Chapter 27 || Ropes

879 31 1
                                    

Chapter 27
Ropes

Amy Disente

The next thing I knew, nasa labas na ako ng bahay ni Lois. Nagulat ako sa mga sinabi ni Mark at miski sa mga reaksyon ng mga kaibigan ko.

Oo, mahal ko pa rin si Mark. Hindi lang mahal, mahal na mahal ko siya. Pero bakit parang nasasaktan pa rin ako? Hindi ba dapat, masaya ako kasi sinabi niya yung mga yun?

Hindi ba dapat, kayakap ko siya ngayon at dapat naguusap na kami? Pero bakit ako dinala ng mga paa ko dito? Bakit mas pinili kong umalis?

Mahal ko pa rin ba talaga si Mark? Oh, napagod na ako sa kakahintay? "Amy," pinunasan ko ang mga luha na natitira sa aking pisngi bago ko lingunin si Ingrid.

"Uuwi ka na?" Kung pwede lang sanang umuwi, mas gugustuhin ko sanang umuwi eh. Pero hindi pwede kasi ngayon nalang kami nagkasama-sama ng barkada at ngayon nalang ulit ako makakabawi sa kanila.

Isasawalang bahala ko nalang muna yung kay Mark at magpapakasaya nalang ngayong gabi.

"Papasok na ako maya-maya nagpapahangin lang ako." Umalis na siya pagkatapos at ako naman napabuntong hininga, at pumasok na rin pagkatapos.

Pagpasok ko ulit sa loob lahat sila nakatingin sa akin at halatang pinagusapan nila ako nung nasa labas pa ako. Si Mark naman bigla akong hinawakan sa pulso at hinatak papunta sa isang kwarto.

Sigurado akong kay Lois yung kwarto kasi girly yung mga gamit. "Kailangan nating magusap, Amy." Nakatingin siya sa akin ng deretso at halata sa mukha niya ang galit, lungkot pati na rin ang takot.

"Wala naman tayong dapat pagusapan, Mark." Tapat kong sabi sa kanya kahit na deep inside gusto ko pa siyang kuasapin.

3 years na rin ang lumipas, marami na akong nabalitaan sa kanya at gusto kong manggaling sa kanya lahat ng yun. Pero iba na ngayon eh. Iba na yung mundo na ginagalawan namin. Ibang iba siya sa Mark na nakilala ko noon.

Hindi ko alam kung epekto ba 'toh ng pagkawala ko, oh dahil nagmature lang talaga siya.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin parang ayaw na niya akong pakawalan. "Yung sinabi ko kanina, totoo yun."

"Stop playing games with me, Mark. It's not funny." Umalis ako sa pagkakayakap niya sa akin at aakmang lalabas na ng kwarto nang hawakan niya ang pulso ko.

"Amy, I'm sorry. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng 'toh. Mahal na mahal pa rin kita, noon hanggang ngayon." Hinarap ko siya at hindi ko sinasadyang masampal siya. It was an accident, pero siguro ginusto ko rin.

Galit ako sa kanya, kasi akala ko matatanggap niya ako pagbalik ko. Na may pagasa pa na maging kami. Pero pagbalik ko bigla nalang nagiba ang takbo ng panahon. Dati, pinaalis niya ako para pagbalik ko maging maayos na ang kondisyon ko, pero anong nangyari? Pagdating ko, pinaasa niya lang ako.

"Sorry, I have to go." Lumabas na ako ng kwarto at hindi na pinansin sina Ingrid at tumakbo na papaalis. Wala na akong pakialam sa mangyayari bukas. Basta kailangan kong makaalis sa bahay na yun. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang tanggapin muli si Mark sa buhay ko kahit na mahal na mahal ko siya.

Then all of a sudden, nagring ang phone ko.

// Where are you?// Si Ivan lang pala. Ever since nagkakilala kami ni Ivan sa states lagi na kaming magkasama. As friends lang naman and besides, naiintindihan niya ako.

// I need you, right now. //  Maiyak-iyak ko pang sabi sa kanya.

// Papunta na ako sa bahay niyo, don't do anything stupid. // Napatawa naman ako bigla at binaba na ang tawag niya.

*********

Pagpasok ko sa loob ng school si Mark agad ang una kong nakita sa may gate. May hawak siyang basketball at nakaschool jersey siya. May laban yata sila.

"Amy, pinapasabi ni Ivan may practice daw sila ngayon kaya hindi na niya masasamahan." Sabi ni Efron na kakalase niya sa Phsycology. Ngumiti ako at agad na dumeretso sa klase ko pero dahil sa bola ni Mark napatigil ako sa nirolyo niya ito sa dinadaanan ko.

"Sorry." Simple niyang pagsabi. Tumango na lamang ako at dumeretso sa paglalakad at hindi nalang siya pinansin.

"Manonood ka ba ng game?" Narinig kong pasigaw niyang tanong. Humarap ako sa kanya at umiling. Hindi na siguro ako manonood kasi magiging busy ako sa projects at for sure baka macram nanaman ako paghindi ko tinapos on time.

"Aims, kahapon pa kita tinatawagan, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Lois. Ngumiti ako at hindi nalang nagsalita.

"Yes, I'm fine. Excuse me may pupuntahan lang ako." Agad akong umalis at dumeretso sa office.

******

"Mr. Conception, kung wala kang balak na makinig sa lesson. You are free to go out." Ayan nanaman siya. Last day of the week na nga hindi niya inaayos.

Dahil natalo sila sa laban nila kanina. Oo, natalo sila. Wala daw kasi sa sarili si Mark. Kaya halos sa buong game hindi siya pinapasok.

Pero hindi ko alam kung bakit pati ako naapektohan sa mga kinikilos niya. I mean, hindi naman kasi siya ganyan dati.

"Miss, can I go out?" Lumabas ako agad at hinanap si Mark. Hindi ko alam kung bakit ko 'toh ginagawa pero parang feeling ko kailan lang talaga. Yung mga paa ko, dinadala ako dito.

Nahanap ko siya sa lobby. Nakaupo siya dun at nakiknigng music sa earphones niya. Nung nakita niya ako agad siya umiwas ng tingin.

"Mark," agad niya akong tinignan. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko rin alam." Sumimangot naman bigla ang mukha niya.

"Why are you still doing this to me? May Ivan ka naman na, diba? Kailangan mo pa na pahirapan ako? Please, Amy. Tigilan mo na ako. Ang sakit na eh." Umalis siya bigla at hindi ko na siya hinabol dahil alam kong hindi niya magugustuhan na habulin ko pa siya dahil mas lalo pa siyang magagalit sa akin. At hindi ko kakayanin na magalit pa siya sa akin dahil hindi kakayanin ng puso ko.

//

Guuyyythhh omayghad... 13k! 13k reads. Omayghadd.

Keep smiling, and LOVE LOTS!

The CliqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon