Chapter 18-Probinsya

2.8K 109 6
                                    

[Storm POV]

"Mga senorito.Pasensya na po kung ito lamang ang naihanda ko.Hindi ko naman po kasi akalain na isasama kayo ni Jerish."sabi ni Manang Mercedes habang nilalapag sa lamesa ang mga ulam.

Tuyo,adobong sitaw,at laing ang nasa hapag-kainan.Hindi naman kami mapili kumain,basta may pagkain.Kain lang ng kain.

Oo nga pala,sinabi ni Pretty kay Lola Mercedes na huwag syang tawagin na Jeje.Mukha raw jejemon.Buti nga pumayag si Manang.Hahaha!Mukha talagang jejemon.

"Hindi po.Okay lang po.Kumakain naman po kami ng ganito."sabi ni Kaizer na kinatingin naming magpipinsan sa kanya.

"Eh kahit ano namang pagkain,kinakain mo eh."sabi ni Rex.

"Hindi ka naman umaangal pag pagkain ang katapat mo,ugok!!"sabi naman ni Calyx.

Napailing na lang ako.Kapag talaga nagsalita ang isa,may sasabat na iba.

Napatingin ako kay Zero at kay Pretty na ang sama ng tingin sa isa't isa.Ano naman problema ng mga ito?

"Ay naku,mga senorito.Masama ang nag-aaway sa harap ng pagkain.Tara na at tayo'y magsalo-salo na sa hinain ko."

Kuha na lang kami ng kuha.Eat all you can.Hahahaha!

Kahit kailan talaga,masarap ang pagkain na niluluto ni Manang Mercedes kahit simple lang.Simula nung bata pa kami,sarap na sarap kami sa niluluto nya.Kaya ko nga pinangarap na maging chef eh.Gusto ko kasing sarap din ng pagkain na niluluto ko ang kay Manang Mercedes.

Natapos na rin kami sa wakas kumain.Busog na busog kami.Para na nga kaming mga baboy na kakatayin eh.

"Maraming salamat po sa pagkain."pagpapasalamat namin.

"Walang anuman,mga senorito.Ano nga pala ang dahilan kung bakit kayo naparito?"tanong ni Manang.Nagkatinginan kaming magpipinsan.Nagtuturuan kung sino ang magpapaliwanag.

"Gusto naming makalanghap ng sariwang hangin.Masyadong poluted sa city."napatingin kami kay Zero at sa utak namin ay nagpapalakpakan na kami.Minsan talaga may laman rin ang utak nitong si Zero.Minsan lang.

"Talagang nakakabahala ang polusyon sa siyudad,mga senorito.Kaya nga ako nalipat rito sa probinsya eh."

Napa-Ahh na lang kami.Sabagay masyado ngang poluted ang city.Di katulad rito na presko at malinis ang hangin at kapaligiran.Lalim ng word ko no?Matalino kasi ako,di tulad ng mga pinsan kong puro babae ang gusto.Well,ganun di naman ako.Slight lang.Hahaha!

"Apo,ihatid mo na ang mga senorito,sa kanilang tutulugan.Pagpasensyahan nyo na at maliit ang kwartong tutulugan nyo kumpara sa mga kwarto nyo sa mansyon."

"Hay naku!Puro pasensya na lang kayo.Okay naman samin yung ganito."ngumiti ako kay Manang Mercedes.

"Nagmana ka nga kay Pops!"sabi ni Manang ng nakangiti.

"Aba!Paano naman kami,Manang?"biglang nag-angalan ang mga pinsan ko.Napuri lang ako,nainggit naman ang mga ugok.Inggitero talaga!Ang pogi ko kasi eh!

"Syempre,namana nyo ang kagwapuhan ng lolo nyo."nakangiti pa rin si Manang.Ni isang beses,di namin nakitang malungkot si Manang.Lagi kasi syang nakangiti.That's why I like her the most!

Biglang nagngisihan ang mga ugok.Nakarinig lang ng compliment!Hay naku!

"Baka lumaki ang ulo ng mga yan,Lola!"napanguso bigla ang mga ugok ng nagsalita si Pretty.Kapag talaga nagsalita si Pretty,walang laban ang mga ugok!

"Naku!Ihatid mo na nga ang mga iyan,sa kanilang kwarto at baka napagod kayo sa byahe."

"Okay,Lola!"

Hinatid kami ni Pretty sa isang kwarto.Malaki naman ang kwarto.Mukhang kasya kaming lima.Pero bakit walang kama?

"Saan kami matutulog?"tanong ni Calyx.

"Diyan."

"Saan dyan?Eh wala namang kama?"sabi ni Kaizer.

Napa-poker face at napameywang si Pretty.Ang cute nya kapag nagpo-poker face!Kaya crush ko yan eh!!

"Aba!Sa sahig kayo matutulog.Maglatag na lang kayo ng banig dyan.Andun sa cabinet ang banig."

"WHAT?!"sabay sabay naming sigaw.

What the hell?Sa banig?!Wala talagang kama?!

"Hoy!Huwag kayong maarte at baka palayasin ko kayo dito.Tandaan nyo na nasa teritoryo ko kayo."pinanlakihan nya kami ng mata.

Mukhang nagsisisi na ang mga loko na sumama sila ah!

"Wala bang hotel malapit rito?"tanong ni Rex na pinapatay ang lamok na dumadapo sa kanya.

Ang dami ngang lamok rito eh!Maski ako,andaming lamok ang kumakagat sakin.Mukhang type ako ng mga lamok dito.Pogi na nga daw,ang sweet pa ng dugo.

"Tanga ka ba?Probinsya nga eh!Saan ka makakahanap ng hotel sa probinsya?!"masungit na sagot ni Pretty.

"Okay.No choice tayo mga pinsan."sabi ni Kaizer bago pumasok ng kwarto.Sumunod na lang kami.

"Walang aircon??"tanong ni Kaizer at ni Calyx.

"Malamang wala.Sayang sa kuryente.Andyan naman yung electric fan."

"Nag-i-insecticide ba kayo rito?Bakit andaming lamok?"sabi ni Zero na kanina pa galaw ng galaw para lumayo sa kanya ang lamok.Mukha nga siyang kiti-kiti eh.

"Dunno.Pero may kulambo rin dyan sa gilid ng banig.Gamitin nyo na lang."

"Kulambo?"

"Ginagamit iyon ng mga tiga-probinsya para di sila kagatin ng lamok."sagot ni Pretty.Mukhang naiinis na sya sa dami naming tanong.

"Paano ikabit to?"kinuha ni Rex yung kulambo at binukas.

"Google na lang."sabi ni Zero.

"Boplaks ka ba?Walang signal dito Zero!!"sagot ni Calyx.

"May instruction yang kasama.Dun nyo na lang tignan."napatango nga lang kami.

"No more questions?"

"Wala na!!"sabay sabay naming sagot.Bago kami iniwan ni Pretty.

Mukhang mahaba-haba ang sem-break na to!Goodluck na lang samin at sa mga lamok!


Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon