I

204 7 3
                                    

So sorry po for the super duper late updaaaaate 😭

Kakatapos lang po ng classes and sagad sagad kaming tinambakan ng requirements 😭💔

Kaiyak. Masaya po magaral... pero di masaya matambakan ng requirements. 😑💔

Tapos... kakaPasko lang po namin sa Bulacan yeyyyy! Malolos po kami hihihi. I missed my fam here! Yas! Maguupdate ho dapat ako kaso, walang signal ng smart eh. HAHAHAHA
I'm here at Pampanga naman for a short beach moment with my familehhhh.

Anyway, Christmas break na poooo, here we go!

Merry Christmas!!! Love ya all

Enjoy!!!


------/-----/-----/-----/-----/-----/-----/--


March 1, 2018
10:25 pm
(Maine)

One book after the other and another then another and then one more after another.

Ganyan na karami ang mga pinagbababasa naming mga libro, dyaryo at kung ano ano pang pwede mapagkuhanan ng impormasyon.

Kaso...

Wala pa ring nakukuhang sagot eh. Saklap hindi ba?

Unti unti na ko nawawalan ng pag-asa. Ung katawan ko, kahit indahin ko, alam kong unti unti rin akong bumibitaw sa lupang to.

Nawawala na ko.

"Iha? Maine anak are you okay?" Tanong ni tita Rio.

"Opo. Okay lang po. Mejo napagod lang po yung mata ko."

"May gusto ka bang kainin? Matulog gusto mo? Baka sobrang pagod ka na?"

"Okay lang po talaga tita. Salamat po."

"Maine... pwede bang magtanong iha?"

"Sige po tita. Ano po ba yun?"

"Uhm... How are the things between you and RJ?"

Tila ba ako nasaksak sa puso ng biglaan ng marinig ko nanaman ang pangalan ni RJ. Masakit sa pakiramdam na nalilito na ang mahal mo sa buhay, yung tipong hindi ka na niya halos maalala.

"Sa totoo lang po tita, palala na po ng palala ang sitwasyon. Di ko na po alam gagawin eh"

"Maine... may naisip lang ako. Di pa to sure na conclusion, pero baka lang naman."

"Ano po yun?"

"Natatandaan mo ba yung kwento ni Uncle Lucas mo?"

"Yung tunkol po dun sa kaluluwang biglang iniwan nung mahal niya?"

"Oo"

"Ano po meron dun?"

"Ang pagkakaalam ko, nagkakaparehas kayo ng bato, nagiiba rin ng kulay yung sa inyo ni RJ. Tapos, nagka-contact ung astral body mo and physical body ni RJ a lot of times hindi ba?"

Tumango lamang ako.

"Baka naman yun ang kapalit ng communication niyo with each other. Oo, nakakausap mo na siya, nahahawakan, pero baka kada usap at hawak niyo sa isa't isa, unti unti naman nabubura ang alaala ni RJ sayo. Hindi kaya?"

Hindi nga kaya tama si Tita Rio? Baka dahil ito sa kagagawan ko upang mahawakan si Richard.

"Pero tita, kung ganyan nga po, paano ko gagawan ng paraan? Ano po dapat kong gawin?"

"Yun lang ang di ko alam. Pero dapat na natin malaman soon, the soonest dapat. Kasi, iha... Richard is dramatically forgetting your existence na."



---/------//--/////---------------


March 2, 2018
3:00 am
(Richard)

Twenty pages...

Ganun karami ang nasulat ko ng hindi ko namamalayan. Basta basta nalang pumapasok sa utak ko ang mga salita na dapat kong ilagay at isulat.

Nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na ako at unti unti nang bumigat ang nga mata ko hanggang sa tuluyan na silang sumara.

"Sunugin mo..." biglang may bumulong na boses.

"Sunugin mo yung libro..." bumukong ulit.

"Sino ka?" Tanong ko. Ngunit di ako makadilat.

"Sunugin mo..."

--------

LinkWhere stories live. Discover now