Chapter 20 || Dexter

1K 33 2
                                    

Chapter 20
Dexter

Lois De Guzman

Nakakainis nanan 'tong si Kobi eh. Dahil nagaway sila ni Joe hindi na rin niya ako papansinin. Minsan talaga may halong pagkastubborn 'tong lalakeng toh eh.

"Kobi! Hindi mo ba talaga ako papansinin? Multo ba ako?" Tumigil siya sa paglalakad at tumingin siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos niya tignan ang buong katawan ko, no sobrang sexy at maganda—naglakad nanaman siya papalayo.

"Ko--" Bago pa man ako makatapos sa sasabihin ko may nabangga akong. Nahulog lahat ng gamit niya sa floor. Oops. I guess, my fault.

Tinulungan ko siya sa pagkuha ng mga gamit niya pero hindi pa rin tumitigi yung pagsunod ng mata ko kay Kobi. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Nagmadali akong ibigay dun sa nabangga ko yung mga gamit niya ng mapatingin ako sa kanya.

Lalake pala siya. Nerd. Gwapo sana pero may salamin at braces. Siguro kung tataggalin niya yung salamin niya, gwapo sana siya. Marami namang gwapong lalakeng may braces ha. Si Matt nga eh, may braces pero ang gwapo.

"Sorry." Paalis na sana siya ng pigilin ko siya. "I'm Lois, you are?" Inabot ko yung kamay ko for a handshake.

"Dexter" Nakipagkamay siya sa akin pero naramdaman kong may umakbay sa akin.

"Dude, of limits sa girlfriend ko." Si Kobi pala. Anong trip nito? Kanina lang hindi niya ako pinapansin tapos biglang girlfriend?

"Wag kang maniniwala diyan. Nice to meet you, Dexter! See you around!" Magalang kong sabi at inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Kobi at lumabas na sa school grounds.

Nakauwi na sina Grid kami nalang dalawa nitong Kobi na 'toh yung natira. Ang tagal kasing magsagot sa test kaya nahuli. Syempre dahil walang maghahatid sa akin pauwi, hinintay ko na siya.

"Hoy! Lois! Bakit ka nakikipagusap nalang bigla bigla sa mga taong hindi mo kilala?" Tinignan ko naman siya. Nakacrossarms siya at obvious na seryoso siya. Ano nanaman ba 'toh?

"X-cuse me. Kilala ko siya, siya si Dexter. Tsaka nabangga ko siya kaya nagsorry lang ako. Ikaw nga diyan, tinawag mo akong girlfriend asa ka naman 'noh!" Nakapamewang ako habang siya naman papalapit sa akin.

"Para malaman niya kung hanggang saan lang siya. No one touch my property."

"I'm not your property, Kobi. So will you please, just take me home?" Hinintay ko siyang buksan yung pinto ng kotse niya at pumasok na ako agad. Abnormal talaga 'tong lalakeng 'toh.

--------------

Ingrid De Carpio

"Ingrid, anak!" Napatingin naman ako agad sa bleachers at nakita kong nakaupo dun sina Mommy pati na rin si Anthony.

Pero bakit parang hindi ko pa nakikita si Dexter? Ang alam ko kasama yun sa basketball eh. Nasa school pa siguro yun, may activity yata sila ngayon eh. Kahit summer may school work pa rin.

"Ate!" Niyakap ako ni Anthony at ganun dun naman ako sa kanya. Umupo ako sa tabi nila at hinintay na magumpisa yung laro. Basically yung mga mata ko hinahanap si si Dexter. Minsan nalang kasi kami magkita ni Dex kaya gusto ko sanang makita siya ngayon.

"Hello po." Nagulat ako ng nakaupo na sa tabi ni Mommy si Joe at parang gustong gusto pa nila na kausap at makita si Joe.

"Joe? Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko sinasabing hindi ako masaya kaso nandito si Joe, baka lang kasi kapag nakita niya si Dex baka kung isipin niya.

Magkaibigan lang naman kami ni Dex. Since nung mga bata pa kami—kami na lagi yung magkasama. Wala sana siyang isipin na kahit ano between me and Dex.

"Manonood rin ako, bawal ba? Special thing ko ang basketball." Tumango naman ako kahit na alam ko ang totoong dahilan kung bakit siya nandito.

Hindi naman sa nagaasume ako, pero kasi sabi niya kanina nagseselos siya kay Dexter kaya paniguradong gusto niyang makita si Dexter.

"Rona!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Tignan ko kung sino, napangiti naman ako nung malaman kong si Dexter pala yun.

"Dex!" Linapitan ko siya at niyakap. Wala namang malisya yun, magkaibigan lang naman kami.

"Buti nakarating ka, kamusta?" Ngumiti ako sa kanya. Pero kasabay ng pagtingin ko sa kanya, nakita ko rin na masama ang loob sa akin ni Joe.

Oo alam kong wala na kami, pero mali bang sabihin na baka may konti pang natitira kahit katiting na pagmamahal para sa akin si Joe?

"Grabe ka naman, Dex. Ang laki ng pinagbago mo. Eto, ok naman. Strong and healthy pa rin. Ikaw?" Pinunasan niya muna yung mukha niya ng towel bagi niya ako sagutin.

"Eto, may salamin st braces pa rin." Sabay naman kaming tumawa after nun. Kahit kailan talaga magaling magbiro 'tong lalakeng 'toh eh.

"Sige na, mauuna na ako. Cheer mo ako ha." Ngumiti ako at umakyat na ulit sa bleachers at umupo ulit sa tabi ni Mommy. Nakita ko naman na parang galit yung expression ni Joe. Nakita kong may binulong siya kay Mommy and Daddy at tumayo na at parang handa na siyang umalis.

Pero bago pa man siya makalayo. Hinabol ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit pero feeling ko ito yung dapat na gawin.

"Joe!" Tumigil siya pagkarating niya sa tapat ng kotse niya. Mas lalo ko pang binilisan yung lakad ko dahil alam kong aalis na siya.

Hinihingal pa ako pagkadating ko sa tapat ng kotse siya. Nakastop sign pa ako kasi pagod na pagod talaga ako.

"Joe." Bumaba naman siya agad at sinarado ang pinto ng driver seat.

"Grid? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba kasama mo si Dexter?" Sinasabi ko na nga ba eh. Nagseselos 'tong lalakeng 'toh.

"Teka nga, nagseselos ka ba?" Napatigil naman siya sa pagsasalita at tumingin sa akin.

"Oo nagseselos ako."

Ingrid. Narinig mo ba yun? Nagseselos daw siya. Bakit naman siya magseselos? Ibig ba sabihin nun gusto niya pa rin ako? May feelings ba siya para sa akin. Hindi niya pa kaya ako nakakalimutan? Meron pa kayang pagasa na maging kami ulit.

Sabihin mong gusto mo ulit ako, Joe. Babalik naman ako sa eh. Kasi mahal parin kita Joe. Walang nagbago.

"Bakit?" Nanginginig kong sabi. Kinakabahan sa kung ano man ang isasagot niya.

"Kasi hanggang ngayon, mahal pa rin kita."

×××××××××

So nasa service ako ngayon, nagbabakasakali na may maisip ako para sa susunod na update. Hindi ko alam sino na yung isusunod ko.

Siguro si Amy and Mark naman medyo konti part nila dito eh. It's time to shine you know. Then narealize ko na umalis pala si Amy sa chapter na 'toh. Omayghad I need to come up with something.

Sana nagenjoy kayo sa update:)

This chapter is now edited
Credits to: youngvlood20
January 2016.

The CliqueWhere stories live. Discover now