Chapter 22 || Vivian Marie

1K 33 2
                                    

Guys. NAFEATURE po ang The Clique! Omayghad! Hahahaha anyways back to the story.

Chapter 22
Vivian Marie

Mark Conception

First day of classes at wala talaga akong balak bumangon. First day of classes namin sa college at wala akong balak tumayo sa kama at magready. Hindi sa tinatamad ako, hindi lang ako sanay na wala si Amy. Aaminin ko, si Amy talaga yung dahilan kung bakit gusto ko langing pumapasok sa school pero dahil sa America na siya nagaaral at hindi na kami naguusap, narealize ko na nakakamiss siya.

Pagkadating ko sa school sinalubong agad ako ng tropa. Big time na tong mga 'toh. Si Joe singit ng singit sa buhay ni Ingrid. Si Kobi naman laging inaaway si Lois at kung minsan lagi kong nakikita si Matt nakabuntot lagi kay Melaine. Napakabikis talaga ng panahon, isang araw magising ka nalang kasal na silang lahat at ikaw naghihintay pa rin.

Hanggang ngayon hindi ko maalis sa isip ko si Amy. Kung ano na bang ginagawa niya dun. May kasama ba siyang ibang lalake. Ok lang ba siya? Masaya ba siya? Ewan. Hindi ko maexplain.

"Akala ko hindi ka na tatayo sa kama mo!" Sabay sabay naman silang tumawa. Iisa lang naman ang dorm na tinitirhan namin this year. Magkakatabi lang. Plinano lahat ni Lois. Dapat nga by partner pero itong si Lois iniimbitahan yung kaibigan niyang nerd na si Dexter na sumama.

Ang weird nga eh, sabi ni Lois. Gwapo daw pero bakit parang hindi naman halata. Nakita ko na siya once sa picture after nun wala na. "Tinamad man ako o hindi pipilitin niyo pa rin ako pumasok. Kaya inunahan ko na kayo."

"Bro, kaya ka namin pinapasok, para makahanao tayo ng ka-forever mo. Ang dami kayang chicks dito. Masyado lang malabo yung mata mo!" Babatukan ko sana siya ng may nakabangga ako. Nahulog lahat ng libro niya. Tinulungan ko siya sa pagkuha.

Pagkatingin ko sa mukha niya, hindi ko maipagkakaila na maganda siya. Para siyang si Amy nung una ko siyang nakilala.

"I'm sorry." Ako na yung unang nagsalita kasi parang walang balak magsalita 'toh eh.

"I'm Vivian. Vivian Marie. Science Major." Pagpapakilala niya. So trip niya pala ang Science? That's Amy's not so favorite subfect.

"Mark Conception" nakipaghandshake ako sa kanya at binigay sa kanya ang mga gamit niya. Nakangiti namang siyang nagthank you bago umalis.

Nakatingin naman sila lahat sa akin, gulat sa nangyari. "Akalain mong may balak pa rin pala 'tong si Mark na makipagkaibigan sa babae. Akala ko hindi pa nakakamove-on kay Amy eh." Pinilit ko yung sarili kong wag nalang intindihin ang mga sinabi ni Joe. Ayaw kong makaepekto 'toh sa pagaaral ko. Lalo na't nangako ako kay Mama na gagalingan ko this year.

"Una na ako, may class pa ako." Hindi ko alam kung ano yung mga schedules nila kaya baka hindi kami magkasabay sa lunch or breaks. Pero kaya ko naman siguro yung sarili ko.

Pagpasok ko sa loob ng first class ko. Nakita kong nandoo si Vivian yung babaeng nabangga ko kanina. Malaki yung ngiti niya, parang masaya siya na nakita niya ako. Magkasabay pala kami ng class. Buti nalang may makakausap ako.

"Mark right? Akala ko wala na akong makakausap eh." Umupo ako sa tabi niya, since siya palang naman ang nagiging close except syempre sina Joe.

"Ako rin eh."

"Mark! Akala ko hindi ka namin makakasabay sa break eh." Lumapit ako kay na Joe at uupo na sana ng makita ko si Vivian, kumakain lang siya magisa at feeling ko ako palang ang nagiging kaibigan niya dito.

Maganda naman si Vivian, pero hindi talaga siya yung tipo ko. Siguro hanggang ngsyon si Amy pa rin yung mahal ko. Walang makakapagbago nun.

"Pwede ba natin isama si Vivian? Magusa lang siyang kumakain eh." Tinignan naman nila akong lahat. Seryoso yung tingin nila. Tinitignan kung binibiro ko lang siya. Pero seryoso ako.

"Oo naman, gusto rin namin siya mameet." Pero nagulat ako ng kunin niya ang bag niya at umalis na habang may kausap sa phone.

Nakita ko naman na nakatingin sa akin sina Joe. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong lumabas siya ng school grounds. Aalis siya. Saan naman siya pupunta?

"Guys, hindi pa naman ako masyadong gutom. Una na ako." Tumayo ako at dumretso sa labas ng school grounds.

Pero paglabas ko, wala na si Vivian. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Teka nga, bakit ko nga ba siya sinundan? What's with you Vivian? Why are you making me curious like this?

I want to know you better. Maybe your the one I needed to ease the pain. Sino ka ba talaga Vivian Marie?

Author's Note

Guysss! Wait lang. Gusto kong magexplain. Marami ng naguguluhan sa takbo ng story na 'toh. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ng nangyayari. Masyado akong naprepressure sa paggawa at pagedit nung story. Sana maintindihan niyo na focus muna ako sa studies ko. I really needed to maintain my grades. Lalo na't nasa honor ako this past two terms.

Sana maintindihan niyo po. Salamat!

-Miss A

The CliqueUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum