Chapter 35 || Back At It Again

874 22 2
                                    

Chapter 35
Back At It Again

Laine Lopera

Umagang umaga pa pero missed calls agad ni Lois ang gumusing sa akin. Sunday naman ha, diba dapat makatulog ako ng maayos? Pero dahil mahal ko'tong banaeng 'toh sinagot ko na rin. Baka mamaya magtampo pa yun eh.

//Hello?//

"Lois, bakit?"

//Friend, masama.//

"Masama ang alin?"

//Gusto ko na yata si Dexter.//

//

Dumeretso agad ako sa park kung saan kami magkikita ni Lois. Umagang umaga pero sobra niya akong strinestress. Sabi niya sa akin nung nakaraan hindi niya gusto tapos biglang tatawag nalang ng umagang umaga para sabihin sa akin na gusto niya si Dexter? Nahihibang na nga yata yung babaeng yun.

"Laine!" Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako. Naramdaman ko na agad ang mga luha niya, pati t-shirt ko basa na.

Halatang kanina pa siya umiiyak, non-stop. Ganyan namin kasi siya lagi kapag nasasaktan oh may nagawang kasalanan, at yung pagkagusto niya kay Dexter, isang malaking kasalanan.

"Bakit ganito yung nararamdaman ko para sa kanya? Bakit?" Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Niyakap ko pa siya ng mahigpit para atleast maramdaman niya na nandito lang ako.

"Laine, ayoko na." Sabi niya sa akin dati hindi niya magugustuhan si Dexter at hanggang magkaibigan lang ang turing nila sa isa't isa.

"Bakit kasi nagpadalos dalos ka sa feelings mo? Yan tuloy." Umupo kami sa bench at iniwan ko muna siya saglit para bumili mg ice cream, panigiradong hindi niya mareresist ang ice cream. Paborito niya eh.

"Oh," inabot ko sa kanya ang ice cream at umupo sa tabi niya. Tulala siyang nakatingin sa swing habang kumakain mg ice cream. Nahihibang na siya.

"Paano si Grid?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at bigla nalang namumuo ang luha sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin sa akin para ipahid ang luha niya sa shirt niya. Ngayon pa siya magtatago sa akin kung kailan basang basa na yung shirt ko dahil sa luha niya.

"Hindi ko alam" tumayo siya at hinagis ang ice cream. Napatayo ako bigla kasi pera ko yung ginamit pangbili ng ice cream na yun tapos hindi naman pala niya kakainin!

"Lois!" Napatingin siya sa akin at halata ag pagkagulat sa mata niya. Patay talaga sa akin 'tong babaeng 'toh.

//

"Atleast napatawa mo ako. Thanks, Laine!" Niyakap niya ako at pumasok na siya sa apartment niya. Magkalapit lang kami ng apartment pero malimit akong umuuwi sa bahay. Mas sanay kasi ako sa mga bagay bagay dun lalo na yung kama ko. Mas komportable dun.

"Text nalag kita!" Pasigaw kong sabi kasi sinara na niya agad yung pinto. Pumunta na ako sa apartment ko after para makaligo na. May pasok na bukas at panigurado malaking gulo 'toh kay Grid at Lois.

Flashback➡

"Lois!" Napatingin kami dun sa tumawag sa pangalan ni Lois. Si Ingrid lang pala akala namin kung sino na.

"Bakit, Grid?" Napanganga lang si Grid at bigla bigla nalang sinampal si Lois. Pati ako nagulat kaya hindi agad ako nakaawat.

"Bakit mo ginawa kay Dexter yun?" Nagulat ako kasi kilala niya si Dexter, hindi pa naman namin siya na papakilala sa mga kaibigan namin sa akin palang napapakilala ni Lois si Dexter.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit mo binago ang itsura ng bestfriend ko?" Tanong ni Ingrid kay Lois. Ang galing 'noh? Yung tanong ko nasagot ng isa pang tanong.

"Dahil gusto ko na makita ng iba kung ano talaga siya!" Pagalit na sabi ni Lois. Lumapit sa kanya si Ingrid at napangisi.

"Lois, hindi si Dexter yun! Binago mo siya! Binago mo ang buong pagkatao niya pati ugali niya! Halos ilang babae na ang nakasama niya nitong na--" hindi natapos ni Ingrid ang sinasabi niya ng sampalin siya ni Lois.

"Bakit, Grid? Wala bag karapatan na maging masaya si Dexter?! Ilang taon na siyang nagdudusa dahil sa itsura niya! Walang nagkakagusto sa kanya kasi dati ang pan--" sinampal siya ni Ingrid. At dahil dun humarang na ako sa kanilang dalawa baka kung saan pa umabot ang away nila.

"Hindi pangit si Dexter! Hindi dahil nakabraces siya at may salamin ibig sabihin pangit siya! Ikaw, ikaw ang pangit, Lois kasi sa tingin mo lahat ng bagay kasing pangit mo! Pati yang uga---" sinugod siya ni Lois at nagsasabunutan na sila pinigilan ko silang dalawa pero hindi ko sila kaya. Nakita ko sina Joe at Matt nakita rin nila si Lois at Ingrid na nagaaway kaya tumakbo sila at ahad akong tinulungan sa pagawat sa kanila.

"Bullshit, Grid! Alam mong hindi ako ganyang klaseng tao! Binago ko si Dexter kasi gusto ko siyang maging masaya! At kung mamasamain mo yun, problema mo na yun! Wag mo na akong idamay!" Bumitaw siya sa pagkakaawat ni Matt at pumuntang comfort room. Susundan ko sana siya pero nakita ko yung kalmot ni Lois sa braso no Matt.

"Sundan mo na si Lois, ok lang ako." Hinalikan niya ang forehead ko bago ako umalis.

End of flashback➡

Habang naiisip ko yun parang gusto ko nalang umiyak. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang silang nagaaway, and the next day after that, ok na sila. Ang weird nila.

Pero buti nalang ang nagkabati na sila agad kasi hindi ko kakayanin na magaway ulit sila, nakakatakot si Lois magalit at parang monster naman si Ingrid kung makasigaw. At kahit hindi ako nasampal ni Ingrid ramdam ko na masakit kasi bumakat yung kamay niya eh.

"Laine!" Binuksan ko ang pinto ang nakita ko si Ingrid may dala siyang ice cream at dvd. Ngumiti ako at pinapasok siya. Sinara niya ang pinto at tumabi siya sa akin sa couch.

"Panoorin na natin 'toh!" Inabot niya sa akin yung ice cream bago siya nagderetso sa dvd player para iplay yung movie. Kumuha ako ng kutsara at tumabi muli sa kanya sa couch.

Gusto ko sana siyang tanungin kung ok lang ba sa kanya kung magkagusto si Lois kay Dexter. Hindi ba siya magagalit? Eh, bakit naman siya magagalit hindi naman sila nun. Magbestfriend lang din. So, baka pwede?

"Grid, may tanong ako." Nagscoop siya ng ice cream bago tumingin sa akin.

"Ano yun?" Huminga ako ng malalim at tinignan siya.

"Paano kung magkagusto si Lois kay Dexter, magagalit ka ba?" Kinakabahan ako. Kinakabahan ako kahit na si Lois ang may gusto kay Dexter at hindi ako.

"Ok lang na mainlove si Dex sa kahit sinong babae wag lang kaibigan ko." Deretsong sagot niya. Napangiti siya at nagscoop ulit ng ice cream.

"Minsan, Grid. Kailangan mong magparaya, magpasaya ka naman ng iba." Tumingin ako sa screen pagkatapos dahil ayokong makita ang expression niya sa sinabi ko.

///

Halluuuu!!! Thankyou for reading my story. Don't forget to follow! Mwah.

KEEP SMILING AND LOVE LOTS!♥

The CliqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon