Chapter 39 // Kiss

962 23 3
                                    

Chapter 39
Kiss

Amy Disente 

Hating gabi na ng maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko. Hindi ako makakilos, akala ko simpleng cramp kaya hinayaan ko muna. Ayokong gisingin si Mommy dahil alam ko na pagod siya dahil sa trabaho at ganun din si Daddy. Pero hindi ko na nakayanan yung sakit kaya sumigaw na ako. 

Agad namang pumasok sa loob ng kwarto si Mommy at inanlalayan ako. "Aims, bakit?" Tinuro ko ang tiyan at bewang ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero sobrang sakit talaga. "Dad, tumawag ka ng ambulansya! Faster!" Sigaw ni Mommy kay Daddy. Hinawakan ko ang braso niya, akala ko mawawalan na ako ng malay sa mga panahaon na yun pro parang kinakapos na ako hininga. Hanggang sa maramdaman ko ang dilim sa aking mga mata.

// 

"Is she going to be ok, Doc?" Narinig ko ang boses ni Dianne. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mommy at mga kapatid ko. Nilapitan agad nila ako at sinalubong ako ng marami pang tanong. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin lahat kaya ipinikit ko nalang muli ang mga mata ko. 

Alam kong maayos na ako pero hindi ko pa kayang magsalita. Parang walang kahit anong salita ang lumalabas sa mga bibig ko. HIndi ko alam kung matutuwa ba ako kasi gising na ako, feeling ko kasi patay na ako eh. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa akin. Yung huli kong punta sa hospital sabi ng doktor maayos naman ako. 

"Amy," -- "Gusto ko po munang magpahinga. Please po." Yun lang ang nakaya kong sabihin pagkatapos ng marami nilang tanong na hindi ko naman kayang sagutin lahat. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpahinga, ipikit ang mga mata ko at matulog. 

Oo, masasabi kong siguro lumalala na ang sakit ko. Pero pinigurado ako na hindi pa ako mamatay. Hindi ako pwedeng mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay, gusto kong grumaduate ng college na kasama ang mga kaibigan ko. Gusto kong magkatrabaho, gusto kong magkaroon ng pamilya kasama si Mark, magkaanak, maging masaya habangbuhay. 

Pero itong letseng sakit na 'toh ang humaharang sa lahat ng gusto kong gawin sa buhay. Alam kong hindi ko dapat sinasabi 'toh sa sarili ko. Pero siguro kailangan ko ng igive up lahat ng yon, dahil hindi ko kaya. Masyado ng masakit.

//

Papasok na ulit ako sa school, tatlong araw din akong nakatengga sa hospital. Halos hindi ako mkakain kasi nakaksuka yung pinapakain nila sa akin. Hindi ko alam kung panis ba yun o ano. I hate hospital food, yun ay kung nasa Pilipinas ka.

Alam kong marami ring mga tanong ang mga kaibigan ko tungkol sa nangyari sa akin, alam ko na hindi nila ako titigilan hangga't sabihin ko ang dahilan ng pagkawala ko ng tatlong araw. no contacts, no text, no messages, nothing at all. Pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang totoo dahil alam kong hindi nil makakaya yun. Lalo na ngayon na may ganito ring sitwasyon si Joe. 

Yes, I have cancer. Stage 1 at sabi ng mga doktor baka daw mas lalo pang lumala ito kung lagi akong magpapagod. Kung hindi ko daw aalagaan ang sarili ko baka umabot po ito ng Stage 4. Oo aaminin ko, natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw mawalan nalang ako ng malay, at yun na pala ang huling hininga ko sa mundo pero wala pa rin akong nagagawa para sa sarili ko. 

Pumasok ako sa first class ko at pansin ko ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit, halata naman sa mukha ko na putlang putla ako at pumapayat na ang katawan ko. Kaklase ko nga pala si Joe ngayon! Pero nakita kong wala siya sa klase. Hindi siya pumasok? 

Ilang oras pa at nagring na rin ang bell. Nagmadali akong hanapin si Ivan dahil kung meron man akong pagsasabihin tungkol sa kondisyon ko, si Ivan yun. Alam naman na niya ang nangyayari sa akin kaya mabilis akong magopen up sa kanya. 

"Aims!" Napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko, tumingin ako kung sino at nakita ko si Kobi papatakbo sa direksyon ko. 

"Long time no see, three days." Palabirong sabi niya sa akin. Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Look, maglulunch kami sa cafe malapit lang dito, hinatyin ka namin dun?" Ngumiti ako at tumango, "Sure, susunod nalang ako may hahanapin lang ako." Sabi ko sa kanya. Umalis na siya agad at agad kong hinanap si Ivan. 

Saan naman kaya pupunta yun? Nasaan na ba yun kapag kailangan ko siya? May nilalandi siguro yun na babae. Tinext ko nalang siya na pupunta ako sa cafe malapit sa school at magkita nalang kami mamayang dismissal. 

// 

Pagpasok ko sa loob ng cafe nakita ko sina Mark nanagtatawanan at nakaakbay siya kay Ingrid. Nung una akala ko friendly lang pero bigla niyang hinalikan sa pisngi. Nagulat si Ingrid pati na rin ang buong barkada. Nagdesisyon ako na wag na muna lumapit baka kung ano pang magawa ko kay Mark, pati na rin kay Ingrid. 

"Sorry, lasing na yata ako." Napangiti naman ako sa mga sinabi niya, ibig sabihin hindi niya sinasadya yung nangyari. Lalapit na sana ako ng nakita kong hinalikan din ni Ingrid sa pisngi si Mark. Nagulat silang lahat at nagtawanan. 

Nakalimutan na ba talaga nila ako? Umalis ako sa cafe at dumeretso muli sa school, pero this time magpapasundo na ako. Hindi ko nakayanan yung mga nakita ko sa cafe na yun, those two na tinuring kong bestfriend, is hiding something from me! Nagawa pa nilang maglampungan sa harap ng mga iba kong kaibigan. 

BLLSHT! Nawala lang ako ng tatlong araw! Tatlong araw lang! Napansin ko din na wala si Joe, kaya pala nagawang halikan ni Ingrid si Mark dahil wala ang boyfriend niya! Slut. I never should've trust them. Nakakagalit! 

To: Kobi 
   Can't come, may emergency 

Pinili kong wag sabihin sa kanila yung mga nakita ko. Gusto kong sila mismo ang magsabi sa akin na may relasyon silang dalawa sa isa't isa. Meron man o wala gusto kong sabihin sa akin ni Mark ang totoo! Kung hindi ipapamukha ko sa kanya kung gaano siya kag*g*. 

From: Kobi
   Shems, sayang! Hinihintay ka namin! Pati ni Mark!

Hinihintay? Wow! Thank you for that Kobi, nagawa mo pa akong iplastic! Napakagaling mong kaibigan! 

"Aims! Saan ka pupunta? Akala ko gusto mo akong kausapin?" Tinignan ko si Ivan, at lahat ng galit, sama ng loob, hinanakit ko lumabas na. Naiyak na ako. Umiiyak na ako at ayaw tumgil nung luha sa mga mata ko.

"Aims, bakit?" Sabi niya sa akin habang niyayakap ako. Kahit anong pilit ko hindi pa rin tumitigil yung sakit pati yung luha sa mga mata ko.  

"Bakit, Amy? Anong nangyari?" Tanong niya muli sa akin. But this time I didn't turned it back. 

"Si Mark at Ingrid. They kissed, Ivan." Hindi siya naghintay pa muli ng isang minuto at niyakap akong muli. 

The thing that I needed right now, is comfort, and at the moment, Ivan is giving me some, and that all I need. 

/////

WASSUP?? Hiiiiiii guys!! SLU (Sorry Late Update). Hows your summer? Mines doin' pretty good! 

Follow me on twitter @athexena_ 

KEEP SMILING AND LOVELOTS!

The CliqueWhere stories live. Discover now