Chapter 33 || Tears

868 27 12
  • Dedicated to Monisha Domingo
                                    

Chapter 33
Tears

Amy Disente

Magang maga na yata ang mata ko dahil sa kakaiyak. Kagabi pa ako umiiyak, wala nga yata akong tulog. Everytime na pinipikit ko ang mga mata ko, mas lalo akong naiiyak dahil kung ano ano ang mga naiisip ko.

At minsan naisip ko, are they even worth the tears and pain. At minsan naisip ko, do they do and feel the same way? Kasi ayoko maging loner, hindi naman pwedeng ako nalang palagi ang nagdudusa.

So I decided na pumasok sa school kahit na sinasabi ng utak ko na manatili nalang dito sa bahay pero sinasabi ng puso ko na harapin ang kung anong mangyayari sa school. I should learn to be brave, yun din ang mali sa akin. Natatakot ako, natatakot ako harapin ang problema but in the real fact hindi naman ganun kalalim. Eto sigurong nangyayari ngayon, lesson na 'toh sa akin na maging matapang at harapin ang mga problema, kasi kung hindi mas lalo ka lang masasaktan.

"Are you sure na kaya mo nang pumasok ngayon?" Tanong sa akin ni Jasmine. Kahit pareho na kaming college magkaiba kami ng university na pinapasukan. Nasabi ko na rin ang lahat lahat sa kanya, yung sa amin ni Mark, yung fling namin ni Ivan at yung problema namin ng squad.

Masaya nga ako kasi naintindihan niya ako, atleast at this kind of problems, may makakausap at may mahihingan ako ng advices. In this point, si Ate Jas nalang ang kinakapitan ko.

"Yes, Ate. Sigurado na po ako." Hinalikan niya ang ulo ko bago nagpaalam na papasok na siya sa school. Inubos ko ang cereal ko at sumakay na sa kotse.

Dahil wala ako sa mood na magdrive, si Kuya Loloy muna ang magdridrive sa akin papuntang school. Mga tatlong linggo na rin ako hindi pumapasok, at sigurado ako na galit na ang Dean at Professors ko sa akin. Pero the last time nung pinuntahan siya ng Mommy ko  for excuse letter, ang sabi niya naiintindihan naman daw niya.

"Ingat po kayo, Ma'am. Susunduin ko po ba kayo mamaya?" Tumingin ako sa labas at nakita ko ang school. Here we go again, school.

"Opo, kuya pasundo po mamaya. Salamat!" Lumabas na ako ng kotse at dumeretso na sa loob. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pake. Just let them stare, wala naman magnanago kapag pinatulan ko pa sila.

//

Ramdam ko ang tingin sa akin ni Laine nung Literature class. Pero hindi ko siya pinansin at nakinig lang sa professor namin. Alam kong dapat hinaharap ko sila pero kailangan ko lang siguro na humanap ng tiyempo.

"Amy! I've been waiting for you all week. Buti pumasok ka na!" Tumingin ako kay Ivan at hindi ko inakala na yayakapin niya ako bigla, nakatingin pa naman sa amin ang buong student body at kasama na dun si Mark.

//

Hapon na pero ako pa rin ang pinagtsitsismisan ng mga tao dito sa school. Kahit na ayaw ko silang pansinin, hindi ko mapigilan na makinig sa pinaguusapan nila, syempre ako yun diba. Curious lang naman ako.

Pero ang kakapal din ng mga mukha nila 'noh? Harap harap na panghuhusga. Mga walang puso, hindi ba nila naisip na baka may masaktan sila sa pagiging matatalas ng mga dila nila.

"Amy, sabi ni Mark magkita daw kayo sa garden." Tumungo ako at nagderetso sa garden. Oras na rin siguro na harapin ang problema. Hindi 'toh maayos kung hindi paguusapan.

Pagdating ko sa park nandun na silang lahat, pero imbis na maging masaya ako mas lalong lumala ang naramdaman ko. Nagsisigawan at nagaaway silang lahat. Lumapit si Mark sa akin at niyakap ako, pero hindi ko siya niyakap pabalik.

"PWEDE BA LOIS! WAG MONG IBUBUNTONG SA AKIN ANG GALIT MO! LUMALANDI KA LANG KAY DEXTER KAYA GANYAN KA!"

"SHUT UP, KOBI! NAKIKOPAGKAIBIGAN LANG AKO! HINDI LANG NAMAN KAYO ANG LALAKENG PWEDE KONG KAIBIGANIN!" Pinipigilan ni Grid at Laine si Lois habang ang ibang lalake naman ay piniligilan si Kobi.

"ANO BANG NANGYARI SA'YO? BITCH!" Sinampal siya ni Lois at nagulat kaming lahat sa sinabi ni Kobi. Sasampalin pa sana siya ni Lois ng maramdaman ko ang pagkahilo. And the next thing I knew..

//

Nasa hospital ako. Anong nangyari sa akin? Ang pagkakatanda ko lang magaaway kanina si Kobi at Lois. Yun kaya ang dahilan ng pagkahilo ko?

Biglang pumasok si Dr. Grey. Doctor ko siya simula nung bata pa ako. At siya ang katiwala ng mga magulang ko pagdating sa health ng pamilya namin. "Gising ka na pala, Amy. I have to tell you something important. Hindi ko na muna pinapasok ang mga kaibigan mo dahil mas maganda kung ikaw lang ang makakaalam." I took a deep breath at pinakinggan ang sinasabi ni Doc.

//

Umuwi na ako pagkataposng ilang araw. Ako, at pamilya ko lang ang nakaalam sa mga sinabi ni Doc sa hospital nung nakaraan. At ayoko munang pagusapan.

"Amy, bukas after mo sa school pupunta tayong hospital." Ininform ako ulit ni Mommy bago ako humiga sa kama. Kinumutan niya ako at hinalikan ang noo ko. Katilad ng dati niyang ginagawa.

I hold on to that kiss. I will miss them.

Hindi ako sumagot at sinabukan ng matulog pero kahit anong galaw ko may sakit akong nararadaman. And every now and then sumusuka ako at ihi ng ihi. Halos ilang bote na ng tubig ang naiinom ko at sobra na akong nilalamig.

Can I hold on to this forever? Sina Lois, kamusta na kaya sila? Hindi pa kami nagkikita simula nung nahimatay ako sa school at dinala nila ako sa hospital. Bukas sa school, mahimatay nanaman kaya ako? Hindi. I'm strong, kakayanin ko yon.

Malakas pa ako.

///

Guys, guys! Almost 500 followers! Salamat sa lahat!

Please read the story of my friend mariaaastella. I will put the link on my next update. Salamat!♥

KEEP SMILING ANG LOVE LOTS!♥

The CliqueWhere stories live. Discover now