Chapter 45-The End

2.7K 61 4
                                    

[Jerish POV]

“Sorry,Zero.This is the best way for us to move on.Kailangan nating maghiwalay.Sorry."tinanggal ko ang pagkakapit ng kamay nya at umiiyak na umalis ako.

Di ko pa rin tanggap na sya ang kumitil ng buhay ng magulang ko at ni Ate Mikee.Mas magandang lumayo na lang ako sa kanya kesa makitil pa nya ang buhay nya dahil sakin.Ako ang problema ng mga Smith so kailangan kong lumayo.

Naka-order na ako ng plane ticket at handa na akong umalis papuntang Korea.Nakaayos na rin ang gamit ko at mga papeles ko.Kukuhanin ko na lang yung mga gamit ko sa bahay nila Katkat.

“Jerish,aalis ka?"hinatak ko ang maleta palabas ng kwarto.Tumango lang ako bilang sagot.

“Yes,para maka-move on na rin.Pasensya na sa ginawa ko kanina ah."ngumiti ako para pasayahin sila ni Lexi pero nanatiling malungkot sila.

“Ah nakaplano na ito eh.Kailangan ko ng umalis papuntang Korea for good na rin.Di ko na kaya ang sakit eh."ngumiti ako ng mapait.

“Hindi mo kayang takasan ang mga problema mo dito."sabi ni Lexi.

“Hindi ko naman tinatakasan.Kailangan ko lang ng oras para matanggap ang lahat."ngumiti ako.Pagkatapos kong kausapin si Zero sa hospital ay napagdesisyonan ko na ituloy ang plano kong pumunta ng ibang bansa.

“Magpakabait ka dun,Jerish ah!Huwag kang makulit doon.Ipapabomba kita sa Korea eh."sabi ni Lexi.Binatukan naman sya ni Katkat.

“Sira!!Di naman sa North Korea ang punta ni Jerish!!"napahawak si Lexi sa ulo nya.Napatawa ako sa kanilang dalawa dahil ma-mi-miss ko rin ang kakulitan nila.

Nakarating na kami sa airport.

“Pakiabot ito sa mga Smith,kay Hazel,Hanz,at kay Zero."inabot ko sa kanila ang mga letter na sinulat ko para sa mga taong iyon.

“Di ka na ba talaga mapipigilan?"tanong ni Lexi.Umiling na lang ako.Ang hirap iwan ang lahat dito.Yung masasayang alaala.

Niyakap ko sila ng mahigpit.Baka kasi ngayon ko na lang sila ulit mayakap ng ganito.

“Ma-mi-miss ko kayo!!"naluluha na naman tuloy ako.

“Kami rin kaya.Huwag kang makulit doon ah.Huwag ka ring magsusungit dun kasi bago ka pa lang dun.Mamaya ipadala ka na nila sa North Korea.Mahal ka pa namin!!"sabi ni Lexi kaya napatawa kami.

Nag wave ako ng kamay ko sa kanila bago ako pumasok sa airport.

Alam kong di ko matatakasan ang mga problema ko.Pero sa tamang oras ay maisasaayos ko rin ang lahat.

Masakit pa ang pagkawala ni Mommy,Daddy,at Ate Mikee pero unti-unti kong tatanggapin.Ayokong maging mahina

Basta.Babalik ako.Hindi man sa susunod na buwan o taon.Babalik ako.Babalik ako kapag naging matapang na ako harapin ang problema ko.Babalik ako kapag kaya ko ng harapin si Zero.

Hindi ko alam kung kailan pero maipapangako ko.

Pero sa pagbabalik ko,sasalubong sa inyo ang Jerish Lopez 2.0 na ibang ibang sa Jerish ngayon.

Goodbye Philippines....
Hello Korea......

-End of Book 1-

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon