Chapter 41 // Blinded

852 22 0
                                    

Chapter 41
Blinded 

Amy Disente 

It's been six weeks since that accident happened. Anim na linggo ko na ring iniiwasan si Mark, sa school si Joe at Ivan lang ang taong pinapansin ko, At kahit sabihin niyo pang napakaimmature, hindi ko talaga kayang kausapin sila dahil alam nilang lahat yung ginawa ni Mark at Ingrid pero hindi manlang nila sinabi sa akin. Kahit si Mark na pinagkatiwalaan ko buong buhay nakaya akong lokohin.

Hindi ko na siguro kayang patawarin pa sila, yung ginawa nila at yung panloloko nila. Pero kaibigan ko pa rin si Ingrid, at kahit masakit sa kalooban ko yung ginawa nila miss na miss ko na siya. Miss ko na sila, lalong lalo na si Mark. 

"Amy, kanina ka pa tulala anak, hindi ka ba papasok sa school?" Wala akong balak pumasok sa school ngayon dahil ayoko makita si Mark. Hindi dahil sa nangyari sa kanila ni Amy, kundi hindi ko makayanan ang sarili ko na hindi magalit sa kanya. I have to ease the pain, ang sakit masaktan. Lalo na kapag yung mahal mo amg gumawa nun sayo. 


Magsisinungaling ako sa inyo kung sasaihin kong hindi ako naging masaya sa relasyon namin ni Mark. Kahit na alam kong marami na kaming pinagdaanan dati, hindi ko maitatanggi na minahal ko siya ng buong buo. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya kahit na nagkahiwalay kami dati. He's my savior, kahit hindi niya man aminin sa sarili niya, sinagip niya ako. Sinagip niya ako sa mga oras na akala ko walang wala na ako. 


Kaya ko pa siguro siya patawarin, pero hindi sa ngayon. I need to think about stuffs, lalo na ngayon at hindi maganda ang kalagayan ko. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay ko para lang maging masaya ako. Kung ano ang plano ng diyos para sa akin, tatanggapin ko kahit ano pa yun. 


Bababa sana ako para kumuha ng tubig ng maramdaman ko na sumasakit ang tagiliran ng tiyan ko pati na rin ang puso ko sinubuakan ko pigilan para hindi na masyadong magalala si Mommy at Daddy dahil alam kong nagtratrabaho sila sa office nila at ayoko na mabalewala nalag lahat ng pinaghirapan nila. 


Sinubuakan ko pa rin bumaba pero hindi ko na kinaya ang sakit at napaupo ako sa hagdanan. Tumakbo naman papunta sa akin si Yaya at inalalayan ako. "Sir! Si Ma'am Amy po!" narinig ko ang sinigaw niya bago ako mawalan ng malay. 


// 


"10 weeks, sampung linggo nalang. Then that's it. I'm so sorry, hindi rin namin ginusto ito." Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang buong pamilya ko pati na rin ang mga kaibigan ko sa loob ng hospital room. 


Si Mark, nandito siya. Pinipigilan niyang umiyak pero hindi mo maitatanggi sa mukha niya na nasasaktan siya. Dahil ba yun sa sinabi nig doctor sa kanila? Mamatay na ba talaga ako? 


"Aims!" Niyakap nila akong lahat pero lahat sila umiiyak. Si Lois kalat na yung mascara dahil sa sobrang pagiyak, si Laine naman halos hindi na makita yung mata dahil maga na, si Matt naman napapaluha pero tinatanggi pa niya, si Kobi naman nakatungo lang at inaalalayan si Mark na nasa gilid lang at parang ayaw lumapit sa akin. 


Si Ingrid at Joe lang ang wala sa kwarto. Magkasama siguro sila, maybe they're planning on working things together, nagawa na sigurong patawarin ni Joe si Ingrid na ang alam ko ay matagal na niyang gustong gawin. Mahal niya si Ingrid, sobra. 


// 


"I'm sorry." Three minutes, three minutes na niyang sinasabi sa akin yan. Iniwan muna kami nina Mommy at ng barkada para makapagusap kami ni Mark. But ever since then, puro sorry nalang ang sinasabi niya. Ako naman nakatingin lang sa bintana still trying to listen to him kahit sinasabi ng isip ko na wag. Gusto ko marinig yung side niya pero tuwing naririnig ko yung topic na yun, hindi ko maitago yung galit ko sa kanya. Mahal ko si Mark, pero minsan sana maitindihan niya na may feelings din ako. 


"Lasing kami nun, may campus party at wala ka, wala rin si Joe kaya buong gabi kami lang ni Ingrid ang magkasama. We played truth or dare nang kami lang at nalasing kami, at dun na nagsimula ang lahat. Amy, mahal kita alam mo yan. I was just fucked off that time dahil ilang linggo na kita hindi nakikita, nagpakalasing ako kasi gusto ko na kalimutan na wala ka nung mga gabing yun. Aims hi--" Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinignan siya. 


"I don't need explanations, Mark. It's ok, nasaktan mo lang talaga ako." Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya, "I still love you, Aims. Walang nagbago, ikaw pa rin." gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya, pero hindi ko magawa. The thought of him cheating on me, at sa bestfriend ko pa na si Ingrid, nasasaktan ako. Mas lalong masakit sa puso. 


"Please go, gusto kong mapagisa." Iniwas ko ang mga titig ko sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. 10 weeks, just 10 weeks, that's all time you have to fix everything back. 


Just 10 weeks. Kakayanin ko ba? 


////


Halllooooo!!! Guys! Hindi ako masaya sa update at edit ko na 'toh. It just doesn't feels right. And also take note, ito yung pinakamaikli na sinulat ko. Ang sad. 


Pero sobrang blanko ng isip ko ngayon, walang pumapasok kahit nakalagay yung plot sa notebook ko, wala pa rin akong maisip. Well, either way, ENJOY SUMMER!


always remember, KEEP SMILING AND LOVELOTS!!!!✨💖💞💋




The CliqueWhere stories live. Discover now