Chapter 11 || Sleepover

1.6K 38 2
                                    

Chapter 11
Sleepover

Lois De Guzman

Tinitignan ko lang si Amy ng makita kong naglalakad na siya pabalik ng bus ng hatakin siya ni Joe. Hinatak siya somewhere nito at parang pupunta somewhere. Hindi na ako sigurado sa mga nakikita ko. Nakakaloka na ang mga nangyayari. Ang hirap iexplain. Nakakaloka.

"Lois, kanina ka pa hinahanap ni Kobi may sasabihin daw sayo." Napatingin naman ako kay Suzy na classmate din namin. Tinignan ko si Kobi at nakikisama lang siya sa mga bata sa may court. Ano naman kaya ang sasabihin nito sa akin?

"Kobi!" Lumingon naman siya sa akin at nakatayo lang ako sa harapan niya. Hindi siya nagsasalita pero pinatawag niya ako dito. Problema nito?

"Huy! Pinatawag mo ako dito tapos hindi ka naman magsasalita?" Kinukuha ko pa rin ang attention niya pero nakatingin lang siya sa akin. Tulala. The last time na bakipagusap ako sa kanya ay nung retreat pa. Never kaming nagkaroon ng communication since then.

"Bahala ka nga diyan" Paalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napaharap naman ako sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya.

"May sasabihin ako sayo." Bumitaw ako sa kamay niya at tumingin sa kanya. "Ano yun?"

Nakatingin lang sa akin ang mga bata at ganun din sila kay Kobi. Hindi ko pa rin alam kung anong gusto niyang iparating sa akin. Hindi ko siya matanto.

Oo, siguro nga. Gwapo siya, pero yung ugali niya ibang iba sa ugali ng mga lalakeng nagiging crush ko. Hindi ki type si Kobi. Hibdi ako pumapatol sa playboy.

"Lois" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Amy na maydalang pagkain. Binigay niya ito sa mga bata at tumingin sa amin ni Kobi. Bigla naman siyang ngumiti.

"Anong nangyayari dito?" Tumingin ako kay Kobi na nakayuko na ngayon.

"Eto kasing si Kobi sinabi niya kay Suzy na papuntahin ako dito pero pagdating ko dito ayaw namang magsalita." Nagulat namang si Amy sa mga narinig niya.

"Wow! After a month maguusap din naman pala kayo." Sabay tawa niya.

"Ano ba yung sasabihin mo dito kay Lois at gusto mong kausapin?" Tanong ni Amy kay Kobi.

"Time alone ba ang kailangan niyo?" Sabi ni Amy at umalis na.

"Look, Lois, gusto kita." What?

*********

["Ready na talaga akong magsleepover 'noh. Pagkatapos ng stress."] Nakakatawa talagang kausap 'tong si Amy.

"Saws! Sige na beshie, see you in a bit. Bibili pa kasi ako ng mga pagkain natin later."

["Alrighty! Make it good ok?"] Tumawa ako bago ko siya sagutin.

"Yes, beshie. I'll make it good!" Binaba na niya ang tawag at kinuha ko na ang bag ko at bumaba na sa living room. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse. Bibili pa ako ng mga pagkain para mamaya.

"Saang store po ba tayo pupunta, ma'am?" Tanong sa akin ng driver namin.

"Kuya, sa S&R nalang po." Sinuguro ko naman na dala ko ang membership card.

Palabas na ako ng S&R ng magtext sa akin si Kobi.

From: KobiPalaka

Please, kausapin mo na ako.

Hindi nalang ako nagreply at sumakay na sa kotse at bumalik na kami sa bahay. Ilang text at tawag na ba ang iniwan ni Kobi sa cellphone ko? Dapat kasi nagpalit nalang ako ng cellphone number.

"Lois, inayos mo na ba ang kwarto mo?" Narinig kong sabi ni Mommy.

"Yes Mom, inayos ko na po." Sigaw ko at nagmamadaling unakyat ng kwarto.

*******

"Beshie! Kasi naman! Aminin mo nang nagugustuhan mo na si Kobi." Natatawang sabi ni Malaine at nagpatuloy lang sa pagtulak kay Amy na nasa swing ngayon. Ako naman tinutulak ko si Ingrid.

Nasa park kami ngayon, ang boring kasi sa bahay wala kaming magawa. Kaya nagdecide kaming maglakad lakad. Malapit lang naman sa bahay ang park.

"Nako, Lois. Baka mamaya sagutin mo na si Kobi ha." Natatawang sabi ni Amy habang nagseselfie kasama si Malaine.

"Ewan." Sabi ko at tumingin nalang sa kawalan.

Ilang minuto pa at bumalik na kami sa bahay para gumawa ng kahit anong kolokohan.

Hindi ko talaga alam kung anong meron sa aming dalawa ni Kobi. Pagkatapos nung sinabi niya sa akin sa charity work.. Tumakbo nalang ako at biglang bigla pa rin sa mga nangyari. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto niya daw ako? Pero parang ang weird nun. Hinabol niya ako pero tumakbo lang ako ng tumakbo.

Aaminin ko na ok, hindi ko siya gusto pero ayokong mahurt siya.

"Girl, ano ka ba. Kumakain ka ba talaga? Tignan nakatingin ka lang kasi sa kawalan. Ano bang nangyayari sayo?" Natauhan naman ako dahil sa sinabi ni Ingrid.

"Sorry, may iniisip lang."

Nakita kong nagvibrate nanaman ang phone ko at nakita kong tumatawag ulit si Kobi. Napatingin naman silang lahat sa cellphone ko at sa kung ano man ang gagawin ko. Sumubo ulit ako nagpretend na wala akong naririnig.

Nagulat naman ako ng sagutin ni Amy ang tawag.
"Hello! Kobi! Please wag mo muna guluhin ang pagiisip ng kaibigan ko. Next time ka nalang tumawag. Marami pa siyang ginagawa ngayon, ok? Bye!"

Binaba na niya ang tawag at tumingin sa akin.

"Next time, magusap na kayo. Please lang." Sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nakatingin lang sa akin si Malaine at Ingrid at bumalik nalang ulit sila sa pagkain. Nagtetext pa rin sa akin si Kobi kahit na sinabi ni Amy na tigilan muna ako.

Ano bang gagawin ko? Hindi ko gusto si Kobi at ayako namang mahurt siya dahil dun.

Pumunta kami sa terrace at nagbuild kami fort para makapagstargazing. Hindi man ito yung tipo ng "bestfriend goals" na nakikita namin sa twitter pero pwede na rin dahil magkakasama kami.

"Ganda ng langit 'noh?" Sabi ko at humiga.

"Mas maganda yung stars."

Nagpicture muna kami bago magkantahan. Parang bonfire lang.. Amg saya talaga kapag may kaibigan eh 'noh?

"Guys! I promise you! This friendship will last forever! Forever and ever and ever!" Sabi ni Ingrid habang tinataas pa ang kamay niya.

"Ofcourse, always and forever!" Sabi ni Amy at nagsimula nanamang tumutugtog sa gitara niya.

You can count on me, like one , two, three.... Sabay sabay naming kanta habang nagsasayaw.

Sana hindi na magbago 'toh. Sana nga, forever na 'toh. Sana nga.

•••••••••••••

Under extreme editing, please bare with it.

Edited by: vlamingfire

Alright reserved 2015.

The CliqueWhere stories live. Discover now