Chapter 5 || Ok ka lang?

3.3K 56 14
                                    

Chapter 5
Ok ka lang?

Ingrid De Carpio

Buti nalang ok lang ang kaibigan ko. Nakakainis kasi yung Mark na yun eh ang bagal kumilos ano ba naman yan. Sila kasi ang may kasalanan nito eh. Kung hindi lang sana nila ginawa yung party na yon? Wala sana kami dito? Hindi sana kami nagdudusa ngayon. Kasalanan nila 'tong lahat. Mas ok pa na magALGEBRA ako kasama si Ms. Mae kesa nandito ako nagdudusa kasama sila. Hindi ko pinangarap na maksama ang ex boyfriend ko. Hindi ko pinangarap. Never.

Nandito kami ngayon ni Joe sa may puno. Kumukuha kasi kami ng mga kahoy para daw kasi sa bonfire mamaya. Syempre kami nanaman yung inutusan nina Sir Martin na kumuha ng mga panggatong. Hindi na ako nagtataka. Mapapamura ako nito eh. Mapapamura ako. Mapapamura. Kasama ko nanaman siya. Kasama ko nanaman siya! Poota!

"Bakit ba ang tagal mo? Ang bagal kasi kumilos eh." Sabi ko at kinukuha yung ibang kahoy tapos nilalagay ko sa tent. Sina Amy naman naglilinis dun.. kasama niya sina Malaine. Ako si Lois, Joe at Kobi lang ang natira dito naghahanda para sa bonfire mamaya. Syempre nakikita pa rin kami ni Sir Martin. Nakakainis na talaga 'tong teacher na 'toh eh. Arggg!!!

Kahit na masama ang trato sa akin ni Joe sinusubukan ko pa ring maging anghel kapag kasama siya. Magiging anghel nalang muna ako.

"Wag mo nga ako utusan."

"Wow parang hindi mo rin ako inuutusan ha." sabi ko sabay kuha ulit ng mga kahoy. Nararamdaman ko naman si Sir na papalapit sa amin. Kasalanan kasi 'toh ni Joe eh siya naman yung nangunguna eh.

Matthew Madrigal

Ang tagal talagang kumilos nitong si Monisha. Nandito kasi kami kasama sina Mark naglilinis kami. Nagpupulot ng mga dahon sa tabi tabi. Ginawa kaming mga janitor. Sa gwapo kong 'toh?Gagawin nila akong janitor? Hindi pang janitor ang mukha ko. Mukhang pang bench eh.

"Putcha, Malaine. Ang tagal mo kumilos. Alam mo yun?" Sa sobrang inis ko nalabas ko nalang eh. Wala akong pakialam kung matakot siya sa akin. Eto yung gusto ko eh. Gagawin ko.

"Sorry naman. Babae ako, hindi naman ako lalake. Wala naman akong strong body katulad niyo eh." Pinagmasdan ko siya ng maigi. Hindi ko maitatanggi na maganda nga talaga siya. Maganda siya oo pero hindi mo pa rin maitatanggi ang pagkamahinhin niya.

"Tumabi ka nalang ako nalang gagawa nitong lahat."

"Lakas ng loob mo, bro." Narinig kong sabi ni Mark. Magkasama sila ni Amy. Mukhang bumabait yata si Mark? Hindi naman yan nagwawalis ha? Bakit nagwawalis na siya ngayon? Nagbabago na ba ang higop ng hangin ngayon?

"Sorry, Matthew." Putcha! Bakit ba ang ganda niya? Parang nagugustuhan ko na siya. I'm starting to like her kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangan ko pa.

"Guys, pwede kayo magpahinga sa mga rooms ninyo. Tatawagin nalang namin kayo kapag ok na." Sabi ni Miss. Binitawan ko yung broom tsaka umalis at tumakbo papuntang room. Sinigaw ni Mark ang pangalan ko pero wala akong pakialam. Basta bahala sila dun.

Ingrid De Carpio

Grabe buhay talaga ..... Nakakainis talaga itong si Joe .. Nakakainis ... Pero sa totoo lang bakit ganoon? Ang sweet talaga nina Amy at Mark ... Grabe ibang klase ... Higa higa pa sa lap .. Eh ako kaya ... Kailan kaya ako makakaranas ng ganoon .. Hay buhay .. Eto na si Joe ...

"Huy, Ingrid! Manghingi ka kay na Mark ng buko." Grabe! Inutusan pa talaga ako ha. Dinner kasi ngayon kaya naghahanap siya ng pagkain. Wala nga kasi kaming nakuha kasi sobrang BV ni Joe. wala tuloy kaming pagkain. Ang sakit na nung tiyan ko kasi wala pa rin kaming pagkain hanggang ngayon.

The CliqueWhere stories live. Discover now