Chapter 17 || Skates

1.1K 39 9
                                    

Chapter 17
Skates

Joe Cabildo

Niyaya ko ang sqaud na magskating muna. Paano ba naman kasi, simula nung umalis si Amy nung nakaraang araw wala ng ginawang iba ang sqaud kundi humiga sa kwarto nila. Pagkatapos kasi nung paguusap ni Mark at Amy umuwi na kami sa Manila hindi na kasi namin kaya na ganito. Yung hindi kami nagkikita. Tsaka gusto muna naming makahagip ng sariwang hangin. Kapg naiisip kasi namin yung nangyari sa lugar na yun bumabalik nalang lahat. Lalong lalo na kay Mark.

"Nakakainis naman kayo, pre. Wag kayo magmukmok enjoy na natin ang summer. Hindi naman dahil wala na si Aims eh hindi na tayo magsasaya." Sabi ko at nagaacting pa na nagmamakaawa.

"Alam niyo, tama si Joe. Enjoy naman natin kahit konti ang summer. Tsaka wag na kayong malungkot guys babalik naman si Aims eh." Inakbayan ko naman si Kobi. Tama siya.

"Ano, tara na! Kilala ni Mommy yung nagbabantay sa skating rink sa Harper." Isang skating studio ang Harper doon nakatira ang Tita ko kaya papapasukin kami doon ng walang bayad.

"Sige na nga, tara na." Sabi ni Ingrid at kinuha na ang bag niya. Lumabas na siya ng bahay niya at nagderetso na sa kotse nila. Ngumiti naman sina Lois at sumunod na sa kanya.

Lalabas na sana kami pero si Mark parang walang ganang sumama. Nakatingin lang sa phone niya na parang tanga ano bang nangyayari dito? Kahapon pa kasi 'toh. Hindi na rin niya ako tinatawagan eh.

"Dude, tara na." Sabi ni Matt sa kanya.

"Nawalan na ako nang gana sumama. Nabwibwisit kasi ako eh." Napatingin naman kaming tatlong lalake sa kanya.

"Huh?" Sabay sabay naming sabi.

Pinakita niya sa amin ang picture sa phone niya. Nasa instagram pala siya. May picture ni Amy na may kasamang lalake. May caption na... "Thankyou for being with me, Caleb! Such a great time with you. Love lots" 

"Sino yang lalakeng yan?" Tanong ni Kobi.

"Si Caleb bestfriend ni Amy since birth." Napatingin naman kaming lahat kay Matt. Kilala niya 'tong mokong na 'toh?

"Group kami noon nung kinder kami." Sabi niya. Kinuha niya yung jansport bag niya at umalis na. Pacool pa 'tong mokong na 'toh. Tumingin naman kami kay Mark. Bumuntong hininga siya.

"Bestfriend lang naman pala dude eh." Sabi ko tapos tinapik ang likod niya.

"Narealize ko din na wala kaming kaisa-isang picture ni Amy sa IG. Tignan no, 'tong Caleb na 'toh yung kauna-unahang lalake sa feed niya" Sabi niya at halatang naiinis siya.

"Bestfriend lang naman eh. Tsaka ayan mo, may picture naman tayo na kasama siya ha? Nandiyan sa feed niya tignan mo." Sabi ni Kobi at sinusuyo si Mark na sumama sa amin.

"Dude, no fun ka naman eh. Tara na sumama ka na sa amin." Hinahatak ko na siya papalabas.

Pumayag naman siyang hatakin ko siya. Nakasakay na kami ngayon sa kotse. Nakatingin naman ng masama sa amin sina Ingrid. Pinaandar na ng driver ko ang kotse at papunta na kami sa Harper.

**********

"Malaine!" Nagkatinginan naman kami ni Matt kasi sabi naming tinawag ang pangalan niya. Tumawa naman si Malaine, lumapit siya sa aming dalawa ni Matt.

"Tara skating na tayo." Nagulat ako nang lapitan niya si Matt at hinatak siya sa rink. Nagulat akp kaya hindi muna ako nakagalaw.

Bakit parang ang saya nila? Magkahawak pa silang pumasok sa rink at tinuturuan pa ni Matt si Laine.

"Ingrid! Tara, skating tayo." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Grid na nakaupo sa tabi ko.

Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ni Mark at nagsabay na silang pumasok sa rink. Naiwan naman ako sa labas at tinitignan lang sila na magskating.

Sina Lois naman at Kobi hinahabol na ng langgan sa sobrang kasweetan. Si Ingrid at Mark naman naghahampasan. Si Matt at Malaine magkayakap?!

MAGKAYAKAP? Hindi ko na natiis kaya kahit na wala pa akong skates tumuntong na ako sa ice. Hindi ko na napigilan kaya nasuntok ko na si Matt. Bumagsak siya. Narinig ko naman ang pagsigaw nina Kobi.

"Dude! Ano ba!"

Sinuntok naman ako pabalik ni Matt kaya ako naman ang nahulog sa sahig. Tumayo ako at sinuntok ko ulit siya. Pinipigilan na kami ng mga kaibigan namin pero hindi pa rin ako tumigil. Nabulag na yata ako sa sakit na nadarama ko. Nasasaktan ako sa nakita ko.

"Ano ba dude! Ano bang problema mo?" Nagtanong pa talaga siya kung anong problema ko?

"Ikaw! Ikaw Matt! Ikaw ang problema ko!" Susuntukin ko na sana siya pero humarang si Ingrid at nakahawak na sa dalawang braso ko si Mark at Kobi.

"Joe! Tama na!" Inalis ko ang pagkakahawak nila sa akin at umalis na.

"Joe!" Putcha naman talaga, Grid.

"Joe! Wait up!" Hindi ko siya pinakinggan at umalis na. Wala akong pakialam kung anong mangyari sa akin pero tumawid ako ng kalsada at walang pakialam sa mga sasakyan.

Tumigil ako ng hinarangan ako ni Grid. Sinusundan niya pa rin ako? Ano bang meron sa babaeng 'toh?

"Joe! Kausapin mo ako." Hindi pa rin siya tumitigil sa kakahabol sa akin.

"Joe!"

"Ano? Hindi ka ba titigil sa kakahabol sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" Nasigawan ko na siya sa sobrang galit.

Napaatras naman siya ng konti sa akin. Nakita ko naman ang pagiyak niya. Nagulat ako kaya niyakap ko siya.

"Sorry..." Yun lang ang tangi kong nasabi habang nakayakap ako sa kanya.

"Bakit mo ba sinasaktan ang sarili mo sa maling babae, Joe?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya.

"Ewan ko. Tanga lang talaga siguro ako."

"Meron namang ibang babae diyan eh." Tumingin muli ako sa kanya at ngumiti.

"Tulad nino?"

"Tulad ko"

"Ano?" Shit.

××××××××××

Under extreme editing, please bare with it.

Edited by: youngvlood02

Copyright 2015

Hey, Let's be friends!

Twitter: @athenaskieee
Instagram: xxjaden_xx
Blog: www.athenaglamour.com

Questions? Ask me on:

Ask.fm: ajtawag0506

Guys? May nagbabasa pa ba? Thankyou po sa mga nagsusupporta sa story. Yung chapter po ngayon ay nakita ko po yan sa panaginip ko kagabi kaya sabi ko, why not diba? Anyways, thankyou po sa lahat ng nagbabasa. Hugs and kisses for all of you!

-Athena KB♥

Further explanation:
Ineedit ko po ang story para kay Athena Tawag ang owner ng librong ineedit namin ni vlood. The story is really good pero kailangan lang po nating ichange ng konti for a better online book that everybody will enjoy. Girl po ako. At friend po ako ng Athena :) Hindi po ako lalake marami kasing nagtatanong kay AJ eh :) Anyways as Athena always says...

Lovelots♥ -youngvlood02

The CliqueWhere stories live. Discover now