Chapter 18 || Misunderstandings

1K 39 5
                                    

Chapter 18
Misunderstandings

Ingrid De Carpio

"Tulad nino?" Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya.

"Tulad ko" Nabigla ako sa sinabi ko at bigla kong natakpan ang bibig ko. Ano bang nasabi ko? Ano yun? Hindi ako pwedeng mainlove kay Joe. Hindi pwede.

"Ano?" Oops. Ayan na. Nagtatanong na siya. Anong isasagot ko? "Oo, oo, mahal kita" hindi eh... "Oo gusto na yata kita" hindi rin eh. Mali pa rin. Anong sasabihin ko? Nalilito na ako. Litong lito na.

"Anong sabi mo Grid?" Tumingin ako sa kanya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napabuntong hininga.

"Ako, kami, tayo. Kami ng sqaud. Nandito kami para sayo. Hindi ka namin iiwanan." Buti nalang nakaisip agad ako ng dahilan para hindi niya ako mahuli.

Mahuli? Bakit niya nga ba ako mahuhuli?

"Alam ko naman yun. Hindi ko lang matanggap na...." Niyakap ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit pero niyakap ko siya. Alam kong nasasaktan siya dahil sa mga nangyari sa kanila. Unang una, nagkagusto na si Laine kay Matt. Pero hindi naman alam ni Laine na may gusto pala si Joe sa kanya kaya ang end up, nasaktan si Joe dahil may something na between sa kanilang dalawa. Ang gulo gulo gulo ng lovestory nitong si Joe. Kung sa akin nalang kasi siya nainlove hindi naman siya masasaktan ng ganito eh.

"Thanks, Grid. Pero sa ngayon kailan ko munang mapagisa." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang kamay niya at may binigay sa kanya. Ibibigay ko sana 'toh sa anniversary ng barkada pero dahil he's feeling down ngayon ko nalang ibibigay. Bibigyan ko siya ng bracelet na may nakalagay na "Sqaud" sa likod naman ng bracelet may nakalagay na "Since 2011"

Masaya naman ako kasi napangiti ko siya kahit konti. "Remember, squad is always here for you. Don't give us up." Ngumiti ako sa kanya at umalis na.

********

"Where is he? Is he ok?" Yan agad ang sinalubong na tanong sa akin ni Lois. Magkasama sila ni Laine ngayon habang si Mark at Kobi naman ginagamot yung sugat na natamo ni Matg dahil sa pagsuntok sa kanya ni Joe kanina.

"Ok lang ba siya?" Tinignan ko si Laine kahit na alam kong wala naman siyang kasalanan pero may something pa rin sa akin na feeling na nagagalit ako sa kanya.

"Tinatanong mo talaga kung ok si Joe? Kasalanan mo naman kung bakit siya nagkakaganun." Sabi ko at kukunin ko na sana ang bag ko ng magsalita si Matt.

"Ano ba talaga ang problema ni Joe?" Tumingin muli ako sa kanila. Ngumiti ako.

"Oh c'mon, Matt. Hindi ba obvious? Matagal ng gusto ni Joe si Laine. But obviously din naman na hindi niyo alam." Nagulat sila sa sinabi ko. Halata naman sa mga mukha nila.

"Gusto ni Joe si Laine? OMG!" Nagulat na sabi ni Lois.

Kinuha ko na ang bag ko at lalabas na sana pero nagsalita si Laine. "I didn't know." Lumabas na ako ng tuluyan at narinig ko naman sila na sinusundan ako. Nagpapara ako ng taxi ng hablutin ni Mark ang kamay ko.

"Sumabay ka na. Iuuwi ka na namin." Wala naman akong nagawa at sumakay nalang sa kotse ni Joe. Hindi niya pala kinuha pabalik.

*******

"Bye, Grid." Hindi ko pinansin si Laine at lumabas ng ng kotse. Hinatid nila ako sa bahay. Pumasok na ako sa loob ng gate ng hindi sila pinapansin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay narinig kong may kausap sa phone si Mama. "Sige po, salamat. Sasabihin ko pagdating niya dito. Sige ho." Binaba na niya ang telepono at tumingin sa akin.

"Tumawag na ang university. Pwede ka ng magentrace exam then pwede ng magenroll. Nakapagdecide ka na na ng papasukan niyong eskwelahan?" Sa totoo lang hindi pa namin napaguusapan ng barkada kung saan kami magaaral. Gusto kasi namin yung magkakasama kami. Parang walang problema ganun.

"Hindi pa po. You'll know soon, Ma." Umakyat na ako para macontact si Amy. Siya lang kasi ang pwede kong makausap ngayon.

Inopen ko ang FB ko at iniwanan ng provate message.

Ingrid De Crapio: Best, saan ba tayo magaaral ng college? Nagtatanong na kasi si Mama eh.

Online siya kaya nakasagot siya kaagad.

Amy Disente: College De San Juan kasi ako ineenroll ni Tita Abby. But I refuse her offer dahil gusto kong magkasama tayo. Diba ang huling napagusapan ng sqaud Gerdon Sqaure University?

Ingrid De Carpio: Right, pero parang hindi ko affored yung ganung kamahal na school.

Amy Disente: Huh? Why naman?

Ingrid De Carpio: Nagtitipid na kami. Siguro hindi muna ako makakapagaral doon.

Amy Disente: May full schoolarship naman sila eh. Pwede kang magapply if you want.

Ingrid De Carpio: Sige sige pupunta ako doon bukas para makapagexam.

Amy Disente is typing......

Hinihintay ko ang susunod niyang reply ng bigla aiyang offline? Huh? Sineen niya ako? Baka may problema lang.

May nareceive naman akong text.

From: Aims♥

Girl, sorry. Bawal ako gumamit ng laptop. Hindi na kita nareplyan.

Humiga ako sa kama ko at binuksan ang music sa ipod ko para makinig sa music. Narinig ko ang ringtone ng phone ko. Tinignan ko kung sino, si Malaine pala.

Sinagot ko.

"Hello"

["Hello, Grid. Sorry na."]

"Oo na, ok na."

["Talaga? Thankyou talaga, Grid."]

"Sige na, I have to go. Bye na."

["Bye na."]

Pagkababa ko na ang phone ko dumeretso na ako sa banyo para makapaghanda na sa pagtulog. Bukas pupunta pa ako sa GSU.

••••••

Nang magising na ako. Sinuguro ko muna na malinis ang kwarto ko bago ako pumunta sa bathroom para makaligo.

8:45 na? Naligo na ako at bumaba na para makakain na ng breakfast. Dederetso na sana ako sa kitchen ng marinig kong may kinakausap sina Mama kaya tinignan ko muna kung sino. Si Joe? Si Joe nandito? Anong ginagawa niya dito?

"Joe?" Napatingin silang lahat sa akin. Umupo ako sa tabi ni Mama at tumingin lang kay Joe.

"Ang tagal mo namang magbihis anak. Kanina pa naghihintay si Joe dito."

Hinihintay niya ako?

×××××××××××××
Cut ko po muna dito, nagloloko ang laptop ko eh. Next chapter po, promise mahaba. Thankyou!

Under Extreme Editing, please bear with it.

Edited by: ajtawag0506

Copyright 2015

Love lots! Spread the love, lovelies!

The CliqueWhere stories live. Discover now