Chapter 38 // Ang Gulo

851 22 0
                                    

Chapter 38
Ang Gulo

Lois De Guzman 

Sinundo ako ni Kobi sa bahay nung umaga bago pumunta ng school, hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya eh wala naman na akong nararamdaman para sa kanya. Oo aaminin ko na gusto ko talaga si Dexter pero pinipilit ko naman na limutin ang feelings ko para sa kanya. 

Pero kahit anong pilit ko, hindi ko mapilit ang sarili ko na itago pa ang feelings ko para sa kanya. Simula nung araw na binago ko siya, ganito na yung nararamdaman ko para sa kanya. Pati ako nagbago para lang sa kanya. Pero hindi ko kyang mawala si Ingrid sa akin. Alam kong mahal niya din bilang kaibigan si Dexter pro hindi ko maitindihan kung bakit ayaw niyang maging kaibigan ko manlang si Dexter? 

"Lois, nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang hindi ka naman nakikinig." Tinignan ko si Kobi. Nakatigin siya ng deretso sa daan at hindi tinignan ang mukha ko. Buti nalang hindi niya ako tinignan kasi nakakahiya. Nahihya ako sa kanya na kasama ko pa rin siya hanggang ngayon kahit na nung nakaraang linggo ay nagaway kami. 

"Huh, ano ulit yun?" Tanong ko sa kanya. Hinintay ko ang sagot niya pero walang lumalabas sa bibig niya. Nagulat ako ng itinigil niya ang kotse at tinignan ako. 

"Lois, please be honest with me. Mahal mo pa ba ako at gusto mo pa ba akong makasama?" 

Hindi agad ako nakasagot sa kanya, dahil sa totoo lang. Wala na. Wala na yung pakiramdaman sa dibdib na kung dati, kapag nakikita ko si Kobi sobrang lakas ng tibok. Yung pakiramdam na masaya ka tuwing nakikitaa mo siya. Yung pakiramdam na kahit anong pilit mong pagiwas hindi mo magawa kasi mahal mo eh. Yung nararamdaman ko para kay Kobi dati lahat napunta kay Dexter. 

"Let's just be friends, Kobi. Mas madali siguro yun para sa ating dalawa." Sabi ko sa kanya. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at dumeretso na kami sa school. Buong biyahe hindi na niya ako kinausap ulit. Bawat isang minuto tinitignan ko siya at ang expresyon ng mukha niya. Hindi na niya ako kinakausap. Kaya ayaw kong sabihin sa kanya eh kasi alam kong hindi na niya ako kakausapin ulit. Pero ayaw ko naman na umasa lang siya ng umasa sa akin. Masakit yun para sa akin, at alam kong pati sa kanya. 

Nakarating na kami sa school at pinark na niya ang sasakyan niya. "Kung yun ang gusto mo, itigil nalang natin pati pagkakaibigan natin." nagulat ako. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin 'toh sa akin. Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako. 

"Hindi ko kayang makipag kaibigan lang sayo. Lois, syinota nga kita diba? Kasi mahal kita. Ayoko ng magpakatanga para lang sayo! Kung may iba ka ng mahal, hahayaan na kita. Pero hindi ko kayang makipagkaibigan pa sayo dahil masasaktan lang ako." Bumuntong hiniga siya at kasabay nun ang pagkarinig ko sa lock ng car door. 

"Thank you for making me happy. Makakababa ka na." Imbis na bumaba ako tinignan ko lang siya. Yung expression niya sa mukha niya. Tinignan ko lang ang expresyon ng mukha niya, at nakita ko ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya. 

Nasaktan ko siya. Nakasakit ako ng tao na importante sa akin. Bakit ko ba 'toh ginagawa sa sarili ko?

"Bumaba ka na, Lois." Sabi niya muli sa akin at ngayon ramdam ko na ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Magsosorry ba ako sa kanya, yayakapin ko ba siya? Ano bang dapat kong gawin? Sa ngayon hindi ko talaga alam.

Pero iisa lang ang nilalaman ng utak ko ngayon, at si Kobi yon. Si Kobi pati na rin ang mga salitang binibitawan niya sa akin. Feeling ko sobrang bibigat ng mga sinasabi niya na parang halos hindi ko na maigalaw ang sarili ko. Ang sakit. Bakit ang sakit? Diba dapat hindi na masakit kasi hindi ko nanaman na siya gusto? May iba na akong gusto, at hindi siya yun diba?

"Ko--", "Please, bumaba ka na Lois. Mas lalo mo lang akong pinapahirapan sa ginagawa mo." Wala na akong iba pang nagawa kaya bumaba na ako sa loob ng kotse niya. Tumigil ako sandali kasi baka bumaba din siya sa sasakyan at habulin ako at humingi ng tawad para sa mga sinabi niya. Baka may pagasa pa kami, yung friendship namin. 

//

"Lois, bakit ang putla mo?" Nakasalubong ko si Dexter sa hallway nung papasok na ako sa forst class ko. Wala nga sana akong balak na pansinin siya pero siya ang nagkusang kausapin ako.

Kahit na alam ko sa sarili ko na gusto ko si Dexter at dapat maging masaya ako kasi kausap ko siya ngayon, pero si KObi lang ang nilalaman ng isip ko ngayon. Hindi dahil may nararamdaman ako para sa kanya, kundi gusto ko manlang manatili yung friendship namin. 

"Lois," Tinawag muli ni Dexter ang atensyon ko. Tinignan ko siya at ngumiti, "Bukas nalang tayo magusap, Dex. Late na ako sa klase ko." Pumasok na ako sa loob ng klase kahit na alam kong mamaya pang 9:30 ang klase ko. Ayaw ko muna sigurong makita si Dex. Dagdag lang sa sakit ng ulo. 

"Alam mong walang tao sa classroom na 'toh diba? So bakit ka malalate, eh mamaya pang 9:30 ang first class mo? Ano bang problema, Lois?" Putek. Paano niya nalaman? Hindi ko naman sinabi sa kanya ha? Ang tanga ko din naman, obvious naman na hindi kapaniwaniwala yung sinabi ko kanina kasi walang tao sa loob ng classroom. 

"Basta." Nagmamadali akong lumabas ng classroom at nagbakasakaling makita ko si Ingrid or someone para makalayo ako kay Dex. Ayoko muna siya harapin ngayon, masyado pa akong maraming iniisip at isa na siya dun. Sila ni Kobi.

"Lois!" Mas lalo akong nagmadali sa paglalakad ng matalisod ako at bumagsak sa sahig. Pero hindi sahig yung naramdaman ko kundi tao. Dumilat ako para makaita kung sino at nakita ko si Kobi. Napangiti ako ng makita ko siya, pero hindi ko alam kung bakit. Tinulungan niya akong tumayo at naramdaman ko si Dexter na hinihingal siguro sa pagtakbo para lang mahabol ako. 

Napatingin naman sa aming dalawa si Kobi. Napangisi siya at tumawa. "Alam niyo, kung maglalandian kayo dito sa campus siguraduhin niyong hindi kayo makakabangga ng tao." Pinulot niya ang mga libro at gamit na nahulog sa sahil at nagmadaling umalis. 

Tingin niya nagtatakbuhan kami ni Dex? Seryoso ba siya? Sa tingin niya ba ganun ako kababaw?

"Kobi!" Sinagaw ko ang pangalan niya pero hindi siya lumingon. Tumingin ako kay Dex, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari sa amin ni Kobi? Sasabihin ko ba na siya ang dahilan kung bakit kami nagkaaway away ni Kobi? 

Fuck. Ang gulo!

////

HEEYYYY! Finally an update! I'll try to finish this before May ends, hopefully matapos ko na.

Gagawa po muli ako ng bagong libro, entitiled "Reverse" uhmm, sana magustuhan niya din yan katulad ng The Clique! 

Btw, I just hit 500 followers! Salamat po! Hearts everywhere! 

Always remember, KEEP SMILING AND LOVE LOTS!! 

The CliqueWhere stories live. Discover now