Chapter 34 || Fears

889 26 4
                                    

Chapter 34
Fears

Mark Conception

Three weeks na siya ganun. Solo na namin ng barkada ang routine niya. After mg klase niya sa Literature sabi ni Laine kaumakain siya kasama sa Ivan sa garden, naniwala ako kasi mismo ako nakita ko silang magkasamang kumakain dun.

Then after ng klase niya sa Journalism ay sinusundo na siya ng parents niya at laging kasama si Jasmine at Dianne. Napansim din namin na sobrang payat na niya. Nagpapapayat yata siya. Bakit pa siya magpapapayat, maganda naman na ang katawan niya.

Sa Photography naman, second period. Everytime na magkakatinginan sila ni Lois ay lagi siyang umiiwas at hindi manlang ngumingiti. Then we made our own plan para makausap na namin si Amy. We want to make sure na ok siya. Kasi pagkatapos nung nangyari nung nakarang dalawang linggo hindi na namin siya nakausap.

Hinintay kong matapos ang klase para makausap ko siya ng maayos. Nakita kong lumabas na siya at may hinahanap sa kanyang bag. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at hinabol siya. Tingnan niya ako at halatang nagulat siya.

"Hey," pinilit kong ngumiti kahit deep inside nilalamon na ako ng kahihiyan. Oo, kahit na matagal na kaming magkakilala nahihiya pa rin ako kapag kausap o nakakasama siya. Importante sa akin si Amy, at sa kanya ko lang nararamdaman yung ganitong feeling.

"Hi, Mark." Sumagot na siya Mark, anong dapat mong sabihin pabalik? Hindi ko rin alam kaya tumingin ako sa mata niya. "Gusto kita makausap," sabi ko sa kanya.

"Gusto ko rin sana pero hinahanap na ako ni Mommy. Sa susunod nalang." Nagmamadali siyang umalis at naiwan ako doong nakatunganga.

//

Pagupo ko sa drivers seat. Hindi ko mapigilan ang macurious sa mga ginagawa ni Amy. Ilang linggo na niya kami iniiwas, when all I thought ay magkakaayos na agad kami. Hindi naman kami nagaaway ng ganito katagal. Napakaimmature namin. College na kami pero nagaaway pa rin kami, akala ko sa mga gradeschool lang nangyayari yun.

"Mark, nakausap mo?" Tanong sa akin ni Grid over the phone. Kanina niya pa ako tinatawaga pero ngayon ko lang siya sinagot. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari kanina. Sasabihin ko ba na hindi ko nakausap si Amy kanina at hanggang ngayon wala pa ring nangyayari.

"Hindi ko siya nakausap, may pupuntaham daw siya." Narinig ko naman ang buntong hininga niya sa kabilang linya at kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko na disapointed siya.

"Sorry," sabi ko sa kanya. Binaba ko na ang tawag at nagdrive na papuntang bahay. Habang papunta ako doon napadaan ako sa hospital para bisitahin ang lolo ko.

Pero nakita ko ang kotse nina Amy at nakita kong sumakay sa kotse si Jasmine. Kahit na nagtataka ako hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa loob. Pero triny ko pa ring hanapin si Amy baka nandito siya at baka may binisita.

Pero sadly, hindi ko siya nakita.

//

Sa totoo lang, natatakot na ako. Natatakot ako na mawala si Amy. Natatakot ako sa magkahiwahiwalay kaming magkakaibigan. Natatakot ako na baka ito na yung maging huli naming paguusap. Tinext ko siya kagabi na magkita kami sa Coffee Shop. Kapag hindi siya sumipot, hindi na ako magmamake ng move na kausapin pa siya.

Oo, susuko na ako. Ayoko na. Napapagod din ako, hindi lang siya. Hindi ko alam kung bakit ako susuko ulit kahit hindi pa sigurado kung kakayanin ko ba. Isang beses ng nangyari sa amin 'toh. Pero hindi naman niya ako sinukuan eh. Sana hindi ulit mangyari ulit yung dati, dahil hindi ko kakayanin.

"Mark," I looked up, nakita ko si Amy. Dumating siya! Shit! Dumating siya! She didn't left me hanging. Hindi ko akalain na sisiputin niya ako. Pagkatapos ng apat na linggong hindi siya nakakusap at nakasama.

"Late ba ako? May pinuntahan pa kasi ako." Ngumiti ako at lumapit sa kanya bago siya yakapin. Hindi ko kinaya, aaminin kong namiss ko siya.

"Matagal ko ng gustong makausap ka. Akala ko hindi ka dadating." Napabuntong hininga siya bago tumingin sa akin.

"Sorry, masyado akong naging busy sa bahay at school. Ako rin naman miss ko na kayo." Hinawakan ko ang kamay at niyakap siyang muli.

Mahaba haba yung paguusap namin. Marami akong nakwento sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa grupo namin. Si Lois at Kobi nagkabati na, tapos si Grid naman sobra yung pagkagulat sa pagdating ni Dexter. Sinabi ko rin na baka alam mo na, sumama na minsan sa amin si Dexter.

"For sure, selos na selos si Kobi? Ayaw niya pa kasi aminin na gusto niya pa rin si Lois." Napatawa siya. Ngayon ko nalang ulit siyang nakitang tumawa. Oo nakikita ko siuang tumawa dati pero iba 'toh eh. Lalo na ngayon na ngayon lang kami nakapagusap.

"Oh, bakit? Kung makatingin ka naman, baka matunaw ako." Kung makapagsalita siya parang walang nangyari. But I don't care, she's different and that's what I like about her.

"Ang ganda mo kasi." Nakita ko siyang nagblush. It's good to know to have her back. Namiss ko siya masyado.

"Gusto ko ng makausap sina Laine. Miss ko na rin yung mga yun." Napatingin ako sa kanya, akala ko hindi na niya yun sasabihin.
"Kung alam mo lang kung gaano ka na nila kamiss."

//

"Mark! Kanina pa kita hinihintay!" Tumingin ako kay Mommy na may kausap sa lalake sa couch. Ngumiti ako at bumeso sa kanya.

"This is Fred. Anak ng daddy mo." Napatingin ako sa lalake at napuno ng galit ang buong katawan ko. Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na sa kawarto ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko siyang makita.

Oo kilala ko siya, pinakilala siya sa akin ni Daddy. Matagal na. Pero hindi ko alam na anak niya pala yun. Anak niya sa iba niyang babae. Sa sovrang dami niya yatang babae, hindi mo mabibilang. Araw araw yata iba ibang babae, tapos araw araw niyang inaakan.

"Dito muna siya titira." Napatigil ako sa pagakyat ng marinig ko yun kay Mommy. Tinignan ko siya "Ano?" Bumaba ulit ako para kausapin si Mommy.

"Kailangan niya ng matitiran dahil pinalayas siya sa kanila." Wala akong pakialam kung pinalayas siya. Bakit siya pupunta dito? Kaano ano ba namim siya.

"Bakit, Mom?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi kapag pinatira natin siya dito, kukunin siya ng Daddy mo at babalikan niya tayo." Hindi ko maintindihan si Mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay si Daddy pa rin ang iniintindi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit puro nalang si Daddy ang laman ng utak niya. Nandito lang naman ako.

"Mom, kahit na kunin siya ni Daddy wala pa ring magbabago sa pamilya na 'toh!" Naramdaman ko ang hapdi sa aking mukha at sa sandlaing iyon naramdaman ko ang sakit. At sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang sakit.

Hindi ko na hinintay pa na may sabihin si Mommy umakyat na ako sa kwarto. Nilock ko ang pinto at humiga sa kama ko.

///

Sobrang boring ko na magupdate pero promise gaganda na yan sa susunod.

KEEP SMILING AND LOVE LOTS!♥

The CliqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon