H

183 8 0
                                    




Hello po!!!!!

Kamusta na po kayo????? 😊😊😊

Sabi ko po sa inyo eh... ung open letter na yun? Yung bigla biglang pa-ganun ganun ni Madame?

Hayst... may dahilan yun.

Ayan na, unti unti nang magiging malinaw yan. Malalaman na natin ang totoo, and of course...

LOVE will win!

Tell me kung kamusta na po kayo!!!

I badly wanted to hear from all of you!

Maluwag po schedule ko ngayon, Matutuwa po akong makausap kayong lahaaaaaaat!!! 😊😊😊💛💛💛

Anyway! Eto po ulit ang update!
Unti unti ko na pong gagawing majority na tagalog ung story. Para po mas malinaw ang pageexplain. Di ko talaga super forte ang pagsulat sa tagalog, pero I will, para po mas maintindihan at maisapuso ng lahat.

I thank you. Pak.

Enjoy!

Nga pala...

ALDUB PA RIN hoyyyyy!!!

😛😛😛

-------------------------------------------------




March 1, 2018
11:55 am
(Maine)

Palakad-lakad... palakad-lakad... tuloy ang aking paglalakad sa kalsadang hindi pamilyar sa aking dugo. Mga malalaki at matataas na establisyimento ang bumubungad sa akin kaliwa't kanan.

Ngayon lang uli... ngayon lang uli naging bago sa aking mga mata, sa aking paningin, ang mga kalsadang dinadaanan ko.

Pero bakit iba na? Bakit tila ba iba na ang tingin ko sa mga lugar na ito? Bakit ba kahit ito'y nadaanan ko ng ng mahigit pa sa isang libong beses, bakit nakakapanibago?

Hindi ko rin alam.

Baka dahil, ako'y nagbago na rin? Magbago na rin sa anyo.

Kung sa bagay, marami na rin namang nagbago... hindi lang ako.

-/-/-/-

Naglalakad na si Maine patungo sa kinatatayuan ng Bahay ng Lumipas (Passed House-in vernacular)

Dahan dahan siyang pumasok sa bahay at nadatnan niya ang karamihan na nakaupo habang nakatitig sa kanya-kanya nilang hawak na libro.

Lumapit sa kanya ang kanyang Tita Rio at niyakap siya.

"Iha, buti bumalik ka na. Tignan mo oh, gusto ka nila tulungan, lahat sila, naghahanap na sila ng kahit anong pwede makasagot sa mga tanong mo."

Tila ba may lumabas na kislap sa mga mata ni Maine. Mga kislap na tila ba nagsasabing siya ay natutuwa sa nakikita niya.

"Nako... Para talaga sa akin? Salamat... Salamat ho talaga..."

"Nako iha... Mahal ka ng anak ko, at kung sino man ang mahal ng anak ko, aba, mamahalin ko rin. Mahalaga ka na rin sa akin, dahil ikaw ang nagbigay ng pagmamahal sa anak ko, na matagal niyang hindi naramdaman. Bumabawi lang ako. At ginagawa ko rin ito, dahil para sa iyo at kay Richard. Ayoko nakikita kayong malungkot. Okay ba?"

Nangingilid ang luha ni Maine habang tumatango siya sa matamis na mensahe ng nanay ng lalakeng mahal niya.

Pagkatapos ang emosyonal nilang pagbati, nauna na si Tita Rio niya doon sa likod ng bahay, kung saan pinapatawag siya ni Uncle Lucas.

Si Maine naman ay kumuha ng librong madadampot niya at nagbasa na rin. Habang nasa kalagitnaan ng matahimik na pagbabasa ng lahat, biglang may tumabi kay Maine sa inuupuan niya.

"Oh, Tin. Hi! Kamusta ka?" Bati ni Maine sa halos ka-edaran niyang babae.

Ngumiti si Tin at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Maine. Nagtataka si Maine sa mga kilos ni Tin, gayo'y hindi naman gaanong magkalapit ang kanilang loob.

"Okay ka lang ba Tin?" Nagaalalang tanong ni Maine.

Tumango lamang si Tin. Hindi alam ni Maine kung bakit mahirap para kay Tin magsalita, kaya naman sinasabayan niya lang ito at pinipilit intindihin.

"Bakit Tin? May gusto ka ba sabihin?"

Tumango ulit si Tin at patuloy na nginitian si Maine.

"What's wrong Tin?"

"Eeeiiiichaaaa buuuuuu" pinilit niya nanamang sabihin.

"Tin... sorry ah, di kita maintindihan eh."

"Eeeeeeeiiiiiii—chaaaaaaaaa buuuuuu" dahan dahan niyang bigkas.

"Di ko talaga maintindihan eh."

Biglang dumating si Uncle Lucas upang sunduin si Tin at ihatid sa kaniyang kwarto.

"Pasensya ka na Maine ah. Hatid ko na muna si Tin sa kwarto. Okay ka lang?"

"Opo Uncle Lukas. Salamat po. Di naman po nakakaabala si Tin."

"Sige. Salamat, una na kami."

"Eiiichaaaaa buuuu!" Pahabol ni Tin bago sila tuluyang makalayo kay Maine.

Napaisip naman si Maine sa kung anong ibig sabihin ni Tin...

Ano nga kaya?

LinkWhere stories live. Discover now