Chapter 25 || Bully

930 29 1
                                    

Chapter 25
Bully

Lois De Guzman

Habang naglalakd ako papuntang next class ko may nakita akong lalake na nakasalamin at glasses na pinagsisipa ng mga boys.

Napakacruel naman talaga ng mundo ngayon 'noh. Akala ko pa naman, walang bullies sa school na ito. Para lang silang sina Kobi dati eh, bullies rin. Hay nako.

Nilapitan ko sila at naagaw naman nila ang atensyon ko. Alam ko, maganda ako. Kaya nabighani sila sa ganda ko.

"Sa tingin niyo, tama yung ginagawa niyong pagbubully sa kanya? Don't you think, mas nagmumukha kayong tanga?" Umangat naman yung bagang nung isang lalake bago tumingin sa akin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa tsaka dumeresto papaalis.

Ang aangas tignan pero hindi rin pala nila ako kayang kalabanin. Akala mo kung sino. Tinulungan kong makatayo yung lalakeng pinagsisisipa nila at nung umangat siya ng tingin sa akin, napatagpo kong si Dexter pala yun. Yung nabangga ko dati, bago pa man magstart yung schoolyear.

"Dexter right? I remember you." Napangiti naman siya at tumingin siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagpupunas ang mga dumi niya sa shirt at pantalon niya.

"Bakit hinahayaan mong ibully ka nila? Hindi na uso yan a college." Napatawa naman ako bigla, pero halata naman sa mukha niya na hindi siya natutuwa. Ang galing ko talagang magjoke kahit kailan, natutuwa ahat ng tao. *sarcasm*

"Hindi ko rin alam." Malungkot niyang sabi. Kinuha niya ang bag niya at lumabas ng ng empty, and I think abandoned classroom.

"Anong next class mo?" Tanong ko sa kanya.

"Room 201" Would you look at that? Magkaklase kami. Per bakit ganun? 3 months na kami sa school pero hindi ko pa namamalayan na kakalase ko pala siya tuwing Tuesday? Well, atleast alam ko na ngayon.

"Kaklase pa--" napatigil ako sa pagsasalita nung ngumiti siya. Parang tumigil bigla yung mundo ko. Ang gwapo pala niya. Kaso nakabraces siya at salamin. Kung tatanggalin niya yun siguro marami ng babae ang mahuhumaling sa kagwapuhan niya. Ewan ko kung ako lang ang nakakakita nun.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Bumalik naman ako sa realidad at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa classroom. Pumasok na ahad siya at umupo sa pinakahuling row sa dulo at ako naman sa unuhan.

Matagal na siguro niyang alam na magkaklase kami, pero ako hindi ko pa alam. Napakastupid ko naman kung ganun.

×××

"Buti nalang guys, magkakasama pa rin tayo tuwing breaks and stuff." Sabi ni Ingrid habang kumakain ng chips. Si Joe naman katabi niya na sobrang busy sa paggawa ng assignment niya para sa susunod niyang class. Si Matt naman sobrang sweet sa girlfriend niyang si Malaine at si Kobi naman, ewan. Ganun pa rin, unggoy pa rin siya sa mga mata ko. Sobrang PG kumain akala mo naman gutom na gutom. Yan tuloy lalo siyang tumataba.

Si Mark ewan ko kung nasaan siguro kasama nanaman si Vivian. At si Amy, ayan na papunta na sa table namin. At for the first time nakangiti siya.

"Mukhang ang sayo mo ha, kung hinahanap mo si Mark. Siguro kasama nun si Vivian. Laging magkasabay yun eh." Nakita ko naman bigla ang pagiba ng mukha niya. Obvious naman na gusto niya pa rin si Mark hindi pa nga lang niya inaamin sa amin. Hindi pa siya nagoopen-up sa amin na nagseselos siya kay Mark at Vivian.

"Hindi naman yun yung pinunta ko eh." Pangiiba niya ng topic. Eto naman kasing si Kobi eh, brinought-up pa kasi yung MARK AND VIVIAN topic eh hjndi naman kasama yung dalawa sa usapan.

"Speaking of pinunta mo dito, I have to go. May hahanapin lang ako." Minadali ko ang pagkuha sa bag ko at tumakbo papalabas ng canteen para hanapin si Dexter.

May naisip na akong paraan para hindi na siya mabully ng mga estudyante dito sa PU. Ang problema nga lang hindi ko alam kung nasaan siya.

Hinanap ko siya sa gym pero wala siya dun. Sa first, second, third, fourth, fifth floor chineck ko na pero wala siya dun. Hinihingal na ako kaya umupo muna ako sa garden ng makita ko siyang nakahiga sa feild habang nagstrstrum ng guitar.

"Lois," nakita niya ako kaya no choice ako kundi lumapit sa kanya. Mas lalong pala siyang nakakainlove habang kumakanta siya at tumutugtog ng guitara.

"Nahanap mo yung lunga ko ah." Natawa naman ako bigla. Sobrang effort ko pala na hanapin siya, pati itong lugar na 'toh nahanap ko dahil sa kanya.

"Hinahanap kita," napabuntong hininga muna ako bago ko masabi kung bakit "kasi gusto ko sanang ayusan ka." Bigla namang nagbago yung itsura niya. Yung ngiti sa mukha niya nawala tapos yung spark sa mga mata niya nawala rin.

"Ayoko." Tumayo siya bigla at mabilis na inilagay ang guitara niya sa loob ng lalagyanan nito at akmang aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Wait lang naman, Dexter. Gusto lang naman kitang tulungan eh." Napatingin siya sa akin at tinanggal ang kamay kong nakakapit sa pulso niya at akmang aalis nanaman.

"Please, let me help you." Napatigil siya at humarap sa akin. "Ayoko. Ayaw kong magbago." Pagalit pero mahinahon niyang sabi at umalis na.

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya. Kaya ko naman gawin yun para sa kanya eh. Pero bakit parang ayaw niya?

××××

"Lois, saan ka ba nanggaling? Ihahatid na kita." Kinuha ni Kobi ang bag ko at nilagay sa backseat habang ako naman sumakay na sa unahan at naglagay na ng seatbelt.

Sobrag lutang ko. Ngayon lang kasi ako nareject ng lalake eh. Sobrang lakas ng impact sa akin nun. Pati ng ga sinabi niya. Dahil sa mga sinabi niya mas lalo akong nacucurious sa kung anong meron sa buhay niya.

Hindi kaya gusto ko na siya, kaya masgugustuhin ko siyang baguhin para hindi maging masama ang turing ng tao sa akin. Kasi nagkagusto ako sa pangit ang porma at pananamit?

Gusto ko ba si Dexter?

---------------

Until next update.. Thank you ng marami guys. Love lots

-Miss Aj

 

The CliqueWhere stories live. Discover now