akin, hahayaan ko siya. Kung saan siya magiging masaya susundan ko nalang siya.

Narinig ko ang mga tawag sa akin ni Joe pero hindi ko pinansin yun at tuluyan ng lumabas sa bahay nina Vivian. Sumakay ako sa kotse ko at dumeretso sa beach kung saan ako laging pumupunta kapag nalulungkot ako.

Kapag nakikita ko yung mga dagat nakakalma ko yung sarili ko at dito rin ang huling minuto na nakasama ko si Amy. Kaya mas ginusto kong pumupunta dito.

"Sabi ko na nga ba nandito lang siya eh." Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sina Matt at ang buong grupo ko dati at umupo sila sa tabi ko.

"Yung kay, Viv, bro? Wag mo ng intindihin yun." Tinapik ni Joe ang braso ko at binigyan ako ng ngiti.

"Tanga lang ang magpapakawala sayo."

"I'm sure, masaya si Amy ngayon." Sabi ni Ingrid. At tumango naman kaming lahat.

"Masaya siya para sa ating lahat." Tinignan ko ang tattoo na pinatattoo ko sa wrist ko at lahat ng alalaa ko kasama si Amy bumalik sa akin.

Lahat ng masasaya, mululungkot, nakakagalit, at kahit yung mga panahong hindi pa kami magkaibigan. Nawala man si Amy sa mundo, hinding hindi siya mawawala sa isip at puso namin.

Nagkabalikan na kaming lahat, and we're plannimg to do a lot more stuffs together dahil tumatanda na rin kami. Matt ad Laine got back together ganun na rin si Lois at Kobi. Si Joe naman hindi na nagmake ng move kay Ingrid dahil halos pitong taon na silang nagsasama ni Dexter. At ako naman, kahit na nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa lovelife ko wala pa ring magbabago sa akin.

I will always be Mark, yung lalakeng nagmahal ng lubos at yung lalakeng kayang magmahal ng lubos pa. I might be broken, but I know Amy is there to fix me. Dahil mula sa taas, tinitignan niya kami at masaya siya para sa amin.

Hindi man naging perpekto ang pagkakaibigan namin, ang importante nasa proseso kami ng starting all over again simula ngayon walang ng away, wala ng aalis, at wala ng iiyak.

This group will stay together until forever, dahil alam naming ito ang ginusto ni Amy na gawin namin. "A promise is a promise, princess, and this promise should never be broken."

I know our friendship must be really weird, a lot of heartaches, crying, trying, loving, selfishness, pero iisa lang ang masasabi ko. Even though our friendship is just a clique, we will always find a way to each other again.

Pero oo, totoo, our friendship was a clique, so what? Mahal pa rin namin ang isa't isa at walang magbabago.

Sabay sabay kaming tumingin sa dagat, "Thank you for everything, guys. I don't know what to do in this crazy rollercoaster ride without all of you, until then guys."

Tumayo kaming lahat at niyakap ang isa't isa. "Until, then."

////

Thank you for making this far! I love all of you💞 .

Wala pong sequel ang "The Clique" dito na po nagtatapos ito. Thank you po sa supporta ninyo. Ang sarap pala sa pakiramdam na matapos ang isang libro. Binuhos ko po ang effort ko dito kaya sana magustuhan ninyo.

always remember, KEEP SMILING AND LOVELOTS! mahal ko kayang lahat💞💖🙈

The CliqueWhere stories live. Discover now