Chapter 9 || Charity work

2K 53 29
                                    

Chapter 9
Charity Work

Amy Disente

Hindi ko alam kung anong meron sa amin ni Mark pero alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya. Hindi ko alam kung bakit pero ganito rin yung naramdaman ko noon nung kami pa ni Matthew. Hindi ko alam pero siguro ok na rin 'toh. Bahala na.

"Amy, pasok na ako sa classroom ha." Nakangiting sabi sa akin ni Heather. Classmate ko siya at kasama rin sa student council. Dahil ako nga ang Vice President ng student council every monday 2 hours ang meeting namin para sa mga future activities. Kasama ko si Ingrid kasi siya naman ang President.

"Amy, una na ako or hintayin kita?" Nakangiting sabi ni Ingrid sa akin. May tinatapos kasi ako para maipasa na namin sa discipline coordinator. "Sige, Grid. Mauna ka na. Tatapusin ko pa 'toh. Paki sabi nalang kay Miss."

"Sige sige, sunod ka nalang ulit ha?" Sabi niya at tumango naman ako. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko para makapunta na rin sa class ko. Ang dami ko na kasi namiss tsaka ang dami namin kailangan gawin para sa student council dahil ang tagal namin nawala.

"Amy, itutuloy niyo ba yung Charity work ninyo sa Batangas?" Narinig kong sabi ni Ms. May na discipline coordinator namin. Siya rin kasi yung nagaapprove ng mga activities na pinaplan namin. "Yes po, madami po kasi yung hindi nakakaain doon tsaka gusto po sana namin na tulungan yung mga bata kahit papaano ng mga konting salita kasi po balita namin maraming bata ang hindi nakakapagaral doon." Nakangiti kong sabi habang nagtytype sa laptop ko.

"That's great. Kailan niyo ba balak gawin ito?"

"Siguro po next week busy rin po this week diba? Meron po kasing practices for intramurals." Malapit na rin kasi ang intramurals pero nagbigay kami ng report kung pwedeng ilipat nalang ang intrams para every week pwede kami pumunta sa iba't ibang branggay para makapag turo at mabigyan ng kasiyahan ang mga batang hindi nakakapagaral. Bait namin 'noh?

"That's great. Supportado ng school ang activity ninyo." Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.

"Salamat po, miss. Pero hindi po ako kasama kasi po marami na akong namiss sa mga ibang subjects ko kung pwede po magaral nalang ako sa bahay?" Sana pumayag si Miss. Malapit na kasi ang exams at hindi pa ako nakakapagreview.

"Amy, alam kong importante sayo ang pagaaral mo pero alam kong they need you there. May make-up classes naman so don't worry." Nalungkot naman ako pero tama nga naman si Miss kailangan nila kami doon.

"Ok, gagawin ko na ang bulletin para sa activity." Ngumiti naman ako at lumabas na rin siya. Nilabas ko ang phone ko at tinext si Ingrid.

To: Grid❤
Beshie! Baka malalate ako ng dating kasi aayusin ko pa yung kailangan para sa Charity Work. Sige beshiee, babush! Mwah!

Hindi ko na hinintay na magreply siya dahil alam kong nasa class siya. Niligpit ko na ang mga gamit ko at umalis na sa student council room. Pupunta ako ng library kasi feeling ko ako lang magisa sa student council room tapos nasa dulo pa kaya nakakatakot.

"Amy! Kanina pa kita tinatawagan eh." Tumingin ako sa likod ko at nakita kong tumatakbo si Joe papunta sa akin na hawak ang phone niya.

"Bakit? May nangyari ba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala kasi yung teacher namin tapos nawalan naman ng load si Ingrid kaya pinahanap ka niya sa akin. Pumunta ka daw sa canteen nandoon din yung buong barkada." Tinuro niya yung daan papuntang canteen. Nagtaka naman ako pero sige, ok na rin.

"Sige bababa na ako." Sabay,kaming bumaba kasi nandoon naman daw ang buong "Barkada" napangiti naman ako ng hindi sa oras. Hindi ko alam na meron pala kaming barkada. Kasi kung titignan mo lagi kaming nagaaway ng ATG pero ngayon may namumuo ng "Barkada" Nakakatuwa lang isipin na pwede palang mangyari yun.

The CliqueWhere stories live. Discover now